Chapter 64

2977 Words

MILLICENT'S POV Natatakot na naman tuloy ako dahil sa sinabi ni Ruxle ngunit malaki nga ang posibilidad na hindi CCTV cameras ang nandoon kundi hidden cameras kung talagang itinatago nila sa lahat ang tungkol sa secret lab. Kung sakali man na malaman nila ang pagpunta ko roon. Ano ang mangyayari? Kung si Ruxle lang ang nakakita malamang ay mananahimik sila dahil hindi naman pamilyar si Ruxle sa mukha ni Eilia, eh ako? Mas nag-aalala ako sa lagay ni Eilia ngayon. "Millicent." Nilingon ko si Ruxle ng tawagin niya ako. May hinagis siya sa akin na sinalo ko naman agad. Tila ba nalaglag ang panga ko ng makita ko kung ano ang inihagis niya sa akin. Mabilis kong hinanap ang letrang baybayin na nakaukit rito. Nangilid ang luha ko ng mapagtanto kong ito nga ang susi ni Eilia. Nalilito ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD