IKA-DALAWAMPU'T ISA ng hunyo taong dalawang libo dalawampu't isa. Kakatapos lamang ayusan ni Starth ang sarili niya, suot ang bagong biling itim na hoodie at itim na salamin sa mata na nakasabit sa likurang bahagi ng kanyang ulo ay tumungo na siya sa garahe saka minameho ang pag-aari niyang motorsiklo ng wala man lang maayos na proteksyon sa katawan. Sa edad na labing-anim ay napakarahas na niyang magmaneho ng motorsiklo, madalas ay halos paliparan niya ito ng wala man lang suot na helmet, maliban doon ay wala pa siyang lisensya sa pagmamaneho ngunit ni minsan ay hindi niya man lang naisipang baguhin ang masamang nakaugalian. Walang pang sampung minuto ay narating na niya ang pagdarausan ng nasa kompetisyon. Pagkarating doon ay agad niyang tinawag si Nigelle ngunit hindi naman ito suma

