“May problema ka ba sa suot ko?” Tanong ko kay Dustin. Napapansin ko kasing kanina pa siya tingin nang tingin sa dress ko. Sa tingin ko naman ay wala namang problema sa suot ko. Muntik pa ngang tumerno ito sa kaniyang suot. “Wala. Ang ganda mo pala sa dress?” Natigilan ako sa sinabi niya at ngayon lang napagtantong ngayon nga lang pala ako lumabas ng bahay ng naka-dress. Bukod siyempre sa tuwing nagsisimba kami. Bihira lang din talaga ako mag-dress. Mas sanay ako magsuot ng damit pang lalaki. Ewan ko ba. Mas komportable kasi ako sa ganoong klase ng pananamit. “Thank you.” Hindi ko alam kung ano ang itutugon doon sa kaniyang sinabi kaya iyon na lang ang sinabi ko. Nag assume na lang ako na compliment iyon. “What can you say about my polo?” “Ha?” “Sa suot ko, anong masasabi m

