Millicent's POV "Baliw." Pangungutya ni Starth kay Verdlu kaya napunta ang atensyon ng lahat sa amin. "Baliw ka talaga Verdlu." Ulit pa niya. "Starth, ano ba?" Pabulong na suway ko sa kaniya pero tinignan niya ako ng masama. "How can you be so understanding all the time, Millicent?!" Halos pasigaw na tanong sa akin ni Starth kaya napayuko ako. "Nakikita mo naman hindi ba? Nakikita mo naman na sa siyam kaming kasama mo dadalawa lang ang nag-aalala para sa iyo and the rest... fvck it! Bakit ba kailangan na lahat ng sisi ay nasa sa iyo ha? Eh hindi ba at sa akin nagsimula lahat ng ito? Bakit hindi mo sabihin sa kanila na ako ang nagsimula ng lahat at hindi ikaw?!" "Starth," "Millicent tinatanong kita bakit inaako mo lahat ng sisi?!" Kinagat ko muna ang pang-ibabang labi ko bago sumag

