Chapter 4

2917 Words
Millicent's POV Napasinghap ako ng maitarak ni Ruxle ang parte na iyon ng sirang ballpen sa bandang dibdib ni Pialv. Nakahinga lang din ako ng maluwag ng magkamalay at maging maayos ang paghinga ni Pialv. "Millicent, pumunta ka sa Quarter 4E may mga medic doon, humingi ka ng tulong. BILIS!" Hindi na ako sumagot pa sa inuutos ni Ruxle dahil kaagad na akong tumakbo sa area'ng tinutukoy niya. Hinihingal pa ako ng makarating sa Quarter 4E ilang metro din ang tinakbo ko. "Iyong kaibigan ko po... si Pialv... nawalan ng malay matapos kapusin ng paghinga." "Isa sa mga subject?" Tanong ng isang intern doctor sa akin----si Doctora Jaine. "O-opo!" "Sino sa kanila?" Tanong ulit niya at sinenyasan na ang ilan sa mga kasama niyang magsipag-ayos. "May sakit ba? Anong sakit?" "Cystic Fibrosis po." Sagot ko at tumango naman siya saka may mga device na kinuha. "Nagka-pneumothorax rin po siya." "Nasaan na siya ngayon?" "Sa artificial garden po, nagsagawa na rin po ng tension pneumothorax si Ruxle." "All right, tara na, tara na bilisan ninyo Fernando!" Saad ni Doctora Jaine kaya sumunod ako sa kanila. Pagdating namin sa artificial garden ay naroroon pa rin si Pialv sa mga bisig ni Ruxle na walang malay. Umalalay agad si Doctora Jaine kay Pialv saka tinawag ang dalawang medic na pinasunod niya sa kanya para ilagay sa stretcher si Pialv. "Huwag na kayong mag-alala, maayos naman ang lagay niya, mabuti nalang at naagapan mo agad si Pialv Ruxle. Sa ngayon kailangan nalang na mag-stay ni Pialv sa pangangalaga namin, kami na ang bahala sa kanya." Saad ni Doctora habang sinusundan ko ng tanaw ang wala pa rin malay na si Pialv na nasa stretcher. "Walang anuman, Doctora Jaine. Alam mo naman na ako 'to si Ruxle, lahat ng pinag-aaralan ko ay kaya kong i-aply sa mga emergency'ng tulad nito." Tsk! Tsk! Tsk! Kung hindi naman dahil sa akin ay hindi niya malalamang nasa peligro ang buhay ni Pialv. Eh ano bang inaarte ko? Ang mahalaga ay maayos na si Pialv. "Oo nga, sabi ko nga ikaw si Ruxle Hughstome. By the way, miss...?" Napamaang ako ng tawagin ako ni Doctora----hindi niya ako kilala, tsh! "You are?" "Millicent Laverde po." "Oh? Ah the nursing student." Tatango-tangong sabi niya pero may naririnig akong pagdududa sa tono niya. Lumapit siya sa akin at tinapik-tapik ako sa balikat. "Mag-aral ka ng mabuti, importante ang skills sa nursing," aniya sa nang-iinsultong tono. Tama naman ang first aid na binigay ko kay Pialv kanina ah? "Ah Doctora may itatanong lang po ako." "Yes, Miss Laverde?" "Uh... ano po..." Ano ulit ang itatanong ko? Kung bakit niya ako iniinsulto? Kung bakit hindi man lang niya tinatanong kung may ginawa ba ako kay Pialv? Naaapakan palagi ang pride ko sa kanila. Haist! Pakiramdam ko ang mga tao rito minamaliit ako. "Miss Laverde, kung sasayangin mo lang ang oras ko mabuti pang bumalik ka nalang kwarto mo." Sarkastikong sabi niya saka ako tinalikuran pero nagawa niya pang magpaalam ng nakangiti kay Ruxle. Yeah, age doesn't matter. "Bumalik ka na sa kwarto mo, Miss Laverde." Sabi ni Ruxle sa akin at tinapik-tapik rin niya ang balikat ko. "Tch! Balik na sa kwarto Millicent." Pinuno ko mg hangin ang dibdib ko bago ibuga iyon saka tinignan si Ruxle. "Ruxle, kailangan ba na karamihan ng tao dito ay minamaliit ako?" Tanong ko na nagpawala sa ngising nasa labi niya. "Alam ko naman na mahirap ako pero may pinag-aralan ako, nag-aaral ako. Marunong din akong lumugar sa dapat kong kalugaran pero bakit naman ganoon? Pakiramdam ko maging 'yung mga taong inaasahan kong magagawa akong ituring bilang normal na estudyante na ang gusto lang naman ay bigyan ng magandang kinabukasan ang mga kapatid niya at nanay ay paulit-ulit na minamaliit... kasi..." natigil ako sa sinasabi ko. Ano bang pinagsasabi ko? Nahihibang na ata ako. Simpleng bagay pinalalaki ko. Baka na-ho-homesick lang talaga ako? Tama! Homesick lang 'to. "Uh... wala, wala 'yun. Sige na, babalik na ako sa kwarto ko." Paalam ko kay Ruxle at naglakad na pabalik sa kwarto ko. Kung anu-ano na kasing kahibangan ang pumapasok sa isip ko. Kung anu-anong bagay na rin ang pinagsasabi ko, mamaya nito ay patalsik nila ako papalabas ng SeeRange at oras na mangyari 'yun ay hindi ko kakayanin, mamaya kasi ay ipabalik ni Doc Enrique 'yung paunang bayad na binigay niya at paniguradong hindi ko kaagad maibabalik iyon, isang milyon iyon eh----kaya kahit na anong mangyari mananatili ako dito sa SeeRange para kay mama at sa labing-isa kong kapatid! Mula ngayon ay pag-iisipan ko muna ng mabuti ang mga sitwasyong kinahaharap ko bago mag-react, mahirap na may mga bagay akong ma-misinterpret kaya dapat lang na bawat kilos ay pinag-iisipan ko. "Millicent!" Natigil ako sa pag-iisip ng tawagin ako ni Qatara. "Nasa loob ng kwarto ko si Ofeill baka gusto mong sumama sa amin na maglaro." "Maglaro? Maglaro ng alin?" "Chess. Ano sali ka? Kung hindi ka marunong okay lang kahit manood ka, tuturuan ka namin." Wala naman akong gagawin ngayon sa kwarto ko, mabuti pa nga siguro na sumama akong maglaro sa kanila tutal marunong naman akong mag-chess. Naalala ko noong grade 7 ako ay sumali ako sa Chess competition noong intramurals sa school namin, nag-third place naman ako roon. "Sige ba!" "Okie, okie! Nasa loob na si Ofeill tatawagin ko lang si Lelzie, alam mo na girls bonding! Ay teka! Nasaan si Pialv? Nasa kwarto ba niya? Tatawagin ko na rin." "Ah----Qatara! Huwag mo na munang guluhin si Pialv, saka wala siya sa kwarto niya. Nasa emergency room siya." "Emergency room? Bakit may nangyari bang masama sa kanya?" "Inatake siya ng sakit niya, hayaan mo maayos naman na siya. Naagapan ko----n-naagapan naman din agad siya ni R-Ruxle! Kaya maayos na ang lagay niya." "Ganern? Sige, sige puntahan ko na si Lelzie." Tumango na ako sa kanya saka pumasok sa kwarto niya. Nakita ko na nakaupo sa sahig si Ofeill habang sinasalansan sa tamang pwesto ang mga chess pieces. "Hello, Ofeill." Bati ko sa kanya at tumabi. "Marunong ka mag-chess?" "Hmm! Mmm-mmm... marunong ako. Nagpapaturo nga sa akin si Qatara eh. Saka alam mo ba may plano kami ni Qatara na makipaglaro rin ng chess kay Starth at Thimo." "Marunong rin mag-chess si Starth at Thimo?" Nakangiting tanong ko sa kanya. "Oo! Ang balita ko nag-champion nationally si Starth noong nakaraang taon, ewan ko lang kung totoo, si Thimo na kasama niya 'yung tinuturing niyang father na maglaro ng chess kaya natuto siya." "Ah... ganoon pala? Eh ikaw paano ka natutong mag-chess?" "Ako? Ano... l-libangan ko lang..." Saad niya pero hindi nagawang paniwalaan agad iyon para kasing may itinatago pa siya, na para bang may masakit na alaala siyang kasama sa paglalaro ng chess----at kahit gustuhin ko mang tanungin siya kung ano iyon, mas magandang itikom ko nalang ang bibig ko. "Ako natuto lang ako ng may nagturo sa akin na coach ng chess team sa school namin noong grade 7." "Nakasali ka na sa tournament?" "Noong intramurals lang namin tapos hindi na ulit ako sumali." "Nagka-award ka ba noong unang sali mo? Kung hindi ka man nanalo dapat hindi ka tumigil hangga't gusto at kaya mo po." "Nag-third place naman ako noon," napahimas ako sa batok ko kapag ganitong may achievement ako medyo naiilang akong pag-usapan iyon. Hindi sa nahihiya o pagiging humble, sadyang ayoko lang na pinag-uusapan ang isang achievement kapag ganitong nakikipag-usap ako sa taong kapareho ko na may alam o magaling sa isang bagay, paano kung medyo lamang ako sa kanya tapos nag-kuwento ako tungkol sa achievement ko, pwede ko siyang ma-offend sa paraang iyon. Pero kapag hindi naman napapansin ang kaya kong gawin daig ko pa ang pinagsakluban ng langit at lupa. Tsk! Tsk! Tsk! Pumitik sa hangin si Ofeill bago at nag-abot ng banana chips sa akin bago magpatuloy sa pagsasalita. "Kung nanalo ka naman pala dati bakit tumigil ka sa pag-che-chess?" "Ano eh... balak akong ipasok ng naging coach ko noong mga panahong iyon sa chess club at ilaban ako sa mga kalapit na school d-dahil may potential daw ako saka may matatanggap din daw akong limang daan sa tuwing lalaban ako at pwede pa daw na tumaas iyon kada laban ko..." "Eh? Ayun naman pala eh..." Inubos ko muna ang chips na nasa bibig ko bago magpatuloy sa pagsasalita. "Ano kasi noong sinabi ko kay mama hindi siya sumang-ayon... sabi niya magagawa ko daw bang ipagpalit ang kakaunting kikitain sa chess kaysa sa pag-aaral ko, naisip ko tama rin naman si mama baka masyado akong mawili sa palalaro ng chess at baka mapabayaan ko nga ang studies ko." "Ang practical!" "Iyon ang bagay na palagi naming inuuna, basta mahirap kailangang maging practical." Hindi ko alam kung bakit kusang umangat ang mga kamay ko para pulutin ang isang pawn na nasa chess board at igalaw iyon. "Unahin ang pangangailangan at isantabi ang..." saka ko itinumba ang isang pang pawn gamit ang pawn'ng hawak ko. "...kagustuhan." "Millicent, I want to be you..." Naka-pout na saad ni Ofeill kaya natatawa akong napailing. "Hindi mo gugustuhing mabuhay tulad ng pamunuhay ko, Ofeill. Ako kailangan ko munang kumayod para makakain, isang kahid isang tuka ang pamumuhay namin, hindi tulad mo, kayang i-provide ng parents mo sa madaling paraan ang pangangailangan at kagustuhan mo." "Pero ikaw, mataas ang confidence mo, lahat ng gawain kaya mong gawin, matalino ka, maganda, kung tutuusin lumapit ka lang sa mga lalaki maibibigay na nila sa iyo ang pangangailangan mo." Natigilan ako sa ginagawa ko at mariing napatitig sa kanya. "Hindi mataas ang confidence ko sadyang kinakailangan lang na tumayo ako sa sarili kong mga paa, hindi lahat kaya kong gawin----tao din ako may mga kahinaan, matalino? Hindi rin talagang nagpo-focus lang ako sa kailangang kong bigyan ng pansin. Isa pa, hindi ako 'yung tipo ng tao na handang ibenta ang sarili't kaluluwa para lang kumita ng pera." Napabuntong hininga siya bago simpleng ngumiti. "Sorry kung na-offend kita." "Hindi naman," "Millicent... bagay na bagay sayo ang pangalan mo." "Oh?" "Bakit hindi mo ba alam ang ibig sabihin ng pangalan mo?" "Millicent..." Binanggit ko ang pangalan ko na para bang ngayon ko lang narinig iyon. "Strong in work ang ibig sabihin." "Mismo!" "Hola! My friends!" Sabay kaming lumingon ni Ofeill sa may pintuan. Kakapasok lang ni Qatara kasama na si Lelzie. "Nasaan si Pialv?" Inosenteng tanong Lelzie na sa akin nakatingin. "Oo nga, Milli, nasaan si Pialv?" Tanong din ni Ofeill. "Nasa emergency room siya." Sagot ko. "ANONG NANGYARI?" Pasigaw na tanong ni Lelzie. Napatakip pa si Qatara sa tainga niya dahil sa sigaw na iyon ni Lelzie. "Inatake siya ng sakit niya." "Oh God! Nasa emergency room si Pialv hindi ba? Pupuntahan ko muna siya." Natatarantang saad ni Lelzie kaya tumayo ako para harangan siya. "Mas makakabuti kung hahayaan muna natin na magpahinga si Pialv." "Pero..." Napatingin ako kay Qatara at Ofeill, dapat kaming mag-ingat dahil baka kami ang maging dahilan kapag inatake si Lelzie ng sakit niya. "Lelzie, marunong ka bang mag-chess?" "Hindi eh," nakangusong sagot niya kaya bahagya kong ginulo ang buhok niya. "Kung ganoon, tara at tuturuan ka namin." "Talaga?" "Mmm!" Inalalayan ko si Lelzie na maupo sa sahig kasama nina Qatara at Ofeill. Kabisado ni Qatara ang bawat chess pieces at marunong naman daw siyang maglaro kahit papaano si Lelzie hindi talaga pamilyar sa anumang chess piece kaya itinuro pa namin isa-isa sa kaniya. Medyo mahirap siyang  turuan dahil hindi niya sineseryoso ang ginagawa namin, hanggang sa batuhin nalang niya ng unan si Qatara, noong una akala ko'y magagalit si Qatara pero nagulat ako ng batuhin niya ng unan pabalik si Lelzie. "Qatara baka atakihin ng sakit si----" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng batuhin din nila ako ng unan! Napangisi nalang ako saka umiling bago kumuha ng unan at ibinato din iyon sa kanila. Tatlo na kaming nagbabatuhan ng unan at si Ofeill ay nanahimik lang sa isang tabi habang pinagtatawanan kaming tatlo na maghampasan ng unan, nang magkatingin kami nina Qatara at Lelzie ay pare-pareho kaming nakangisi, nagtaas-baba pa ang kilay ni Lelzie si Qatara naman ay paulit-ulit na kumindat. At sa bilang ng lima, sabay-sabay naming hinampas ng unan si Ofeill. "Bakit nadamay ako?" Natatawang tanong ni Ofeill at kumuha rin naman na siya ng unan saka nakipaghampasan ng unan sa amin. Hindi ko alam kung gaano kami katagal na nag-pillow fight, basta ang alam ko lang ay masaya kaming apat, at talagang masaya ako dahil pakiramdam ko ay unti-unti na akong napapalapit sa iba ko pang mga kasama rito sa SeeRange. Hindi magtatagal nasisiguro kong magiging matalik ko na ring kaibigan sina Ofeill, Qatara at Lelzie. "Wahhh! Pahinga muna." Sambit ni Lelzie at basta nalang siyang bumagsak at humiga sa sahig, hindi niya naman ininda ang ginawang pagbagsak dahil malambot ang carpet sa sahig. Nangingiti akong humiga rin sa sahig katabi nila. "May ibibigay daw na gadget sa atin si Professor Mateo." Sabi ni Qatara habang nakatingala sa kisame. Nilingon ko naman siya at saka tinanong. "Bakit sayo lang sinabi?" "Ah! Iyon ba? Hehehe nag-eavesdropping lang ako." Sagot niya na alanganing natawa. "Napakapasaway mo talaga, Qatara." Sabi ni Ofeill at maging kami ni Lelzie ay natawa na lang. "Anong device ba?" Tanong ko ulit. "Ewan, bukas o baka sa mga susunod na araw ay malaman na natin." Maraming bagay pa kaming napag-kuwentuhan at sa aming apat si Qatara ang pinakamaraming naikukuwento napakadaldal niya talaga, si Ofeill naman ay kabaliktaran ni Qatara dahil malimit siyang magsalita, kung magsasalita man siya ay bibihira lang pero kahit papaano'y marunong naman siyang sumabay sa amin. Si Lelzie na katabi ko ay binabantayan ko dahil baka biglang umataki ang sakit niya lalo pa't nababahala ako sa tawa niya, hindi ako mapalagay sa paraan ng pagtawa niya. "Guys, maiba ako ah. Sa tingin ba ninyo ay magiging normal pa ako?" Biglang tanong ni Qatara pero wala naman akong nababakas na lungkot sa paraan ng pagsasalita niya. "I dunno." Si Lelzie. "Siguro." "Anong tingin mo Millicent? Nursing student ka, siguro naman may opinyon kang masasabi." Sabi niya sa akin kaya napapikit ako at inisip ang mga kaalaman ko tungkol sa sakit niya. Albinism... "Genetic disorder ang sakit mo at karamihan sa mga genetic disorders ay walang eksaktong gamot, pareho kayo ni Pialv na may genetic disorder, specifically Cystic Fibrosis ang sakit niya at Albinism naman ang iyo... marami ng researchers at pharmaceutical company ang naghanap ng gamot para sa mga genetic disorders at karamihan ay walang napala pero kung ganitong nandito tayo mismo sa SeeRange malaki ang possibility na makahanap sila ng gamot para sa iyo, idagdag pa ang katotohanan na bawat taon ay nag-i-improve ng nag-i-improve ang bawat science laboratories taon-taon. Qatara, nasisiguro ko sa'yo... gagaling ka." "Acccckkkkk! I love you, Millicent!" Sa pagkabigla ay nanigas ako sa kinapupuwestuhan ko ng yakapin ako ni Qatara. "Masyado kang cheerful at talkative ano?" Nakangiting tanong ko sa kaniya. Bumitaw naman na siya sa akin at tumingala sa kawalan. "Dito lang naman ako sa SeeRange nagiging ganito." Nilingon ko siya ng may kunot sa noo. "Anong ibig mong sabihin?" "Iyong parents ko kasi, they use to ignore me all the time, para bang ikinakahiya nilang may anak silang katulad ko. Like... ginusto ko ba 'to? Sila din naman ang dahilan kung bakit naging Albino ako. Bakit pa nila ako binuhay kung paalagaan lang din nila ako sa maids hindi ba?" Nakaramdam ako ng simpatya para kay Qatara ng tumulo ang luha niya. "Sinubukan kong mapalapit sa kanila pero kusa pa rin silang lumalayo sa akin," At that moment, naalala ko si Eilia, ang huling balita ko sa kanya ay nawawala siya at hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita kung nasaan na siya. Pareho lang pala si Eilia at Qatara na malayo ang loob sa mga magulang nila. Kumusta na kaya si Eilia? Nakabalik na kaya siya sa kanila? "Qatara," lumapit ako sa kanya para aluin siya, maging si Ofeill at Lelzie ay napabangon para makisimpatya. "Whatever it takes, we'll stay by your side, okay?" "Millicent!!!!" Napasinghap ako ng yumakap siya sa akin ng humahagulgol ng iyak. Hindi nalang ako nagsalita at hinayaan lang siyang umiyak. "Kung hindi ka man nila tanggap, nandito ako kami, tanggap ka namin..." "P-pero M-Millicent... h-h-hindi naman ganoon 'yun eh... kung aalisin ko ang contact lenses ko, kung alisin ko ang pabangong ginagamit ko, kung hindi ako magpakulay ng buhok tanggap niyo pa rin ba ako?" "Qatara, walang taong perpekto, naiintindihan mo ba?" "Eh ano si Ruxle?" "A boastful dork." "Eish! You know what I like him." "Sa yabang ng lalaking 'yun, nagustuhan mo?" "He's close to perfection." Napasimangot ako sa sinabi niya. "Ang labo talaga ng mata mo." Sambit ko at natawa nalang kaming pareho. "Sino 'yun?" Napatigil kami sa pagsasalita ng may magtanong si Ofeill, may kumakatok kasi. Pinunasan muna ni Qatara ang mukha niya bago pindutin ang intercom. "Who are you?" Tanong niya. "It's me," narinig ko ang boses ni Ruxle. Napalingon sa akin si Qatara na namumula ang pisngi. Kinikilig. "Nandyan ba si Millicent?" Napatayo ako sa kinauupuan ko at lumapit kay Qatara. "Why naman ikaw ang hinahanap?" Nagtatampu-tampuhang tanong ni Qatara pero inilingan ko lang siya. "Bakit?" Tumabi siya para makausap ko si Ruxle sa intercom. "May pintuan, Millicent, pwede tayo mag-usap ng magkaharap." Sarkastikong sagot ni Ruxle kaya napairap ako. Sinenyasan ko muna si Qatara na lalabas muna ako at tumango naman siya sa akin, pagkabukas ko ng pintuan ay kaagad akong hinila ni Ruxle patungo sa kung saan. "Ruxle, saan ba tayo pupunta?" "May dapat kang malaman." ──────⊱◈◈◈⊰──────
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD