MILLICENT'S POV Isa... dalawa... dalawang araw na nila akong hindi iniimik at pinapansin para bang hangin lang ako, nararamdaman pero hindi nakikita at kahit naman na nararamdaman nila ako ay hindi pa rin nila ako pinapansin. Hindi ko talaga alam kung papaanong biglang nagkaganoon ang lahat. Paanong bigla nalang silang umiiwas sa akin. Baka may pinaplano sila. Pero ano? Bumuga ako ng hangin at tumungo sa bintana. Sinilip ko ang madilim na kalangitan. May nag-iisang bituin sa langit akong nakikita ngunit sa kabilang bahagi niyon ay naroon ang iba pang bituin na magkakasama. Ano ba iyan? Nag-iinarte ka na naman, Millicent. Eh ano naman ngayon kung hindi ka nila pinapansin? Baka hindi naman nila sinasadya, sadyang gumagawa ka lang ng eksena eh ano? Ano ba naman ito?! Nakakasaga

