1
Naaawa ako sa mga babaeng nabibiktima ng mapanlinlang na lalaki na ‘yan. Porket gwapo at maganda ang pangangatawan, pinagsasamantalahan na niya ang mga babaeng nagkakagusto sa kaniya. Lahat ng may gusto sa kaniya ay naisama na niya ata sa condo niya. Balita iyon sa buong campus kaya halos lahat ng kababaihan dito sa section namin ay humihingi ng schedule sa kaniya.
Kasama na itong kaibigan kong si Elle, ewan ko ba kung bakit patay na patay sila diyan sa lalaking iyan. Wala naman akong nakikitang special sa kaniya bukod sa tangkad niya at sa pagiging baseball player.
“Look, Janine! Hinahanap niya ako. I’m so lucky!” nagdidiwang ang mga mata ni Elle habang pinagmamasdan si Dustin na inaayos ang salamin nito kontra-araw, luminga-linga pa ito kaya akala ni Elle ay siya ang hinahanap nito.
“Inayos lang ‘yong salamin, hindi ikaw ang hanap, Elle, maloloka ako sa ‘yo, teh!” bara sa kaniya ni Prim. Isa pa naming kaibigan.
“Teh, magbasa ka na lang diyan kasi ako talaga ang hinahanap ng Dustin ko,” nakasimangot na sabi ni Elle kay Prim. Napangiwi si Prim, nagkibit balikat at tinuloy ang pagbabasa sa hawak niyang libro.
Dahil supportive friend kami ni Prim, kahit ayaw naming makihalubilo at makipagsiksikan dito sa dami ng babaeng nag-aabang kay Dustin ay narito kami para samahan si Elle.
“Oh my God, he is coming!”
“For you?” Inangat ni Prim ang tingin at tinanong si Elle.
“Yes!” mabilis nitong tugon. “Ipagtatapat ko na sa kaniya ang relasyon naming dalawa. Sasabihin ko na sa kaniyang kami na!”
Napailing kaming dalawa ni Prim sa ambisyon ni Elle. Matagal na siyang may gusto kay Dustin. First year pa lang kami napukaw na ni Dustin ang atensyon niya, simula noon, hanggang ngayon, si Dustin pa rin ang ultimate crush ni Elle, hindi na iyon napalitan. Alam na nga ni Elle ang buong pagkatao ni Dustin. Inalam na niya ang lahat tungkol dito sa playboy na lalaking ito.
“Malapit na siya, kaunti na lang, kinakabahan ako,” inayos ni Elle ang buhok niya at ipinatong ang hawak niyang books. Sunod niyang ginawa ay tiningnan ang sarili sa maliit niyang salamin na palagi niyang dala-dala. “Okay lang ba ang hitsura ko?” tanong niya sa akin. “May marumi ba?”
Umiling ako at inayos ang nagugulo niyang buhok. “Huwag kang ma-excite. Relax ka lang,” natatawa kong sabi sa kaniya. Para kasi siyang hihimatayin sa galak. “Ayan na siya!”
Mabilis na tumayo si Elle mula sa kaniyang pagkakaupo at tumuwid ng tayo sabay hinarap ang papadaang si Dustin.
“Hi Dustin!” malawak ang ngiti ni Elle, mas lalo itong lumawak noong huminto si Dustin sa harap niya.
“I’m Elle,” kumikislap pa ang mga mata niya habang nakatingin sa ultimate crush niya. Dream come true ito para sa kaniya. Napansin siya ng Baseball Star ng Campus namin.
“Nice breast,” napaawang ang bibig namin ni Prim dahil sa sinabing komento sa kaniya nito.
That jerk! Napaka-pervert niya! Talagang ‘yung breast ni Elle ang napansin? Grabe siya!
Ito namang kaibigan namin ay tuwang tuwa. Imbes na ma-insulto mukhang nagustuhan niya pa ang pambabastos na ginawa sa kaniya ng lalaking tukmol na ‘yon! Hindi ko talaga nagustuhan ang ginawa niya sa kaibigan ko. Pambabastos iyon. Kung sa ibang babae niya ginagawa iyon, hindi ko na nagugustuhan paano pa sa kaibigan ko niya ginawa.
“Nakita n’yo ‘yon? He noticed me! Dustin noticed me! Naiinggit sila sa akin, Oh my God!” natutuwang tili ni Elle habang iniisang tingin ang mga nainggit sa kaniya dahil sa pagpansin sa kaniya ni Dustin.
“Mali ang ginawa sa ‘yo ni Dustin, bakit parang nagugustuhan mo pa?” Naiinis kong tanong sa kaniya. “Ano ba ang nagustuhan mo sa lalaking ‘yon? Bakit siya pa? Ang manyak niya!”
“Ano ka ba, Janine, baka nagkataon lang na napansin niya itong s**o kong malaki. Bakit hindi ba nice ang s**o ko?” tanong niya sa akin.
Napatingin ako doon sa tinitingnan niya. Namula ako dahil totoo namang malaki ang breast ni Elle, pero mali pa rin iyon. Hindi dapat tinitingnan ni Dustin ang mga private part ng babae.
“Easy-han mo lang, Janine, mukhang gusto rin naman ni Elle na binabastos siya ng Dustin niya.” Ito talagang si Prim ay napaka-straight forward. Sanay na kami ni Elle sa kaniya kaya hindi na kami napipikon. Minsan lang sumosobra na talaga ang mga salitang binibitiwan niya.
“Excuse me, hindi ko gusto ang bastusin ako, it’s just that maganda at nice lang talaga itong s**o ko kaya napansin ng Dustin ko,” sabi ni Elle kay Prim. “Thank you sa support ha?” dagdag pa niya.
“Kayong dalawa tumigil nga kayo, nag-aaway na naman kayong dalawa sa harap ko.”
“Hindi ko siya inaaway. Sinasabi ko lang ang totoo,” ani Prim.
“Sobra ka kasi kung magsalita! Hindi ba pwedeng maging masaya na lang kayo kasi sa wakas napansin na ako ng soon to be boyfriend ko.”
“Concern lang kami sa ‘yo, Elle, binastos ka na ng crush mo, gusto mo pa rin? Hello? We’re girls and we should be respected.”
“Hindi niya nga ako binastos! Pinuri niya ako. Pinuri niya ang breast ko kasi maganda.”
“Pwede ka naman niyang purihin ng hindi dahil sa breast. He can say you’re beautiful or nice lipstick, mas tanggap ko pa ‘yon e, pero breast? Bakit iyon pa?”
“Basta hindi niya ako binastos. Compliment ‘yon.”
“Okay, hindi kung hindi,”
“Bitter lang kayo kasi napansin ako ni Dustin. Siguro naiinggit kayong dalawa sa akin kaya ganiyan kayo,” nagdududang turan niya sa amin.
“Hindi ko type si Dustin.” Mabilis na tanggi ni Prim.
“Lalo na ako. Hindi ko type ang lalaking iyon. Wala siyang respeto sa mga babae.” Depensa ko sa aking sarili. Napansin ko ang pagkunot ng kilay ni Elle, ngayon ko lang napansin ang sinabi kong pangungutya doon sa ultimate crush niya.
“Hindi ganoong klase ng lalaki si Dustin. Kilala ko siya. Sadyang mabait lang siya at mapagbigay sa mga may gusto sa kaniya. Hindi siya snob kaya bawiin mo ang sinabi mo.”
“Totoo ‘yon, Janine, huwag mong babawiin ‘yang sinabi mo. Let’s go, male-late na tayo sa first class natin today.” Mabilis akong hinila ni Prim paalis sa bench.
Alam kong inaasar niya lang si Elle at ginawa niya ang paghila sa akin at pag-iwan sa isa pa naming kaibigan upang mas lalo itong maasar.
“Kayo talaga, pinagtutulungan n’yo na naman akong dalawa! Grr! Kainis! Thank you sa support n’yo ha? Thank you talaga!”