MILLICENT'S POV Nagkakatuwaan pa kami nina Ofeill, Qatara at Lelzie ng kumatok si Ruxle sa pintuan ni Qatara, nalaman kong ako pala ang hinahanap niya. Pagkalabas ko ng pintuan, hindi pa man ako nakakapagtanong ay hinila na niya agad ako. "Ruxle, saan ba tayo pupunta?" Tanong ko at ayaw pa rin niya akong bitawan. "May dapat kang malaman." Sagot naman niya na nagpakunot ng noo ko. Ganoon ba talaga kahalaga ang dapat kong malaman kaya kinakaladkad niya ako patungo sa kung saan. Hanggang sa makarating kami sa silid-aklatan. "Anong ginagawa natin dito?" Kinakabahang tanong ko kay Ruxle ng hilahin niya ako papasok sa library. "Shhh...!" Panunuway niya sa akin at napasinghap ako ng takpan niya ang bibig ko saka iniyakap ang katawan niya sa akin. Natatakot ako. Iniisip ko kasi ay may

