Millicent's POV
"Anong ginagawa natin dito?" Kinakabahang tanong ko kay Ruxle ng hilahin niya ako papasok sa library.
"Shhh...!" Panunuway niya sa akin at napasinghap ako ng takpan niya ang bibig ko saka iniyakap ang katawan niya sa akin.
Lalong kumalabog sa kaba dibdib ko, kinakabahan ako sa mga ikinikilos niya.
"Millicent, I have something to tell you." Aniya pagkaraan ng ilang minuto, patuloy rin siya sa paglinga sa paligid kung may iba bang tao, lalo akong nalilito at kinakabahan.
"Hmm... mmm!" Angil ko at marahas siyang itinulak. "B-bakit ba?" Pabulong na tanong ko pero kulang nalang ay isigaw ko na iyon.
"Millicent, please listen to me,"
"Ruxle, ano ba iyon? Kinakabahan ako sayo."
"Shh! Shh! Wala kang dapat na ikakaba wala akong gagawing masama sayo, okay?"
"At bakit ako maniniwala sayo?"
"Tss! Ayoko makipag-s*x ng hindi naman----"
"Aish! Huwag mo ng ituloy! Ano ba talagang sasabihin mo sa akin?"
Tila ba nahugot ang hininga ko ng hawakan niya ang braso ko at kabigin ulit papalapit sa kanya. "Millicent..." usal niya saka tuloy-tuloy na ibinulong sa akin ang gusto niyang sabihin.
Nanginginig at nagtatayuan na ang mga balahibo ko sa katawan ng itulak ko siya papalayo sa akin. "A-ano bang pinagsasabi mo?"
"Millicent, alam kong ikaw lang ang pwede kong pagkatiwalaan tungkol sa bagay na 'to."
"P-pero bakit ako... pwede namang si Pialv, si Qatara o kung sino pa man! Pero bakit ako pa? Saka... nahihibang ka na ba?!"
"Millicent, please!"
"S-sorry, Ruxle pero ayoko." Saad ko at diretso siyang tinignan sa mga mata, hindi ko maintidihan, hindi ko talaga maintindihan kung para saan ang mga pinagsasabi ni Ruxle.
Hindi ko alam kung pakulo niya lang ba 'to o para lang pagtripan ako.
Hindi ko talaga alam!
"Ngayon lang ako hihingi ng pabor sayo, kaya please pagbigyan mo na ako."
"Sorry, pero ayoko talaga, saka hindi naman kapani-paniwala 'yang mga pinagsasabi mo."
Bumuntong hininga siya't hindi makapaniwalang tumingin sa akin. "Where's your fvcking brain, Millicent?!"
"A-ano bang pinagsasabi mo, Ruxle?"
"Come on, isipin mo lahat ng sinabi ko sayo! Isa pa kaya kita pinakikiusapan dahil alam kong ikaw lang ang taong makakapantay sa katalinuhan ko dito sa SeeRange!"
Naipaling ko ang ulo ko at para bang paulit-ulit na nag-echo sa akin ang huling linyang binitawan niya. "Ako lang ang makakapantay sa katalinuhan mo?"
Naiiling siyang umirap saka ngumisi sa akin. "Ibang klase ka, Millicent! Basta katalinuhan at pakikipagtaasan ng kaalaman sa akin talagang may energy ka ano?" Sarkastikong aniya kaya ako naman ang napairap ngayon.
"Akala ko bumaba na ang pride mo." Nanlulumong sabi ko at napangiwi nalang.
"Tss! Dumadaloy na sa dugo ko 'to, Milli."
"Sabi mo eh,"
"All right, kung hindi mo mapagbibigyan ang unang pabor ko, iyong pangalawang pabor nalang." Nakangising sabi niya kaya napaatras ako. Parang may masamang binabalak ang isang 'to. "Millicent," aatras pa sana ulit ako ng hawakan niya ang magkabilang braso ko dahilan para ma-estatwa nalang ako sa kinatatayuan ko. "Can we share our saliva?" Tanong niya na nagpalaglag sa panga ko.
Can we share our saliva?
Anong ibig sabihin nun?
"HAHAHAHHAHAHA!" Nakahinga lang ako ng maluwag ng bitawan niya na ako pero napailing nalang ako ng patuloy pa rin siya sa pagtawa. "Funny, Millicent! That was a joke but you didn't get it!"
Joke? Parang hindi naman nakakatawa. Ganyan ba talaga mag-joke ang mga matatalino?
"Ah... gutom lang 'yan!" Nasabi ko nalang dahil hindi ko talaga naintindihan ang joke niya.
"All right," usal niya't bumuntong hininga, "Forget about it, but Milli, can I have a volcanic eruption with you?" Tanong na naman niya na nagpalaglag ng panga ko.
Anong volcanic eruption?
"Mukha bang may bulkan ako?" Naguguluhan pa ring tanong ko. "Ni lava nga wala akong mailalabas eh."
"Ha? Ahahahaha... hahaha," tumaas ang kilay ko ng tumawa ng alanganin si Ruxle, anong meron? Hindi ko talaga makuha. "Alam mo, Millicent----"
"Bakit nandito kayo?!" Sabay kaming napalingon ni Ruxle sa pintuan ng may magsalita.
Si Manang Esmeralda!
"Manang! Good evening po." Nakangiting bati ko sa kanya pero seryoso siyang nakatingin sa aming dalawa ni Ruxle.
"Bakit magkasama kayong dalawa sa isang lugar na madilim at wala man lang mas nakakatandang kasama?" May bahid ng panenermo ang tono ni Manang Esmeralda.
Napayuko nalang ako at napahimas sa batok. Ano ba naman 'to? Nagiging malisyoso si Manang Esmeralda. "Manang, pasensya na po, hindi na----"
"You are right, Millicent. Private things like this must do instead in a Private place, like in my room, right?" Sabat ni Ruxle kaya nalaglag ang panga ko. Anong sinasabi niya? "Come on, Millicent doon tayo sa kwarto ko." Aniya na nakangisi, nanlalaki naman ang mata ko habang tinitignan siya.
Hindi pa man ako nakakapagptotesta ay hinila na niya ako papalabas ng library. Ni hindi ko man lang nasabi kay Manang Esmeralda na may pribadong bagay lang kaming pinag-uusapan ni Ruxle.
"Ruxle! Teka nga!" Sambit ko ng lumiko kami sa isa sa mga pasilyo.
"What?" Patay malisyang tanong niya at binitawan ako.
"A-ano! Ano 'yung sinabi mo kay Manang Esmeralda?"
"A s**t?." Kibit balikat na tugon niya kaya natampal ko ang noo ko.
"Nasisisraan ka na ba? Baka ano ng iniisip ni Manang Esmeralda na ginagawa natin sa library!"
"Ano bang iniisip niya?" Tanong niya't napasinghap ako ng itulak niya ako sa pader at saka kinulong gamit ang isang braso niyang nakasandal sa pader.
"Ruxle ano ba...?!"
"Psh! Isa ka pa, Milli, madumi din ang utak mo." Naiiling na saad niya kaya napairap ako. "Oo nga pala, 'yung pabor ko magagawa mo o talagang hindi mo magagawa?"
"Uhm... ano... Sorry pero hindi ko magagawa, pati 'yung dalawang sumunod na pabor mo... hindi ko kasi naintindihan." Alanganing sagot ko at saka ko naramdaman ang pagpisil niya sa palapulsuhan ko.
"Alam mo ikaw lang ang matalinong nakilala ko na slow."
"Ano kamo?"
"Wala." Aniya at dumistansya na sa akin mula sa sobrang pagkakalapit. "Matulog kang maigi, Millicent, matulog kang maigi." Aniya at iniwan na akong tulala.
Umiling nalang ako at pumanhik sa kwarto ko. Hindi na ako babalik sa kwarto ni Qatara, dahil nakapag-paalam naman na ako sa kanya kanina.
Nakahiga na ako sa kama ko ay hindi pa rin ako nakakatulog, iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni Ruxle kanina.
"Ang isang 'yun! Arrrgghhhh! Ano ba Millicent? Huwag mo na ngang isipin yun, ipapahamak ka lang ni Ruxle!" Ilang beses pa akong nakipagtalo sa sarili ko bago ako tuluyang makahimbing.
"SeeRange subjects to the Quarter 2F now, third floor. I repeat, calling all the SeeRange subjects to the Quarter 2F now, third floor."
Kinuskos ko ang mata ko bago dumilat at kinuha ang digital clock na nasa side table katabi ng kamang kinahihigaan ko.
Alas-tres palang ng madaling araw ah? Bakit pinatatawag nila kami ng ganito kaaga?
Kahit inaantok pa ay tumayo na rin ako at pumasok sa banyo at mabilis na naligo, pagkatapos kong makapag-ayos ay dali-dali akong lumabas para pumunta sa Quarter 2F sa third floor. Pagdating ko doon ay naroroon na si Verdlu, Ofeill, Thimo at Ruxle.
Tumabi ako kay Ofeill dahil hindi naman ako ganoon ka-close sa tatlong lalaking nandito na.
"Bakit nila tayo pinatawag ng ganito kaaga?" Pabulong na tanong sa akin ni Ofeill.
"Hindi ko rin alam," sagot ko naman.
"Thimo, bakit tayo pinatawag rito?" Si Thimo naman ang tinanong ni Ofeill.
"Device testing ata." Alanganing sabi ni Thimo kaya tanging pagtango nalang ang nagawa namin.
Matapos na makumpleto kaming siyam dahil wala pa rin si Pialv at dumating din si Professor Mateo, expert siya pagdating sa iba't ibang uri ng gadgets at devices at nitong nakaraan nga lang ay nakagawa siya ng panibagong cellphone na may ibang operating system sa IOS at Android phones.
Iyon nga lang hindi namin pupwedeng gamitin iyon.
Kung si Professor Mateo ang nandito ibig sabihin lang nun ay device testing nga ang gagawin namin dito ngayon.
Ganito talaga kaaga?
"Okay, everyone, standupandsayyourcode. Startingtoyou, Mr. Hughstome." Panimula ni Professor Mateo at lumapit doon sa may glass wall, may pinindot lang siyang button roon at nag-pop up na ang isang holographic screen at keyboard saka siya nagtipa roon.
"Subject A, Alpha particles. Ruxle."
"Subject B, Adhesion. Verdlu."
"Subject C, Acoustics. Lelzie."
"Subject D, Boson. Uztaki."
"Subject E, Cathode. Thimo."
"Subject F, Black hole. Millicent."
"Subject G, Crest. Starth."
"Subject H, Ductility. Ofeill."
"Subject I, Entropy. Qatara."
"OkaysincewalasiPialvngayon, ikawThimoanginaatasankongmagpaliwanagkayPialvnglahatngtatalakayinnatinngayon. Maliwanag?"
Natulala na naman ako habang pinapakinggan si Professor Mateo na magsalita. Ganyan talaga siya kapag magsisimulang mag-le-lecture typical na professor sa isang university pero kapag sisimulan naman na niyang ipaliwanag ang mga bagay-bagay sa amin ay mahinahon siya kung magsalita.
"Yes, prof."
Maging ang attendance namin ay mayroon pang code na nakabase sa mga terms na ginagamit sa physics at ang arrangement ay hindi nakabatay sa surname kundi sa edad namin, mula sa pinakamatanda hanggang sa pinakabata.
"Diretso na tayo sa topic, gusto kong ipakita sa inyo ngayon ang bagong device na gagamitin ninyo sa pang-araw-araw na pananatili ninyo rito sa SeeRange, ito ay ang Boluffios Watch." Saad ni Professor Mateo at ipinakita sa aming siyam ang sampung Boluffios Watch na nakalagay pa sa babasaging lalagyan. "Lumapit kayo rito at kunin ninyo ang inyo, may mga code na nakalagay dyaan at syempre kung ano ang code mo! Iyon ang iyo."
Tumayo naman din kami at kinuha ang kanya-kanya naming mga relo.
"Rule number 1 sa pagsusuot ng relong iyan. Hinding-hindi niyo maaaring tanggalin iyan, pwede niyo namang isuot iyan habang naliligo kayo dahil waterproof ang mga 'yan. May communication connection rin ang mga relong iyon na pwede niyong gamitin para makipag-communicate sa mga kasama ninyo rito may suot ding ganyang relo. May katanungan ba kayo?"
"Relo po ba talaga 'to?" Tanong ni Lelzie habang kinakalikot ang features ng relong nakakabit na sa palapulsuhan niya.
"Relo nga iyan, hija. Relo pero hindi nagsasabi ng oras."
"Paanong naging relo kung hindi naman pala nagsasabi ng oras?" Nakangiwing saad ni Lelzie kaya napailing si Professor sa kanya.
"Itong Boluffios Watch ay kayang mag-release ng laser pero dadalawang beses lang sa isang araw dahil kinakailangan pa nitong mag-charge, huwag na ninyong isipin ang charger dahil kusa itong nag-cha-charge sa sarili niya kumbaga sa halaman nagkakaroon ng photosynthesis para makagawa ng sariling pagkain."
"Photosynthesis po ang process na kailangan para gumana ang relo?" Tanong ni Uztaki.
Maging si Lelzie ay nagtanong ulit. "Nag-ta-transform po sa halaman itong Bolufiussion?"
"Uztaki, Lelzie... ang mga halaman----este ang mga relong 'yan ay gawa sa magkakaibang materials na magagawang suportahan ang buong structure ng Boluffios Watch kaya naman maraming features ang relong ito, sa dami nga ng features hindi na naisama pa ang oras, isa pa, Lelzie, hija, Boluffios hindi Bolufiussion." Paliwanag ni Professor at tatango-tango nalang akong napatingin sa relo, nag-aalangan kasi akong suotin ito. "Okay, okay... doon muna kayo sa kinauupuan ninyo kanina at may idi-discuss pa ako sa inyo."
Nagsibalik naman din kami sa upuan namin habang dini-discuss ni Professor Mateo ang iba pang features ng relong ito. Patuloy lang ako sa pagkalikot sa relo pero hindi ko rin naman sinusuot iyon. Parang hindi kasi ako komportable na magsuot ng ganoong relo.
"Prof, gaano pa ba katagal ang discussion?" Inaantok ng tanong ni Thimo.
Sino ba namang hindi aantukin kung ganitong maaga pa lang ay pinatawag na kami para lang sa discussion, halos lahat ng kasama ko ay pinipilit nalang na gisingin ang mga sarili nila, maging ako nga ay hindi na rin nakikinig, maraming science terms na binanggit si Professor at mangilan-ngilan lang ang naintindihan ko, sa aming siyam si Ruxle lang ang may ganang makinig sa discussion kaya wala sa sariling napatitig tuloy ako sa kanya.
Gwapo nga at matalino sobrang yabang naman pero sobrang yaman din naman. Walang dudang magkakagusto talaga si Qatara sa kanya maging ang iba pang babae na makakasalamuha ng isang 'to.
"Bakit kailangang siya pa ang titigan mo sa halip na ako?" Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko ng magsalita si Starth na nasa tabi ko.
"Anong tinititigan? Sino?" Patay malisyang tanong ko.
"Si Ruxle, tinititigan mo siya di ba?"
"Ano? Uy, hindi ah."
Nanlaki ang mata ko ng dinutdotdutdot ni Starth ang pisngi ko. "Umamin ka nga, may relasyon ba kayo ni Ruxle?"
"Uh? Wala ah."
"Ows? A nurse and doctor tandem?" Nang-aasar na aniya. "Do you like him?"
"Ano? Hindi ah."
"Dito sa loob ng SeeRange wala ka man lang bang nagugustuhan?"
"Wala? Bakit meron ba dapat?"
"Hmm... meron nga dapat."
"Ewan ko sa iyo, Starth, isa pa, tigilan mo nga ang pagdutdot sa pisngi ko." Angil ko at aalisin ko sana ang kamay niyang nasa pisngi ko pero hinawakan niya lang ang braso ko gamit ang isa pa niyang kamay. "Starth, ano ba?"
"Sagutin mo muna ako, may nagugustuhan ka ba dito sa SeeRange?"
Napapikit ako sa frustation, hindi niya ako titigilan hangga't hindi ako sumasagot na mayroon.
"Oo na, meron na nga."
"Psh! Oh sino?"
Millicent, isipin mong mabuti ang bibitawan mong salita!
"Si Verdlu." Sagot ko sa kaniya na ikinangisi niya.
"Sino? Hindi ko narinig ng maayos, Milli, pakiulit nga."
"Si Verdlu."
"Pakilakas."
"Pinagti-tripan mo ba ako, Starthew?"
"Hindi ah. Last na talaga, Milli, sino nga?" Napasapo nalang ako sa noo ko.
Ano ba talagang gusto nitong si Starth samantalang kahapon ay hinaharas niya ako.
"Si Verdlu!" Pasigaw na sagot ko sa kaniya, sa totoo lang mahaba ang pasensya ko ang kaso itong si Starth sinasagad ng sobrang ang pasensya ko.
"Sino ulit ang gusto mo dito sa SeeRange?" Tanong ulit ni Starth kaya hinawi ko ng marahas ang kamay niyang panay pa rin ang dutdot sa pisngi ko.
"Starthew Luther, hindi ka na nakakatuwa!" Singhal ko sa kanya at maglilintaya pa sana ako pero napansin kong lahat ng mata ng mga taong nandito ang mata ay nasa akin.
Naku nga naman!
Naisigaw ko nga palang si Verdlu ang gusto ko kahit hindi naman talaga.
"Subject F at Subject G, gusto niyong lumabas?" Pormal na tanong sa amin ni Professor Mateo. Napalunok ako lalo ng lahat ng mga kasama namin ay talagang sa akin nakatingin.
"Sorry po, Prof," paghingi ko ng paumanhin pero paulit-ulit lang niya akong inilingan. "Hindi na po mauulit."
"Miss Laverde, gusto mo bang lumipat ng upuan?"
"P-prof?"
"Baka kasi gusto mong makatabi si Verdlu."
Ano daw?
"Prof, hindi po."
"Kaya naman pala grabe kung mag-alala itong si Millicent kay Verdlu." Panunukso ni Thimo kaya napaiwas ako ng tingin at aksidente naman iyong dumako kay Starth na tinatawanan ako ngayon.
"Kasalanan mo ito!" Pabulong na angil ko pero tinawanan niya lang ulit ako.
"Millicent, gusto mo ako?" Tanong ni Verdlu sa isang tabi kaya napanganga ako. "Bakit?"
Jusmiyo! Marimar.
"Prof! Gaano po katagal ang discussion natin?" Tinanong ko nalang si Prof sa halip na sagutin si Verdlu.
Bakit kasi nagpa-asar ako? Inay ko po!
"Tsk! Tsk! Tsk! Don't worry that much, Millicent, nagkakaroon lang naman ako ng lecture sa inyo kapag ganitong may device testing, wala naman din akong dapat na grade-an sa inyo. By the way, may assistant robot akong ipapakita sa inyo mamaya, sa ngayon ay mag-agahan muna kayong lahat, naghanda na ng makakain ninyo sina Manang Esmeralda."
Hindi pa man kami nakakapag-paalam ng maayos kay Professor ay kaagad na siyang umalis.
Napakamot nalang ako sa ulo ko ng kami-kami nalang ang natira, lahat sila ay nakatingin sa akin.
"Millicent." Napahawak ako sa dibdib ko ng hindi ko mamalayang nasa harap ko na pala si Verdlu. Lagot ako. Talagang lagot na. "Bakit ka naman nagkagusto sa akin."
Bakit naman din kasi nagpadala ako sa pang-aalaska ni Starth?
"Grabe, hindi ko inaasahan 'yun ah." Napalingon ako kay Uztaki ng magsalita siya, nangunot ang noo ko. "Alam mo bang may gusto rin si Verdlu sayo at kahit na may schizophrenia iyan, alam niya pa rin ang nararamdaman niya para sayo. Nag-aalangan pa nga iyang si Verdlu kung paanong aamin sayo, iyon pala mauuna ka naman din palang umamin."
"A-ano kamo?" Tila ba nahugot ang hininga ko sa isinaad sa akin ni Uztaki. "M-may gusto sa akin si Verdlu?" Hindi makapaniwalang usal ko.
Diyos ko po! Ano ba ito? Edi ang labas nito ay paaasahin ko si Verdlu?
"Iba ka talaga, Millicent, grabe ang karisma mo." Sarkastikong sabi ni Starth kaya nilingon ko siya, nagtatanong ang tingin na ipinukol ko sa kanya pero nagkibit balikat lamang siya.
"Millicent," mababakas ang tuwa sa mga mata ni Verdlu habang nakatingin sa akin.
Millicent! Sabi ng mga taong nakapaligid sayo matalino ka, kaya gamitin mo sa maayos iyang talino mo! Paganahin mo ang utak mo! Paano mo sasabihin kay Verdlu na sinabi mo lang iyon dahil hindi mo kaya ang pang-aalaska ni Starth sa iyo?
Paano na ba ito?
Naghikab ako kunwari at kaswal na tumayo. "Good morning sa inyong lahat," kaswal na bati ko sa kanilang lahat, "Maaga tayong ipinatawag ni Professor Mateo, ano? Medyo inaantok pa ako kaya matutulog na muna ako ha," paalam ko sa kanila at mabilis pa sa alas-kuwatro akong tumakbo papalabas.
Bahala sila sa iisipin nila. Basta ang iniisip ko ngayon ay kung paano ko lulusutan ang bagay na ito.
──────⊱◈◈◈⊰──────