MILLICENT'S POV "Ang sama naman ng ugali mo Millicent." Nag-iinarte pa si Starth ng lumabas siya mula sa kwarto niya. Saglit lang naman siyang nag-ayos. "May galit ka ba sa akin?" Akala mo naman artsita talaga siya sa teatro. "May naalala kasi ako. Hindi ko naman inaasahang ilalapit mo bigla ang mukha mo ng ganoon. Iyan, nabugahan tuloy kita ng tubig. Sorry na." "Bakit ano ba ang naalala mo kagabi?" Muntik kong gahasain si Ruxle! Hindi ko alam kung papaanong humantong ang lahat sa ganoon! Hindi niya pwedeng malaman iyon syempre. "Wala ka na doon. Ayos ka naman na hindi ba? Sige, Starth, magpapahinga muna ako." "Magpapahinga?" "Masakit ang ulo ko." Totoo naman kasi. "Kahit manood ka man lang muna sa amin, Millicent. Naglalaro kami ng basketball." Tinapik ko ang balikat niya. "Hm

