Chapter 6

2773 Words
Millicent's POV Sa kauna-unahang pagkakataon at nagpahatid ako ng makakain kay Manang Esmeralda. Hindi ko kayang sumabay ng agahan sa kanila Verdlu. Paniguradong paulit-ulit niya akong kukulitin nito kapag nagkataon. Isa pa kung sasabihin ko man sa kanya ang totoo----aish! Ano ba 'to?? Sumasakit na ang ulo ko kakaisip! Napabalikwas ako ng bangon mula sa pagkakahiga ko ng may kumatok sa pinto. Pinindot ko muna ang intercom bago buksan ang pinto. "Millicent, it's me." Boses ni Ruxle. Ano namang kailangan niya sa akin? Hindi ko na siya tinanong pa kung ano ang kailangan niya basta binuksan ko nalang ang pintuan. "Bakit ka nandi----to?" Laglag ang panga ko ng dire-diretso siyang pumasok ng kwarto ng hindi ko man lang binibigyan ng pahintulot. "Hoy, Ruxle! Bakit pumapasok ka ng walang pahintulot???" "Bawal?" Patay malisyang tanong niya. Napasapo nalang ako sa ulo ko. "Tungkol kay Verdlu." Naiiwas ko ang tingin ko sa kanya ng banggitin niya ang tungkol sa bagay na iyon. "What's with Verdlu?" Kunwari ay tanong ko, isinarado ko rin muna ang pinto ng kwarto ko. "About your sh**ty confession." Aniya kaya napakurap-kurap ako. Confession talaga? "Wala akong gusto kay Verdlu! Nasabi ko lang iyon dahil binagabag ako ni Starth kanina! Believe me, Ruxle, wala talaga akong nararamdaman para kay Verdlu!" Pinaningkitan niya ako ng mata matapos kong magpaliwanag. "You sound defensive." Napalunok ako ng mapagtanto ko ang paraan ng pagpapaliwanag ko sa kanya. "Too defensive." Aniya pa kaya nakagat ko ang hintuturo ko. "Eh kasi naman..." "What?" "Uh----ahmm----teka nga! Bakit ka ba nandito ha?" "Bawal?" "Oo----syempre! Kwarto ko nga di ba? Syempre kailangan ko privacy!" "Tsk! Privacy." "B-bakit? Ikaw? Kailangan mo rin naman ng privacy ah!" "Yeah right, privacy." "Oh bakit ka nga nandito." "May pabor pa ako sa iyo, remember?" Natigilan ako ng ipaalala niya sa akin ang pabor na kagabi niya pa hinihiling sa akin. Ano ba 'yan?! Isa pa 'to. "Uh... hindi kita matutulungan, sorry, Ruxle." "Hindi matutulungan o ayaw tulungan?" "Uh... p-pareho," "I have an offer to you, Milli." "Wow offer, ano 'to? Business transaction?" "Matutulungan kita sa problema mo kay Verdlu. Alam kong pinagtripan ka lang ni Starth kahapon." "Alam mo? Paano?" "Malakas ang pandinig ko." "Eh?" "Tulungan mo ako sa bagay na tinutukoy ko sa iyo at tutulungan naman kita kay Verdlu." "Bakit naman kasi kailangan pang ako ang hingian mo ng tulong tungkol sa bagay na 'yan, Ruxle? Nandyan naman si Starth, si Thimo, Uztaki, Qatara, Lelzie----" "Can you just please stop mentioning such names na hindi naman dapat masali sa usaping ito?!" Nahilot ko ang sintido ko. "Eh kasi naman Ruxle iyang sinasabi mo, hindi..." "Hindi kapani-paniwala?" "Uhm... ganoon na nga." "Unbelievable, Millicent." Hindi makapaniwalang usal niya sa akin. "Of all people ako pa talaga ang naisipan mong magsisinungaling?" "Ang hirap talagang paniwalaan, Ruxle." "So sinasabi kong sinungaling ako?" Natigilan ako sa sinabi ko sa kanya, na-offend ko ata siya. "E-everyone can lie, Ruxle." Naidahilan ko nalang. "So you don't really believe me?" "Medyo? Parang ganoon na rin...?" Paano ko ba dapat sagutin si Ruxle ng hindi ko siya na-o-offend? Puro alanganin na tuloy ang sagot ko sa kanya kahit na iisa lang ang dapat na isagot ko. Ayoko ko at talagang wala akong balak na tulungan siya. "Hindi ka sigurado sa sagot mo, Millicent." Naiiling na aniya kaya napahawak ako sa labi ko habang nag-iisip. "Sigurado ako sa sagot ko ano!" "So matutulungan mo ba talaga ako o hindi----oh scratch that! Tutulungan mo ba ako o hindi?" "Uhm..." "Siguradong sagot ang kailangan ko Milli," "Hindi. Ayoko! Ayokong tulungan ka, s-sorry, Ruxle." "Tsk. Hindi kita tatantanan Milli," nagbabantang aniya kaya napasinghap ako lalo na ng itulak at i-corner niya ako sa may pintuan. "Papatunayan ko sayo na may katotohanan ang lahat ng sinasabi ko sa iyo. Lahat ay totoo. Kaya ngayon pa lang Millicent kabahan ka na." Kinakabahan naman na talaga ako ngayon eh! "Ruxle, alam kong matalino ka, pero baka naman pwedeng ilagay mo sa lugar iyang talino mo." Saad ko at iniiwas ang tingin sa kanya. Masyadong malapit ang mukha niya sa akin. "Isa pa. Lumayo ka nga sa akin!" Ngumisi muna siya bago umatras at lumayo sa akin. "Ikaw lang ang makakatulong sa akin, Millicent at ako lang din ang makakatulong sa problema mo kay Verdlu." Kumurap-kurap ang mata ko at namamanghang tumingin sa kanya. "Nasobrahan ka na talaga sa yabang, ako ang pumasok sa problemang ito kaya ako gagawa ng para makalabas dito! Ako ang gagawa ng paraan para sabihin kay Verdlu ang totoo!" "Eh paano iyong pabor ko sa iyo? Problema din iyon hindi ba? Problema na pinasok natin... kaya dapat lang na humanap tayo ng lusot papalabas sa problemang pinasok natin." Aniya kaya napasapo nalang ako sa noo ko. Napaka-imaginative niya! "Ruxle, lumabas ka na ng kwarto ko." Saad ko sa kanya at hinawakan na ang door knob para pagbuksan sana siya pero napatingin ako sa kanya ng masanggi niya ang lamesita sa isang tabi ay nahulog ang mga gamit na ipinatong ko doon kanina. "Sige na, labas na, ako na ang maglilinis dito." Tuluyan ko ng binuksan ang pintuan para pagbuksan siya. "Huwag mo na akong guluhin----Ruxle!" "Oops, sorry." Sabi niya na nagpapikit sa akin sa frustration. Natapakan niya iyong Boluffios Watch na kanina lang ay ibinigay sa amin ni Professor Mateo! "Anong ginawa mo?!" Niyuko ko agad iyong relo para tignan pero sa laki at bigat ni Ruxle nasira ng tuluyan iyong relo. Bakit naman kasi hindi ko agad isinuot ito kanina? Lagot ako kay Professor Mateo nito ngayon! Panibagong problema?? "I'm really sorry, Milli. Kung gusto mo ibibigay ko nalang iyong akin sa iyo." Nakamot ko ang kilay ko at muling tumayo para pantayan siya ng tingin. "Lumabas ka na, please lang." Bumuntong hininga siya saka nagsalita. "Fine pero bago iyon ay tutulungan muna kita." "Saan?" "Sa problema mo kay Verdlu." "Anong? Ako ng bahala sa problema ko kay Verdlu hindi mo na kailangan pang makialam----uhmpf!" Natigil ako sa pagsasalita ng maramdaman kong lumapat ang mga labi ni Ruxle sa labi ko. Tila ba nagkaroon ng chain reaction na nagdulot ng matinding atomic explosion sa sistema ko. Hindi ko alam pero tila ba nanigas na ako sa kinatatayuan ko. Ang dugo ko, tumigil sa pagdaloy dahil sa pagtigil ng pagtibok ng puso ko, maging ang utak ko ay ayaw ng mag-function ng maayos. Pakiramdam ko tuloy ay may kung sinong nagkalat ng nakakamatay na kemikal sa paligid. Sa tiyan ko pakiramdam ko ay may mga cells na nagtatalunan na nagdudulot ng kiliti sa akin. "Millicent? Ruxle? A-anong?" Unti-unti ay umatras si Ruxle papalayo sa akin, nakita ko pa siyang dinilaan ang labi niya bago ako kindatan at ngitian ng nakakaloko. "Hi Verdlu, what are you doing here?" Ano bang nangyayari sa akin? Bakit parang lumulutang ang pakiramdam ko at bakit uminit ang paligid? Pati ba sa loob ng mismong kwarto ko ay may climate change na? Anong nangyari sa air-conditioning? Ang puso ko na para bang tumigil sa pagtibok kanina, bakit sobrang bilis ng t***k nito ngayon? "B-bakit naghahalikan kayong dalawa?" Tila ba mayroong tectonic plates sa utak ko na nagbungguan dahilan upang matauhan ako sa nangyari. Hinalikan ako ni Ruxle???!!! Lumingon ako sa likuran ko para harapin si Ruxle na kaharap ngayon si Verdlu. Hindi naman makapaniwalang nakatingin sa akin si Verdlu habang palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Ruxle. "Millicent, akala ko ba gusto mo ako?" Nanginginig na tanong ni Verdlu sa akin. May naramdaman akong pumigi sa puso ko. Nasasaktan ako para kay Verdlu, wala ito sa plano ko! Nag-angat ako ng tingin kay Ruxle na para bang wala lang sa kanya ang mga nangyayari ngayon. "Oh come on Verdlu," nagsalita si Ruxle at tinapik-tapik pa si Verdlu pero marahas na inalis ni Verdlu ang kamay ni Ruxle sa kanya. Nagpatuloy pa rin naman sa pagsasalita si Ruxle. "Para kang bata alam mo iyon? Ang sabi ni Millicent, gusto ka niya hindi niya sinabing mahal ka niya, magkaiba iyon. You know it is just a typical crush on someone. Isa pa huwag kang mag-assume ng sobra, nag-aalala lang si Millicent sa iyo dahil nga may schizophrenia ka, nakakalimutan mo ba na mag-nu-nurse si Millicent. Kaya normal lang na mabait siya sa mga itinuturing niyang pasyente." "Ruxle, ano bang pinagsasabi mo?" Tanong ko at saka hinarangan siya para makapag-usap kami ng magkaharap. "Totoo naman hindi ba, Millicent? Pasyente ang turing mo----" "Tama na! Tumigil ka na." "Millicent, totoo ba iyon?" Napalingon ako kay Verdlu. Nagsisimula ng lumandas ang mga luha niya. "Verdlu, hindi ganoon iyon----" sinubukan ko siyang hawakan pero itinulak niya lang ako. "Alam kong mag abnormality ako! Alam kong may pagkapraning ako pero may pakiramdam din ako Millicent!" Napahakbang ako patalikod ng sigawan ako ni Verdlu. "Verdlu." "Por que may schizophrenia ako hindi na ako karapat dapat mahalin? Ganoon ba, Millicent?" BAKIT NAUWI SA USAPANG PAGMAMAHALAN ITO?? "Verdlu! Teka kalma lang!" "Dahil ba normal si Ruxle ay siya ang pipiliin mo, Millicent?" "Verdlu hindi kasi ganoon iyon!" Pati ako napapasigaw na rin, si Ruxle naman akala mo nanonood lang ng drama. Inay ko po! "Bakit kinakailangan mo pang itanggi Millicent? Pinaglaruan mo lang ako!" Anong pinagluraan?!! "Teka nga, teka nga! May schizophrenia ka Verdlu baka nakakalimutan mo at baka nakakalimutan mo rin na hindi ka bingi, hindi tayo bingi para mag-sigawan. Okay? Isa pa, huwag mo namang seryosohin ang mga bagay-bagay. Saka wala naman akong gusto kay Ruxle, hindi ko rin mahal iyan o kung ano pa mang tumatakbo sa isip mo! Kahit pa itapon mo ako sa outer core, wala akong gusto kay Ruxle, maging s-sayo... na-misunderstood mo lang ang mga bagay, o-okay? Isa pa, hindi ko pa naabot ang mga pangarap ko, wala pa nga akong ipapangkaing masasarap na pagkain sa mga kapatid ko tapos uunahan ko pa ang love life na iyan?" Mahabang lintaya ko na nagpakalma din naman sa kanya. "Verdlu, makinig ka sa akin, sorry kung pinaasa kita kahit hindi naman----pero ganoon pa rin ang labas niyon. Hindi ko intensyon na saktan ka, iyon nga lang kasi... kasi..." "Eh bakit ang sabi mo gusto mo ako?" "Uhm... ano?" "Ginagamit ka ba ni Ruxle para pagtripan ako?" "Huh? Ano? Hindi ano! Bakit naman ako magpapagamit??" Pero nagpagamit naman talaga ako. Hindi kay Ruxle pero kay Starth, oo. "Verdlu alam mo, bumalik ka nalang sa kwarto mo," sabi ko sa kanya bago muling harapin si Ruxle. "At ikaw, huwag ka ng magpapakita sa akin dahil nagdidilim ang paningin ko sa iyo." "Tsk! Why would I do that? Ngayon pa na natulungan na kita kay Verdlu. So it is time for you to help me, Millicent." Kumurap-kumurap ang mga mata ko habang tinitignan siya. Natulungan? Ilang ulit ko pang inisip ang mga bagay-bagay bago iyon pumasok sa isip ko. "I hate you Ruxle!" Sigaw ko sa kanya at sinubukan kong pigilan ang sarili ko na hampas-hampasin siya. "I hate you more, Millicent." Aniya at dinutnot ang noo ko. "You have a kissable lips yet you didn't know how to response in a kiss." Nakangising aniya na mas lalong nagpainit ng ulo ko. Ang kapal ng mukha niyang sabihan ako na hindi ako marunong humalik samantalang iyon ang unang beses na may lalaking nangahas na halikan ako! "Huwag ka ng magpapakita pa sa akin ulit Ruxle!" Sinigawan ko na siya pero ang nakakalokong mga ngiti niya'y naroroon pa rin. "Is that your first kiss, Millicent?" "Labas! Sinabing labas na eh!" Naiinis na saad ko sa kanya at pilit siyang pinagtulakan papalabas ng pintuan. Maging si Verdlu na gusto pa akong kausapin ay pinagsarahan ko na ng pintuan. Kaming tatlo ay wala ng dapat pang pag-usapan!!! Matapos na maisara ang pintuan ay napasandal nalang ako roon habang mabibigat ang ginagawa kong paghinga dahil nahihirapan akong kalmahin ang sarili ko. Ni minsan sa buong buhay ko ay hindi ko naisip na makararanas ako ng ganito katinding problema. At talagang usaping love life pa??? May love life ba ako? Nasabunutan ko nalang ang sarili ko at pinadausdos ang likuran ko sa likod ng pinto saka napaupo sa sahig. "Lagot! Iyong Boluffios Watch! Nasira ko nga pala!" Bulong ko sa hangin. Kahit naman naapakan ni Ruxle iyon ay kasalanan ko pa rin. Kung inilagay ko sana sa maayos na lagayan ay hindi iyon masisira. Ngayon paano ko sasabihin kay Professor Mateo na nasira ko ang relong iyon? Sana pala kanina palang ay sinuot ko na iyon! Ilang oras rin akong nanatili sa pwesto ko, hindi ko alam kung paanong nanatili akong nakaupo habang tulala sa kawalan ng higit tatlong oras. Bumalik lang ako sa ulirat ng makarinig ng alarm. Pinindot ko kaagad ang intercom para pakinggan ang announcement. "SeeRange subjects, this is Professor Mateo. Kindly go to Observation Area ASAP!" Napasandal nalang ulit ako sa pader matapos marinig ang announcement. Paano na ito? Paano kapag hinanap ni Professor Mateo ang Boluffios Watch sa amin? Paano kapag hindi ko naipakita iyong akin? Ano nalang ang sasabihin niya? Na burara ako? Na pabaya ako? Na hindi ako marunong mag-ingat? Argh! Tumigil ka sa kakaisip ng kung anu-ano, Milli! Sabihin mo lang sa kanya ang totoo at tapos ang usapan ngunit kung magagalit si Professor Mateo, mag-impake ka na!!! "All eyes here everyone." Saad ni Professor Mateo. Kasalukuyan na akong nasa Observation Area ngayon. May ipapakitang robot sa amin si Prof. "Para hindi na tayo magpaliwanagan masyado. Gagamitin natin ngayon ang mga watch na ibinigay ko sa inyo. Now, press the right green button, then a holographic screen will pop up in your watch. Nakakasabay ba ang lahat?" Napahimas nalang ako sa batok ko. Ako lang ang hindi makakasabay sa kanila nito eh. "Miss Laverde, where's your watch?" Napansin na ako ni Prof! Ilag na ilag akong salubungin ang mga tingin ni Professor Mateo. Nahihiya akong sabihin sa kanya na nasira ko ang relo ko. "P-prof..." "Miss Laverde?" "Sorry but I a-a-accidentally..." "Where. Is. Your. Watch?" "Nasira ko po." Sagot ko at yumuko saka ipinikit ng mariin ang mga mata ko. Natatakot akong makita ang disappointment o ang galit sa mga mata niya. "Why? What happened?" Dahan-dahan kong inangat ng tingin si Prof sa mahinahong pagtatanong niya. "Hindi ko po nailagay sa maayos na lagayan kaya nung nasanggi ay nahulog po at nasira." "Nahulog at nasira? Gaano ba kataas ang pinaglagyan mo?" "Sa lamesita lang po." "Hindi basta-basta masisira ang relong iyon kung inilagay mo sa lamesita at naihulog. Hindi naman siguro ganoon kataas ang lamesitang iyon tama?" "Opo." "Kaya papaano nasira iyon kung ganoong sa lamesita mo lang inilagay at nahulog?" Talagang bang kailangan pang himayin ni prof ang dahilan ko? "P-prof..." Naiusal ko nalang. Paano ko sasabihing nasa loob ng kwarto ko si Ruxle kanina? "May kulang sa paliwanag mo, Millicent? May iba pa bang nangyari? Paanong nahulog ang relo at nasira?" Pakiramdam ko si Professor Mateo si Mariang Sinukuan at ako si Kabayo na aksidenteng natapakan ang mga itlog ni Martinez kaya nililitis. "Kasi prof----" "Magkasama po si Ruxle at Millicent kanina sa iisang kwarto, posibleng si Ruxle ang nakasira ng relo at hindi si Millicent." Mabilis akong napalingon kay Uztaki ng magsalita siya. Paano niya nalaman? Magkaibigan si Uztaki at Verdlu hindi ba? Maaaring sinabi ni Verdlu kay Uztaki kaya nalaman nito! Lagot na naman! "Miss Laverde, is it true that Mister Hughstome was in your room earlier?" Tanong ni Professor Mateo at mataman akong tinignan. "Uztaki is lying." Sabad ni Ruxle kaya napalingon ako sa kanya. Diretso ang tingin niya kay prof. "How sure are you, Mister Hughstome?" "Uztaki was sick----" "Ako po ang nakakita mismo na nasa iisang kwarto si Millicent at Ruxle kanina. Naabutan ko pa nga po silang naghahalikan." Pahayag naman ni Verdlu kaya lalo akong napayuko. Nakakahiya. Sandali... naghahalikan? Hindi ko naman tinugon ang halik ni Ruxle ah! "Miss Millicent Laverde and Mister Ruxle Hughstome! Isang tanong isang sagot! May namamagitan ba sa inyo??" Nagyon, galit na si Professor Mateo. "You two, I need your damn answers now!" "Wala po." "Meron po." Napasinghap ako at nilingon si Ruxle. Bakit sumalungat siya ng sagot at anong oo? Anong meron? "Tama ba ang narinig ko? Dalawa sa mga subjects natin ay may relasyon?" Lahat ay sabay-sabay na napalingon sa entrance ng Observation Area maging ang lahat ay sabay-sabay rin ang ginawang pagyuko, maging si Professor Mateo ay napalingon at yumuko, dahan-dahan akong lumingon at napalunok nalang ako ng bumungad sa akin ang isang lalaki na sa tingin ko ay nasa mid-40s, sa hitsura ng kanyang pananamit nasisiguro kong isa siya sa matataas na opisyal dito sa SeeRange. Nang mapagtanto ko ang katungkulan niya ay kaagad akong napayuko. "Professor Ronaldo, it is nice that you here. So what brought you here?" Narinig kong tanong ni Professor Mateo matapos magbigay galang. Naramdaman kong tumuwid na ng tayo ang mga kasama ko kaya naman tumuwid na rin ako ng tayo. "I heard it right, right? Two of our subjects are in a relationship." "Hindi po----" dedepensahan ko sana ang sarili ko pero tinignan ako ng masama ni Professor Mateo kaya tinikom ko nalang ang bibig ko. "What is your name, hija?" Tanong ni Professor Ronaldo at ilang ulit muna akong napakurap bago sumagot sa tanong niya. "Millicent po." "Your full name, hija." "Uh... Millicent Laverde po." "All right, follow me, Miss Laverde." Pahayag ni Professor Ronaldo at dahil sinamaan ako ng tingin ni Professor Mateo ay sumunod na din ako. Para saan naman ngayon ito? ──────⊱◈◈◈⊰──────
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD