MILLICENT'S POV Naging maayos ang takbo ng late birthday party nila para sa akin, ang dami ng kwento nila habang kumakain kami bukod doon ay panay rin ang tawanan namin dahil sa tuwa at saya. "May tanong lang ako sa iyo, My Karibal." Ani Qatara kaya kumunot ang noo ko. Sumubo muna ako ng palabok. "Ano iyon?" "Binigyan na kita ng bago at magandang jacket yet you're still wearing that cheap jacket." "May sentimental value kasi ang jacket na ito." Napatingin ako sa suot ko. "Oh? A gift to you?" "Oo." "Nino ng mama mo?" Lumunok ako ng ilang ulit bago sumagot sa kaniya. "Mula sa isang dating kakilala ang jacket na ito." "Talaga? From Eilia?" "Hindi. Basta kaibigan ko siya dati saka talagang matagal na ang jacket na ito, sobrang laki kasi sa akin nito at ngayong kasya na sa akin, sin

