2

1339 Words
Ilang beses kong nahuli si Dustin may kalampungan sa Garden, at ngayon, nandito kami nagtatago sa gilid ng puno habang pinanonood si Dustin makipaghalikan sa Muse ng section A. “Ang swerte ni Brigitte. Kailan ko kaya mahahalikan si Dustin?” “Hindi ba sumosobra na tayo sa ginagawa natin? Parang ang labas nito ay pati tayo stalker na.” Hindi na napigilan ni Prim magkomento sa ginagawa namin ngayon. Tama naman siya, private moment ito ni Dustin sa bagong girlfriend niya, hindi dapat namin ginagawa ang panonood sa paghahalikan nilang dalawa. “Huwag kang maingay, Prim, baka marinig nila tayo,” “Malayo tayo sa kanila. Imposibleng marinig nila tayo.” “Matatapos na ang break time natin, kailangan na siguro natin bumalik sa room.” Awat ko sa kanila bago pa man sila magkasagutang dalawa. “Saglit lang, Janine, hintayin na natin silang matapos. Please?” Pakiusap sa akin ni Elle, talagang gusto niyang mapanood ang ginagawa ni Brigitte at Dustin. Bago pa man ako magsalita ay naunahan na ako ng kasungitan ni Prim. “Alam mo, sinasaktan mo lang ang sarili mo, Elle, ayaw mong makitang may ibang babae si Dustin pero heto ka at hinahayaan mong panuoring may kahalikan siya. Hindi dapat natin ito ginagawa,” ani Prim. “Huwag mo sanang masamain, Elle, but this is too much, hindi na ‘to healthy.” “Akala ko ba susuporta lang kayo sa akin? Bakit parang ayaw n’yo na?” “Suportado ka namin sa pagkagusto mo kay Dustin pero mali ito. Kailangan alam natin ang limitasyon natin sa kaniya. Hindi dapat natin ginagawa ito. Pati privacy ni Dustin hindi na natin nirerespeto.” “Prim, if ayaw mo na, pwede ka namang umalis, bumalik kayo sa room kung hindi n’yo nagugustuhan itong ginagawa ko, susunod ako sa inyo after ko dito.” Hindi nagsalita si Prim. Sinenyasan ko siyang intindihan si Elle para hindi na mag-away pa ang dalawa. “Tara na nga, nawalan na ako ng gana.” “Mali naman kasi talaga,” bulong ni Prim. Umirap si Elle at inayos ang sarili. Pati kami ni Prim ay tumayo na ng ayos at inayos ang nagusot naming uniform. Napakamot na lang ako sa ulo. Hindi ko alam kung saan ako pupwesto dito sa dalawang ito. Palagi silang nag-aaway sa harapan ko. “Supportive friend daw pero hindi naman talaga,” parinig ni Elle kay Prim. “Supportive friend kami pero alam namin ang limitasyon namin hindi katulad ng iba diyan, walang pakialam sa privacy basta makita lang ‘yong ultimate crush niya.” Hindi ko na pinansin ang dalawa. Ganiyan na sila first year pa lang kami. Sigurado mamaya magkasundo na ‘yang dalawa at nagkapatawaran na. Sa huling pagkakataon, tumingin ulit ako sa pwesto ni Dustin. Hindi pa rin siya tapos makipag-make out sa muse ng section a, mukhang sarap na sarap silang dalawa, sigurado akong mapapadetention itong dalawa kapag nahuli ng in-charge for PDA, talagang dito pa sila sa Garden ng lampungan. Bago ko pa man iiwas ang tingin ko kay Dustin, nahuli ko siyang nakatingin na sa puwesto namin, sa akin, nagtagpo ang mga mata naming dalawa habang nakikipaghalikan pa rin siya kay Brigitte. Mabilis akong umiwas ng tingin. Bakit ba kasi binalik ko pa ang mata ko sa kaniya? Ayan tuloy nahuli niya akong nanonood sa pakikipaghalikan niya. Kalagitnaan ng klase ay itinigil ng aming Guro ang pagtuturo dahil kinailangan niyang umalis. Mayroon kasing tumawag sa kaniya at emergency daw so wala kami ngayong class for one and a half hour. "May laro daw si Dustin ko sa Field. Kaya pala halos lahat ng kaklase natin na babae ay nag uunahan pumunta sa Field pagkatapos ng klase." Napatingin kami ni Prim kay Elle. “Hindi mo alam?” mangha kong tanong. Umiling siya. “Bakit hindi ka pa tumatakbo papuntang Gym?” tanong naman ni Prim sa kaniya. “Sorry,” tumungo siya sa aming dalawa ni Prim. “Sorry sa inyong dalawa, Prim and Janine, sarili ko lang ang iniisip ko, gusto ko lang kase na mapansin din ako ni Dustin. Hindi ko na kayo naisip dahil sa pagiging uhaw ko sa atensyon ng ultimate crush ko.” Natutuwa ako kahit ngayon niya lang na-realize mga pagkakamali niya. Kaya pala ang tahimik niya sa klase kanina. Kasi malalim ang iniisip niya. Siguro napag-isip na niya ang tungkol sa pagiging stalker niya kay Dustin. "Teka, hindi ba ay may laro din si Kyle?" Shocks! Nakalimutan ko. Yung kalaban nga pala ng campus basketball team namin ngayon ay ang campus basketball team nila Kyle. "Hindi niya ba sinabi sa'yo may laro sila?" tanong ni Prim. "Alam ko rin may laro sila kasi nag-post siya kagabi sa f*******: niya. Hindi mo nakita?" "Nakalimutan ko. Sinabi niya sa akin kagabi. Pero nawala sa isip ko. Hindi rin kasi siya nag-update sa akin ngayong araw. Hindi niya ako ni-text simula pa kaninang umaga.” “Kasi busy siya. May last practice sila kanina at kilala mo naman ang coach ni Kyle, ‘di ba? Napakaistrikto!” Pagtanggol ni Prim kay Kyle. "You're dead. ‘Yang Boyfriend mo pa naman ay masyadong matampuhin. Daig pa tayong mga babae.” Panakot sa akin ni Elle. “Minsan nga naiisip kong ginagawa ka lang niyang panakip butas. Para lang hindi siya masabihang bading. Kasi pansin n’yo , malambot siya gumalaw, ‘di ba? Hindi kaya gay ang boyfriend mo, Janine?” “Elle, ano ka ba? Ano ba ‘yang sinasabi mo?” natatawa kong tanong sa kaniya. “Si Kyle pa talaga ang pinagsuspetsyahan mo niyan ha?” “Oo. Hindi naman pwedeng si Dustin ko kasi alam naman nating magkabilaan ang mga babae niya. He’s a certified playboy and fuckboy.” “At proud ka bang certified playboy and fuckboy ang ultimate crush mo?” “Oo. As long as hindi siya bading, proud ako.” “Anong oras ba ang laro nila Kyle? Alam n’yo ?” “Kanina pa ata ang start. Alam ko seven ng umaga nag-start ang mga ganyang laro dito sa campus natin.” “Ano? Talaga?” “Oo. Hindi niya ba sinabi sa ‘yo?” “Sinabi niya sa akin ang laro pero hindi kung anong oras. Hindi ko rin natanong kasi antok na ako kagabi.” “Alam mo, wala kang kwentang girlfriend. Kaya pala laging nagtatampo sa ‘yo si Kyle, kasi pati monthsarry n’yo kinalilimutan mo.” "Ano pang hinihintay natin? Kung kanina pa ‘yon nag start baka patapos na. Kung magdadaldalan pa tayo rito, tapos na ‘yung laro pagdating natin doon.” “Tara na,” “Tara, pumunta na tayo sa gym!” pagyaya ni Prim at inayos namin ang mga gamit namin bago pumuntang gym. “Teka, paano ‘yong laro ng Dustin ko sa Field? Gusto ko rin siyang mapanuod maglaro ng baseball!” Hirit pa ni Elle pero wala rin siyang nagawa dahil napilitan na siyang sumama sa amin ni Prim sa Gym. Marami ang tao at halos lahat ay naghihiyawan. Puro number 24 at 27 ang isinisigaw nila. Hindi ko maiwasan ang maging proud dahil isa doon ang numero ng boyfriend kong si Kyle. Siya ang number 27 at yung 24 naman ay ang MVP ng campus team namin. Umakyat kami sa taas at doon kami umupo sa may pinakadulo. Napangiti ako nang makita ko agad si Kyle, ang guwapo talaga ng boyfriend ko. Kahit puno ng pawis ang katawan niya at ang ibang pawis ay tumutulo sa ibang bahagi ng mukha niya ay hindi pa rin maipagkakaila ang pagiging pogi niya. Oo proud ako sa boyfriend ko at hindi ako magsasawang sabihan siya ng gwapo at pogi kahit minsan mukha na siyang unggoy. Kahit amoy pawis na siya, hindi ako nahihiyang punasan iyon. Kahit naman kasi pawisan, mabango pa rin ang amoy niya. Ganoon ako ka-proud sa kaniya. Mukhang kanina pa nga nag-start ang game. Mainit ang laban dahil naghahabulan ang score ng bawat team. Mas lamang ang team ng campus namin ng ilang puntos. Pansin ko ring hindi maganda ang paglalaro ng boyfriend ko. Hindi siya naka-focus sa game. Mukhang distracted siya sa laro. Ano kaya ang dahilan? Parang ako yata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD