“OMG! Ayan, tumingin na dito si Kyle!” Paulit-ulit sinabi ni Elle habang tinutulak ako.
"Nakita ko, Elle, hindi ako bulag. Huwag ka ngang malikot dyan. Pinagtitinginan tayo. Pasaway ka."
"Happy ka na?" tanong niya. “Pwede na ba tayong pumuntang Field? Namimiss ko na ang Dustin ko.”
"Hindi pa ako masaya kasi hindi naman siya dito sa atin tumingin. Dyan sa babaeng ‘yan o! Hindi niya pa ako nakikita. Mas inuna niya pang tingnan ‘yan kaysa sa akin.”
Bumusangot ang mukha ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Nakakapagtampo lang na sa ibang babae siya tumitingin, hindi sa amin.
"Ay, ganoon ba?" Tumingin si Elle doon sa babaeng tinitingnan ko.
Ka-schoolmate ata nila Kyle. Hindi kasi tulad ng uniform namin ang suot nito. Medyo hawig ng uniform nila Kyle kaya sa isip ko ay taga kabilang school ang mga babaeng ‘yan.
"Gusto mo bang lumipat ng pwesto? Makipagpalit tayo sa kanila para makita ka ni Kyle. Ano, makikipagpalit na ba ako?"
Agad ko siyang pinigilan noong akmang tatayo siya sa pagkakaupo niya at lalapit doon sa mga babae. Nakakahiya naman kung makikipagpalit pa siya ng upuan para lang mapansin ako ng boyfriend ko.
Dapat si Kyle ang makakita sa presensya ko, hindi ‘yong kailangan pa namin magpapansin para lang mapansin niya kami.
"Elle, hindi na. Makikita rin tayo ni Kyle.”
Loka-loka talaga ‘tong si Elle.
"Kaysa naman ‘yang babae na ‘yan ang tingnan samantalang ikaw ang girlfriend."
Akala ko ako lang ang nabwibwisit doon, si Elle din pala. Nakakainis naman kasi talaga, dapat hinahanap niya na ako pero parang okay lang sa kaniya kahit wala ako dito sa gym. Parang ok lang sa kaniya kahit na hindi ako manoon ng laro niya kasi may iba na siyang babaeng nagugustuhan na manonood sa kaniya tuwing may laro siya.
"Paano siya makikita ni Kyle, Elle, sa tuwing tumitingin si Kyle dito sa puwesto natin nagtatago siya dyan sa hawak mo." Pagsusungit sa akin ni Prim.
“You mean, kanina pa tayo napapansin ni Kyle?” tanong ni Elle kay Prim.
“Oo. Kanina pa siya sumusulyap sa puwesto natin. Nagkakataon lang na nakatago si Janine sa hawak mong mga libro kaya hindi niya nakikita.”
“Bakit ka kasi nagtatago, Janine?”
“Hindi ko rin alam.”
“Ikaw talaga. Magpakita ka sa boyfriend mo para ganahan ‘yan maglaro. Bigyan mo siya ng inspirasyon. Kaya hindi nakaka-shoot ng bola. Kindatan mo ‘yan for sure makaka-three points ‘yang si Kyle.”
Umiling ako. “Magaling siyang maglaro ng basketball. Hindi niya kailangan ang kindat ko para maka-three points.”
“Napakadamot mong girlfriend!” singhal sa akin ni Elle.
“Baka kasi mas lalong mawala sa focus si Kyle kapag nakita niya ako.”
Dahilan ko na lang, sa totoo lang ay pinakikiramdaman ko pa si Kyle. Pinapanood ko muna siya maglaro, hinihintay ba talaga niya ako? Parang hindi niya na ako inaasahan pang darating kasi may bago na siyang tinitingnan.
“Bakit naman mawawala sa focus? Hindi ka naman nakahubad!”
“Um, excuse me?”
Natigilan kaming dalawa ni Elle nang makita naming nasa harap namin ‘yong babaeng sinulyapan kanina ni Kyle.
“I think I’ve seen you before,” aniya.
Nagkatinginan kaming tatlo nina Prim at Elle. Nagkibit balikat ako. “I’m sorry, baka hindi ako ‘yong taong nakita mo dati,”
“No. It’s you. I know it’s you. Hm, may I know your name? By the way, I’m Coreen,”
“I’m Janine. Sila ang friends ko, sina Prim at Elle.” Tinuro ko sila at pinakilala kay Coreen. She looks nice naman kaya hinayaan ko na rin na magpakilala kami sa isa’t isa.
“I knew it. Ikaw ‘yung girl sa picture na nakita ko. Kaya pala pamilyar ka,” aniya. Ang sweet ng boses niya. Para siyang anghel na ibinagsak ng langit dito sa lupa. Ngayon ko lang napagtantong totoo pala ‘yong ganyang mga kutis at kulay. Napakaputi niya at napakakinis. Artistahin ang dating niya.
“Saang picture mo naman nakita ang kaibigan namin?” tanong ni Elle sa kaniya. “Grabe teh, sikat ka pala ha? Kumakalat mga pictures mo!” natutuwang intriga sa amin ni Elle.
Tahimik lang na nakikinig si Prim. Mukhang inoobserbahan niya itong si Coreen pati na ang pinag-uusapan namin. Hindi na namin napagtuunan ng pansin ang laro ng boyfriend ko. Siguradong kanina pa lumilingon dito sa puwesto namin si Kyle.
“Sa wallet ng boyfriend ko.”
“Boyfriend mo?” Pati si Elle nagulat sa sinabi ni Coreen. Paano magkakaroon ang boyfriend niya ng picture ko? Hindi kami makapaniwala sa narinig. “Bakit may picture siya ng friend namin?”
Ngumiti si Coreen at parang balewala lang ‘yong picture na nakita niya sa wallet ng boyfriend niya. “He’s your ex. Don’t worry, it’s not a big deal for me. I know past is past and hindi naman ako nagtatanim ng galit. Lumapit lang ako para malaman kung ikaw nga talaga iyon. What a coincidence, right? Dito pa tayo sa campus n’yo nag-meet. Napakaliit ng mundo.”
“Paanong ex-boyfriend ni Janine ang boyfriend mo, walang ex-boyfriend ‘tong friend namin.”
“Really?” Bakas ang pagkagulat sa ekspresyon ni Coreen dahil sa sinabi ni Elle. “Actually, ang sabi kasi sa akin ng boyfriend ko, ex niya raw iyong girl na nasa picture.”
“Ex?” tanong ko. Sino ba ang tinutukoy niya? Wala pa akong ex. Isa pa lang ang nakarelasyon ko at iyon ang boyfriend ko ngayon, si Kyle.
“Si Kyle ba ang boyfriend mo?” Si Prim ang diretsang nagtanong kay Coreen.
“Prim ano bang klaseng tanong ‘yan? Imposible ‘yang sinasabi mo,” bulong ni Elle kay Prim.
Tahimik lang ako at hinihintay ang tugon ni Coreen sa tanong ng kaibigan ko.
Akala ko magugustuhan ko ang isasagot niya. Umasa akong mali ang namumuo sa isip ko pero lahat ng iyon ay binigyan ng kasagutan ni Coreen.
She nodded. “Yes. I’m Kyle’s girlfriend.”