MILLICENT'S POV ["Vakla... si Luhan kasi matagal na palang may jowa."] Ano ngayon kung may girlfriend na si Luhan eh ipinagtatanggol pa nga sa akin ni mama ang mokong na iyon dahil kinse anyos naman na at pwede na raw makipagrelasyon. "May iba pang nangyari ano, Washington?" ["Kasi girl, si Luhan..."] "Bakit may pabitin ka pa? Ano ba kasing nangyari?" ["Vaklang bes hanggang kailan ka ba diyaan mag-s-stay?"] Nasapo ko ang noo ko, nauubos ang oras sa tanong ko na hindi nasasagot ni Washington. "Dalawang taon, o ano bang nangyari?" ["Dalawang taon? Ibig sabihin, pagbalik mo rito bes... naipanganak na ang kambal mong pamangkin."] Pamangkin? Kung magbiro talaga itong si Washington, ako nga ang panganay sa amin kaya paano ako magkakaroon kaagad ng pamangkin? Sanadali nga, ano ba kasi

