MILLICENT'S POV Ilang ulit akong kumatok sa bintana ni Starth kahit na alam kong alanganin ang pagkakatuntong ko sa hamba ng bintana. Wala kasing veranda ang mga kwarto namin rito sa kadahilanang baka takasan raw namin ang mga professor namin kapag naburyong kami pero kahit naman may veranda rito at kung may tatakas man hindi agad mahuhuli dahil sa dami ng security measures pagbaba namin. "Starth! Starth! Buksan mo itong bintana----ay!" Humiyaw ako ng bigla nga niyang buksan ang bintana niya, sliding kasi ang mga bintana namin dito, nakahawak ako sa salamin ng bintana ng buksan niya iyon kaya muntikan na akong mahulog. "Hindi ko alam na may unggoy pala dito." Sarkastikong aniya pero hindi iyon ang sarkasmo niya na nang-aasar. Galit siya sa akin! "Hehe, pasensya na." Saad ko at pum

