MILLICENT'S POV Lahat ay abala na sa pagdedekorasyon sa buong SeeRange hall para sa gaganaping year-end party ika-dalawampu't apat ng Disyembre. Kung tutuusin parang Christmas Party pa rin naman ang hinahanda nila. Iyon nga lang kung anong paghahanda ang ginagawa nila ay siya namang magdamag na puro paghiga lang rito sa kwarto ko ang ginagawa ko. Na-check up na ako ni Professor Ronaldo at Doctor Reyes. Pareho na nilang inaalam kung may sakit nga ako sa mental health ko. Iyong kamay ko ay gumagaling naman na, nasalinan na rin akl ng dugo, iyon lang ay hindi ko alam kung kaninong dugo ang isinalin sa akin. Tatlong araw na akong laging nananatili rito sa kwarto ko. Hindi ako pinapayagang lumabas dahil lahat naman daw ng kailangan ko ay naririto na sa kwarto ko, ang pagkain ko ay hinahati

