Chapter 7

2816 Words
Millicent's POV "Take a seat, Millicent." Utos sa akin ni Professor Ronaldo pagpasok namin sa opisina niya. "So," panimula niya habang nakaupo at ang mga kamay ay magkasiklop na nakapatong sa mesa. "You are having a relationship with Ruxle Hughstome." "Prof, wala po kaming relasyon ni Ruxle." Kaagad na giit ko. "Really?" "Yes po, it just happened that... that... they aren't..." "Believing you?" Mula sa pagkukutkot ko ng kuko ay naangat ang tingin ko kay Professor Ronaldo. "Feel free to tell me Millicent." "Ahm... parang ganoon na nga po." "Ohhhhh-kay. Can you just wait for a couple of minutes?" Tanong sa akin ni Professor Ronaldo na nagpakunot ng noo ko pero sa huli ay tumango nalang din ako. May isang folder siyang nilabas at binasa ang laman ng mga iyon. Habang nagbabasa siya ay nailibot ko muna ang paningin ko sa kabuuan ng opisina niya. Sa bandang kaliwa sa may tabi ng bintana ay mayroong bookshelf si Professor Ronaldo na siyang naglalaman ng napakaraming libro. Sa tabi naman ng bookshelf ay nakita ko ang mga parangal na natanggap niya. Ang dami nun, magkakahalo ang certificates, trophies at ang mga medal. Napasinghap naman ako ng makita ang isang dosenanang gold bars sa tabi ng lamesa niya. Ganito ba talaga kayaman si Professor Ronaldo? Talaga bang nagma-may-ari siya ng gold bars?? Sa may kanang bahagi naman nitong opisina niya ay may istanteng naglalaman ng iba't ibang brand ng alak. Sa loob ba dapat ng isang opisina ay ganito ang laman? Opisina ng mayayaman syempre. "Oh!" Napalingon ako kay Professor Ronaldo ng magsalita na siya. "So galing ka sa mahirap na pamilya?" Tanong ni Professor Ronaldo sa akin at tumango naman ako. Mukhang profile ko ata ang nakalagay sa folder na binasa niya. "Why did you join the SeeRange drug research then?" "Noong mga panahong iyon po kasi ay nalaman naming may sakit si mama, wala po kaming kapera-pera noon para sa operasyon niya pero kinausap po ako ni Doctor Enrique at pinangakuan ng dalawang milyon kung sasama ako sa research ng SeeRange." "And because of the two million you accepted his offer?" "Opo," "Hindi mo man lang ba naisip na posibleng scam iyon?" Nangunot ang noo ko sa binitawang mga salita ni Professor Ronaldo. May kung ano sa mga salitang binibitawan niya na hindi ko maintindihan. Naguguluhan ako. Hindi ba dapat pagkatiwalaan si Doctor Enrique? "Kailangang-kailangan ko po talaga ng pera noon para maipaopera si mama lalo na't malala na ang sakit niya. Lahat po... kaya kong pasukin... basta mabuhay lang ang mama ko." Nag-iwas ako ng tingin kay Professor Ronaldo dahil nagbabadyang tumulo ang mga luha ko. "Nasaan ba ang tatay mo, hija?" Napisil ko ang ilong ko bago magbitaw ng tanong. "Sino po bang tatay? Iyon po bang biological father ko o iyong ikalawang tatay ko na sumakabilang bahay, pwede rin iyong tatay ko na sumakabilang buhay." "Oh. I guess, I ask the wrong question?" "Naku hindi po, Prof. Ayos lang po sa akin iyon." "Where is your biological father then?" "Lost in action po." "Hindi ba at missing in action iyon, hija?" "Hehehe magkaiba po ba iyon?" "Yeah, by the way, kaya kita pinapunta rito ngayon ay dahil sa narinig ko kanina." Saad ni Professor Ronaldo at ngayon ay ramdam ko ang pagkaseryoso at awtoridad sa tono ng pananalita niya. "Sa Science, hija, mayroong mga chemicals na incompatible tama? At siguro naman ay alam mo na iyon?" "Opo?" Patanong na sagot ko dahil hindi ko alam ang pinupunto ni Propesor. "Ipagpalagay na nating nasa Science tayo, chemistry," mahinahong magsalita si Professor Ronaldo kaya naman nadadala ako sa pagiging mahinahon niya. "Ikaw at si Ruxle ay parehong chemicals... incompatible chemicals." Nangunot ang noo ko ng banggitin ni Professor Ronaldo ang pangalan ni Ruxle. Alam ko na ang pinupunto niya. "Pareho kayong incompatible, hija. Nauunawaan mo ba? Hindi naman sa pinagbabawalan namin kayong pumasok sa relasyon dito sa SeeRange, ang pinupunto lamang namin ay mahigpit na ipinagbabawal ay ang pakikipagtalik," Napalunok ako sa sinabi ni Professor Ronaldo. s*x? Inay ko po. Wala pa sa isip ko iyan. Isa pa, uunahin ko munang gumraduate ako kaysa ang kung anu-ano pang mga bagay. "Eh Professor Ronaldo, wala naman po akong relasyon kay Ruxle. Ni magkaibigan ay... wala." "Alam ko hija, ngunit sana naman ay makinig ka pa rin sa akin, ano? Kaya nga pinaghiwa-hiwalay kayo ng kwarto lalo na ang mga babae't lalaki para maiwasan ang ganitong mga pangyayari. Paano na lang kung ika'y nabuntis ng maaga, tapos tumiempo pang katatapos lamang ng Blue Hour?" Wala sa hulog na napahawak ako sa tiyan ko. Mabuntis??! "Hija, alam mo kayong mga subjects ay dumadaan sa clinical trial hindi ba?" "O-opo." Gusto ko mang tumutol ay sumang-ayon nalang din ako. Tama din naman kasi ang pinupunto ni Professor Ronaldo. "Hija, kung may nararamdaman ka man para kay Ruxle, isantabi mo muna, saka mo na ilabas oras na makalabas na kayo rito sa SeeRange. Do you understand?" "Yes, prof." "At bilang pagsunod sa mga patakaran ng SeeRange sa inyong mga subject kailan mo pa ring dumaan sa lie detector test." "Bakit naman po?" "Patakaran, hija, patakaran." "Nauunawaan ko po." "Kailangan na maipakita sa council ang resulta, maging si Ruxle na involve sa bagay na ito ay kailangan din na dumaan sa lie detector test." Marami pang bagay na ipinaliwanag sa akin si Professor Ronaldo bago siya tumayo para pasunurin ako sa kanyang lumabas ng opisina niya. Dinala niya ako sa isang kwarto kung saan halos purong kulay asul lamang ang nakikita ko. Maging ang nilalakaran nga namin sa loob ng kwartong ito ay hindi ko masasabing sahig ba o ano, para kasing may liquid na napakalapot sa nilalakaran namin. Pakiramdam ko sa bawat hakbang ko ay lulubog ako dahil sa illusional liquid na nakikita ko. Optical illusion, iyon ang totoong nasa sahig kaya kung titignan ay mayroon talagang kulay bughaw na liquid doon. Sinamahan din ng mga engineers at ilang propessor nito ng screen ang mismong sahig kaya nagmumukhang gumagalaw ang sahig oras na tapakan. "Millicent are you dating with Ruxle Hughstome?" Napatigil ako sa pagkamangha habang tinatapakan ang sahig sa biglaang tanong ni Professor Ronaldo. "I need a honest answer." Magkahalong awtoridad at pagkamahinahon ang nakikita ko sa mukha ni Professor Ronaldo ng magtanong siya kaya naman kalmado kong nasagot ang tanong niya kahit na ikinabigla ko ang pagtatanong niya ng hindi man lang ako sinasabihan. "Hindi po," "Is it true that Ruxle was in your room earlier?" Kailangan ko bang sagutin ang tanong ni Professor Ronaldo? Practice ba ito para sa lie detector test. Sa oras na umoo ako posibleng itanong niya sa akin kung anong dahilan at nasa loob ng kwarto ko si Ruxle, ang pagsagot ko palang ng oo ay maaari na niyang itanong kung anong ginagawa ni Ruxle sa kwarto ko kanina at iyon ay hindi ko na pupwedeng sagutin pa dahil sa pilit na hinihinging pabor sa akin ni Ruxle na napakapribado. "Wala pong katotohanan iyon." Hindi ko ugaling magsinungaling pero sa pagkakataong ito ay kailangan kong magsinungaling. Napayakap ako sa sarili ko at napapikit ng biglang magkulay pula ang buong kwarto na kanina ay nababalot ng kulay asul. Paulit-ulit din akong nagpapadyak sa sakit dahil tila ba kinukuryente ang paa ko. Hindi naman ganoon kataas ang boltahe ng kuryente pero masakit pa rin. "So magkasama nga kayo ni Ruxle?" "H-hindi po!" Sambit ko ngunit ang kuryenteng sa paa ko lang nararamdaman kanina ay umabot na ngayon sa mga beywang ko. "Hindi talaga kayo magkasama ni Ruxle kanina?" "Hindi po----!" Napahiyaw ako at napaluhod ng umabot sa mga braso at siko ko ang kuryenteng nararamdaman ko at habang tumatagal ay pasakit ng pasakit iyon. Nanginginig na ang katawan ko at namamanhid kaya naman napaluhod na lamang ako sa sahig. "Magkasama kayo ni Ruxle sa kwarto o hindi?" Mahinahong tanong ni Professor Ronaldo kaya namamangha akong napatitig sa kanya. Ang lie detector test na gagawin namin ay hindi lang kung anong device ang gagamitin namin. Dahil ang lie detector test na isinasagawa dito sa SeeRange ay hindi lamang device ang ginagamit kundi buong kwarto. Ang kwartong kinaluluguran namin ni Professor Ronaldo ngayon ay ang mismong lie detector room at kasalukuyan akong sumasailalim sa lie detector test! "Opo kasama ko nga po si Ruxle kanina." Sa huli ay sinabi ko nalang din ang totoo. Nahihirapan akong indahin ang sakit na nararamdaman ko. Matapos kong magsabi ng totoo ay unti-unti kong naramdaman ang pagbaba ng kuryente sa katawan ko hanggang sa tuluyan na iyong mawala sa pakiramdam ko. Muli ring bumalik sa kulay asul ang paligid. "Bakit nasa kwarto mo si Ruxle kanina Millicent?" Sa tanong na iyon ni Professor Ronaldo ay nagsimula ng dumagundong sa kaba ang dibdib ko. Hindi pwedeng malaman ni Propesor. Kahit na hindi ko pinagbigyan si Ruxle sa pabor na hinihingi niya sa akin ay hindi ko sasabihin sa kahit na sino ang dahilan kung bakit nasa kwarto ko si Ruxle kanina. "Isa pa, totoo bang magkasama rin kayong dalawa ni Ruxle kagabi sa library?" Pati ba naman iyon ay alam ni Professor Ronaldo? Sinabi ba sa kanya ni Manang Esmeralda? Grabe nakakahiya. Paano na 'to? Kapag nagsinungaling ako sa kanya bulgar din ako. Nabulgar na nga nakuryente pa. "Millicent?" Honesty is the best policy! Tama. Honesty is the best policy. Dapat sabihin ko sa kanya ang totoo, ang totoong gusto kong sabihin dapat sa kanya ang sabihin ko. "Professor Ronaldo ang totoo po niyan ay wala talaga kaming relasyon ni Ruxle, ni hindi ko rin nga po siya tinuturing na kaibigan ko pero inaamin ko po, nasa kwarto ko po si Ruxle kanina. Magkasama rin po kaming dalawa sa loob ng library kagabi. May mga importanteng bagay lang po talaga kaming pinag-usapan kaya kinakailangan naming umiwas sa mga kasama namin. Pribado po ang mga bagay na pinag-usapan namin kaya pasensya na po kasi hindi ko pupwedeng banggitin sa inyo." "Nauunawaan ko, Millicent." Saad ni Professor Ronaldo habang ang mga braso ay nasa kanyang likuran at palakad-lakad sa pwestong kinatatayuan niya. "Huling katanungan," "Ano po iyon?" "May gusto ka ba kay Ruxle?" "Ho? W-wala po." Tumango-tango si Professor Ronaldo ngunit agad ding nangunot ang noo ng mag-agaw ang kulay pula at asul sa paligid namin, naramdaman ko rin ang mahinang boltahe ng kuryente sa katawan ko ngunit hindi naman masakit iyon, nakakakiliti pa nga. "Are you in a in denial state Millicent?" Laglag ang panga ko sa tanong ni Professor Ronaldo. "Hindi po, hindi po talaga." "All right, whatever, baka nag-malfunction na naman ang mga gears nitong lie detector room. Anyways, you can go back to your room, Milli." "Thank you, prof." Hindi naman na ako inimik pa ni Prof dahil mukhang abala siya sa pag-iisip. Pagkalabas ko ng lie detector room ay kaagad akong napasandal sa pader na malapit sa akin. Ano ba naman iyon? Inay ko po. Si Ruxle naman kasi eh, bakit kasi kailangan niya akong bigyan ng ganitong problema. Imbes na pagkahomesick lang ang pinoproblema ko eh. Hindi bale mababaw lang naman ang bagay na ito. Matatapos rin ito. Makakalimutan rin ng mga tao dito ang pangyayaring ito sa susunod na mga linggo. "I hate her! I really hate her! She is a biatch!!!" Napatigil ako sa paglalakad papunta sa kwarto ko ng mapadaan ako sa kwarto ni Qatara. Umiiyak siya habang inaalo ni Ofeill. "Qatara, tama na okay?" "No, Ofeill! I hate her! She is a snaky b***h! Akala mo kung sinong mabait ahas naman pala! Ang landi-landi!" Nakaawang ang pinto ng kwarto ni Qatara at papasok na sana ako ng marinig ko ulit ang usapan nila. "Tama na, Qatara, sinasaktan mo lang lalo ang sarili mo. Tama na. At least ngayon nalaman agad natin ang ugali niya. Basta huwag mo ng subuking makipagkaibigan pa sa kanya ha?" "I HATE MILLICENT! ARGH! SHE IS A FREAKING b***h! FVCK. DAMMIT!" Natakpan ko ang bibig ko ng sumigaw si Qatara at ang paraan ng pagsigaw niya sa pangalan ko ay talagang puno ng galit at hinanakit. Galit siya sa akin? Bakit? "Qatara, come on!" "She stole Ruxle away from me!" Ohhhhh-kay? May mas malala pa palang problema. "Yeah right but please, stop crying too much." "Seriously she had a s*x with Ruxle last night at the library? As in seriously????!!!" Naghihinagpis na sigaw ni Qatara kaya nakagat ko ang labi ko. Ano ba ito? S*x? Hindi ako nakipag-s*x kay Ruxle kagabi! Kanino nanggaling ang bagay na iyon? Papasok na sana ako sa kwarto ni Qatara ng biglang may humila sa akin papalayo roon. "T-thimo!" Sambit ko ng huminto siya sa pagkaladkad sa akin. "Huwag mo munang kausapin si Qatara, Millicent." "Pero kailangan kong magpaliwanag!" "Pakalmahin mo muna siya." "Thimo...?!" "Millicent, please makinig ka muna sa akin, pwede ba 'yun?" "Pero kailangan kong kausapin agad si Qatara! Dapat malaman niya agad ang totoo!" Sambit ko at lalakad na sana ako paabante ng bigla niya akong hawakan sa braso at marahas na isinadal sa pader. Napaawang nalang ang labi ko ng pinagkrus niya ang mga braso niya sa kanyang dibdib at mariin akong pinagkatitigan. "Kung ganoon, ano ang totoong nangyari? Bakit nasa kwarto mo si Ruxle kanina at nakita pa kayong dalawa na naghahalikan? Talagang si Verdlu pa ang nakakita? Akala ko ba si Verdlu ang gusto mo???!" Iyong simpleng bagay patuloy na lumalaki dahil ginagawa nilang big deal! Ano ba naman ito? Gagawa pa ba ako ng gulo rito? "Oh ano Millicent?! Tinatanong kita bakit hindi mo ako sagutin?!" Napapikit nalang ako ng sigawan ako ni Thimo. Bakit ba kasi ayaw nilang maniwala sa akin? "Millicent!" Nayakap ko ang sarili ko, pakiramdam ko nag-iisa ako dahil halos lahat ng tao dito madumi ang tingin sa akin. Ang pagkakamali ko lang naman ay nagpatalo ako sa pang-aalaska sa akin ni Starth eh bakit ito na agad ang inabot ko. Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa sarili ko, kung maaawa ba ako sa sarili ko o dapat akong mainis sa kanila pero wala eh, pinararamdam nila sa akin na wala akong karapatan na mainis man lang sa kanila. Sa loob lang ng iisang araw dalawang tao ang nasaktan ko. Si Verdlu at Qatara. Kasalanan ko talaga lahat ng ito eh! Dapat lang talaga na nasa akin ang lahat ng sisi. "Millicent, I'm still talking to you!" Bulyaw sa akin ni Thimo ng hindi man lang ako magsalita. "Akala ko mabait ka! Inosente ka! Marunong makisimpatya! Marunong lumugar! At higit sa lahat akala ko hindi ka marunong mang-ahas! Talagang iyong lalaking gusto pa ng kaibigan mo ang inahas mo at nilandi!" "Sorry." Tanging nasabi ko. "Tsh! Bakit sa akin ka nag-so-sorry ngayon?" Kahapon lang ay masaya kaming apat nina Lelzie, Qatara at Ofeill eh bakit ngayon kinamumuhian na nila ako? Akala ko ba kaibigan na ang turing nila sa akin? Kung kaibigan na ang turing nila sa akin bakit kailangan na hindi man lang sila makinig sa paliwanag ko? O kahit na hindi ako magpaliwanag ay paniniwalaan pa rin nila ako? Bakit nga ba ako kinaibigan ni Qatara? Yumuko nalang ako ng umamba ng pagsuntok si Thimo, akala ko ako ang patatamaan ng kamao niya buti nalang at ang pader na kinasasandalan ko ang sinuntok niya. "Lumabas ka nalang ng SeeRange, Millicent. Mas maganda kung wala ka dito." Malamig na pahayag ni Thimo na naging dahilan upang magsimulang tumulo ang mga luha ko. Lumabas? Hindi ako pupwede lumabas. Wala pa akong sasapat na pera! "Thimo..." Nanginginig ang boses ko ng iniusal ko ang pangalan niya. "A-ayoko..." "Dahil wala sa labas ng SeeRange si Ruxle?" Sarkastikong tanong niya sa akin. "Hindi ganoon, Thimo." "Eh ano?" "D-d-dahil wa----" "MILLICENT!" Umangat lang ang tingin ko ng makita ko si Starth na ilang metro lang ang layo mula sa amin ni Thimo. Hindi pa rin ako tinatantanan ni Thimo hanggang ngayon. "Lumabas ka na ng SeeRange, Millicent!" At sa isang kisap mata at nasa harapan ko na si Starth. "Hindi lalabas ng SeeRange si Millicent, Thimo Whizer." "What the hell are you doing here, Starthew?" "Uh... namamasyal siguro." Pilosopong sagot ni Starth sa kanya. "Kinakausap ko pa ang babaeng iyan kaya naman----!" "Dude, bakla ka ba? Ang away babae ay away babae, hindi kailangan na may lalaking nakikigulo." "Fvck you, Starth." "Ugh yes! Fvck you more, Thimo!" Napaiwas ako ng tingin kay Starth dahil sa laswa ng pagkakasabi niya ng linyang iyon. "Oh ano----!" "Starth!" Hinawakan ko si Starth sa braso niya para mapigilan. Baka lumaki ang gulo sa pagitan nila ni Thimo ng dahil sa akin. "Tama na!" "Allllll rightttt!" Kibit balikat na saad niya at hinarap ako. "Now, can I date you Millicent?" Napapikit ako ng wala sa oras. Tumutulo na ang luha ko kanina eh, dumating lang itong si Starth umatras na ang luha ko. "Babalik na muna ako sa kwarto ko." Pahayag ko at nagmartsa papunta sa kwarto ko. "Yuhooo! Millicent! Let's date!" Naririnig ko pa rin ang pang-aasar ni Starth kaya tinakpan ko nalang ang tainga ko. ──────⊱◈◈◈⊰──────
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD