MILLICENT'S POV "Aray!" Kagat labi kong ininda ang sakit sa daliri ko ng matusok ko ang sarili ko ng alambre. Hindi naman malalim ang sugat pero mahapdi pa rin, inilapag ko muna sa lamesa ang ginagawa ko at kumuha ng alcohol at bulak para linisin ang sugat ko pero pagtingin ko sa sarili kong daliri ay nawala na ang sugat ko. "Millicent, inaantok ka lang. Bakit kasi madaling araw mo na ginagawa ito?!" Nasubsob ko ang sarili ko sa lamesa, natusok nga lang siguro ako ng alambre at hindi naman nasugatan pero masakit pa rin. Hindi kasi agad nakalabas si Papa rito sa SeeRange kaya naman hindi niya agad nabili ang mga materyales na kailangan ko para sa ipanreregalo ko kay Ruxle. Ika-23 na ng Disyembre ngayon, bukas na ang year-end party at hindi ko pa rin natatapos ang dapat na ireregalo ko

