MILLICENT'S POV Nangangapa kaming dalawa ni Starth sa dilim para makapunta sa main hall, gusto kasi naming alamin kung ano ang nangyayari at kung iyong generator ba talaga ang sumabog. "Maleficent, malapit na kaya tayo?" Nagkibit balikat ako kahit hindi nakita ni Starth iyon. "Hindi ko alam." Sagot ko habang patuloy sa pagkapa sa pader. "Oh my ghad!" Napatalon ako ng may biglang tumili. "Where is the lights and the air-conditioning?" Maarteng tanong ng kung sino, paniguradong si Ofeill ito. "O-Ofeill, nasaan ka?" "Millicent, hayaan mo na ang isang iyan, let's go!" Narinig kong angal ni Starth pero hinanap ko pa rin si Ofeill. "Milli! My friend, where are you?" "Ofeill, nandito ako." "Wow my friend! Wow plastic!" Nagsisimula na namang mang-alaska si Starth kaya siniko ko siya.

