4

1881 Words
“May problema ba, anak?” Pumasok si Mama sa kwarto ko para lang tanungin kung okay lang ako. Ilang araw na rin kasi ako nagkukulong sa kwarto. Epekto ito ni Kyle. Inamin niya sa aking niloko niya ako at tunay na naging girlfriend niya ‘yong babae na nakita namin sa Gym habang kami pa. Tuluyan na akong nakipaghiwalay sa kaniya at mukhang masaya pa siya dahil mas naging legal sila nong si Coreen. Kitang kita ko kung gaano ka-proud si Kyle sa new girlfriend niya at halos lahat ng kaniyang social media ay mukha ng Coreen na iyon ang nakikita ko. Hindi ko lang maiwasan ang malungkot. Sa tagal naming dalawa ay niloloko niya lang din pala ako. Akala ko pa naman talaga ay may nararamdaman siya para sa akin. Ni hindi man lang niya ako tinanong o hinabol noong nakipaghiwalay ako sa kaniya. Halatang iyon na talaga ang kaniyang gusto una palang. Hinintay niya lang talaga na ako ang makipaghiwalay upang hindi masabi sa kaniya na siya ang nakipagbreak o siya ang nagkamali sa aming dalawa. “Janine, huwag kang magsinungaling sa akin. Nanay mo ako, dumaan din ako sa ganiyang edad mo. Ang sa akin lang ay puwede kang maglabas ng sama ng loob sa akin. Kung may hindi magandang nangyari sa iyo sa school ay makikinig ako. Basta wag lang ganito dahil tinatakot mo ako at ang Papa mo.” “Ma, ayos lang po ako.” “Kung ganoon ay bakit palagi ka na lang nandito sa kwarto mo? Ibig sabihin niyon ay may problema ka, hindi ka naman nagkukulong dito maliban na lang kung may bagsak kang subject. Meron ba, anak?” “Wala ma. Maganda ang standing ng grades. Wala ka pong dapat alalahanin doon, ako pa rin po ang Top 1 sa class.” “Mabuti naman kung ganoon.” May kumatok sa pintuan ng kwarto ko at pumasok si Papa. “Anak, may bisita ka sa baba.” Kinabahan ako sa sinabi ni Papa. Si Kyle na yata iyon. Baka pumunta siya rito sa bahay upang makipag ayos sa akin. “Sino po?” “Mga kaibigan mo raw. Dalawa silang naghihintay sa iyo sa baba kaya lumabas ka na dito sa lungga mo at harapin mo na sila.” Wala na akong nagawa kundi ang babaan ang mga iyon. Alam ko na agad kung sino ang tinutukoy ni Papa. Umasa pa akong si Kyle iyon. Hindi na dapat ako umasa na pupuntahan pa ako ni Kyle dito sa bahay. “Grabe ka, hindi namin akalain na magpapaapekto ka roon sa Kyle na iyon! Marami pang lalaki diyan. Sumama ka kay Elle mag boy hunting sa campus!” “Shh! Huwag kayong maingay baka marinig nila Mama ang usapan natin.” Pagsuway ko sa kanila. Ang lakas kasi nilang magsalita at siguradong baka mabugbog pa ako nila Papa kapag nalaman nilang kaya hindi ako pumasok ng halos isang linggo nang dahil kay Kyle ay baka mapagalitan lamang nila ako. Hindi nila dapat malaman kung ano ang nangyari sa pagitan naming dalawa. Ayoko ring mapasama si Kyle sa magulang ko dahil kahit papaano ay naging mabuti rin siya sa family ko. “Oo nga naman, Janine, sumama ka lang sa akin. Tama si Prim. Huwag kang mamroblema diyan sa mga lalaki na iyan dahil marami pa tayong reserba. Kung gusto mo, ipapakilala kita sa mga iba kong kaibigan na lalaki. Baka may matipuhan ka sa kanila.” “You know what guys, I cleared my mind. Gusto ko na lang mag focus sa study ko. Ayoko na munang isipin iyang lovelife. I’m done with being lonely. Mali nga siguro ako na nagpaapekto ako sa break up namin ni Kyle.” “What? Break na kayo?” “Shh. Hindi pa alam nila Mama at Papa.” “Ito kasing si Elle ang ingay.” Nakabusangot na sabi ni Prim. “Wew akala mo siya hindi.” Tiningnan ko ang dalawa. Naka uniform pa sila at halatang ngayon pa lang papasok. “Hihintayin ka namin.” Nakangising tugon sa akin ni Prim. “Okay.” Mabilis akong kumilos upang maglinis at magsuot ng uniform. Now is the real life, of being single. Tama sila, hindi ko dapat hinahayaan ang aking sarili na maapektuhan ng mga lalaki na iyan. Lalaki lang sila. Marami pa diyang iba. Ang dapat kong asikasuhin ay ang pag aaral ko para mas lalong maging proud sa akin sina Mama at Papa. Pinakain muna kami nina Mama ng niluto niyang itlog at bacon. Almusal daw namin bago kami pumasok sa school. Masaya rin sina Mama at Papa nang makita nila akong lumabas na ako sa kwarto at nakabihis pa ng uniporme. “Mag-iingat kayo. Mga bata.” Pumasok na kaming tatlo sa school. Muntik pa kaming ma-late mabuti na lang ay nakahabol pa kami sa unang klase. Nagulat ako dahil may exam pala. Nakalimutan daw ipaalam sa akin nina Elle at Prim dahil excited silang makita ako. Nakatulala lamang ako sa paper exam. Hindi ko alam ang isasagot lalo pa walang multiple choices doon. puro fill in the blanks. Tinawag ko ang atensyon ng aming teacher nagbabakasakali akong bibigyan niya ako ng special exam since hindi ko alam ang mga ito kaya wala akong maisasagot ngunit hindi ako nito pinagbigyan. Nakakainis. Gusto ko na nga siyang ireklamo e anong klaseng teacher siya? Dapat nikoconsider niya akong hindi makasagot dahil absent ako ng ilang araw sa kaniyang subject. Nagulat ako ng may nag-abot ng papel sa katabi ko. Mabilis niya lang ginawa iyon tapos ang kapalit ng papel na nilapag niya sa desk ko ay ang blanko kong paper exam. Nagulat ako ng tingnan ko iyong papel na binigay sa akin ng lalaki. It’s a paper exam, with my name on it. Tiningnan ko iyong lalaki sa tabi ko at nanlaki ang mata ko sa aking nakita, si Dustin! Napakurap-kurap ako ng makita niyang nakatingin ako sa kaniya. Kinindatan niya pa ako kaya naman mabilis kong iniwas ang titig ko sa lalaking iyon. Tinuon ko ang pansin sa paper exam na may sagot na. How did he know my name? At bakit nandito siya sa klase namin? Sa pagkakaalam ko ay hindi siya pumapasok sa klase at inuubos ang oras kakalaro ng baseball. “Stop looking or else masasabihan ka ni Ma’am na kumokopya sa akin.” He smirked. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. Umangat ang tingin ng teacher namin sa amin, mukhang narinig ang bulong ni Dustin. Sumama ang tingin niya sa aming puwesto, mabuti na lang ay binalik nito ang kaniyang pansin sa laptop. Hindi ko alam kung paano pasasalamatan si Dustin sa ginawa niyang pagsagot sa paper exam ko. After nilang magsagot ay ni-check-an din agad ang exam and guess what? Ako ang perfect at si Dustin ang may mali ng tatlo! “You owe me.” Aniya bago umalis sa loob ng aming classroom. “Wow. Janine. Absent ka na nga pero nakuha mo pa ring maka-perfect sa exam! Halimaw ka talaga.” Ani Elle. “Oo nga. Mabuti na lang naperfect mo. Pasensya ka na talaga kung hindi namin nasabi sa iyo.” Natigilan kami sa pagkukuwentuhan noong pinatawag ako ni Ma’am. Pumunta raw ako sa kaniyang office. Nagtaka naman kaming tatlo kung bakit niya ako pinapapuntang office. Sinamahan ako nina Elle at Prim pumuntang office, pero nasa labas lang sila. Kinakabahab ako habang hinihintay kung ano ang sasabihin sa akin ni Ma’am. Baka nalaman niyang hindi ako ang sumagot sa paper exam ko. Nakupo. Patay na. Baka ma-drop ako sa subject na ito. “Congratulations, ikaw pa rin ang Top 1 sa class. Mayroon ako one special activity for you, Ms. Rosario.” “Ano po iyon, Ma’am?” “Puwede mo bang tuunan ng pansin si Mr. Dela Fuente? Magiging focus siya sa Baseball dahil sa darating na tournament, and I know ikaw ang makakatulong sa kaniya to cope up with the subjects. I know malaking bagay itong hinihiling ko pero ito lang ang naisip kong paraan upang hindi bumagsak si Dustin. Matalino siyang bata, baka kung mapabayaan niya ang study niya at mag focus muli siya sa sports ay mawala na naman siya sa kaniyang rank.” Totoo ang sinabi ni Ma’am. Matalino si Dustin. Sa katunayan nga ay siya pa ang nagsagot ng paper exam ko and surprisingly, perfect ang score ko. Ito na rin siguro ang paraan upang makabawi ako sa kabutihang ginawa niya sa akin. “Yes, Ma’am, tinatanggap ko po ang hiling ko.” “Thank you very much. Don’t worry, makakatanggap ka sa akin ng automatic a sa next sem at next grading.” “Wow. Thank you po.” Lumabas na ako sa office at nakita si Elle at Prim na abang na abang sa ibabalita ko. “Pumunta muna tayong canteen. Baka maubos ang lunch break natin ng hindi tayo nakakapaglunch.” Kaya naman dumiretso kami agad papuntang canteen. Hanggang sa pagpila ay hindi nila ako tinitigilang dalawa tungkol sa pinagusapan namin ng aming teacher sa office nito. “Sabihin mo na kasi sa amin, Janine, hindi na kami makapaghintay.” “Oo nga, sabihin mo na sa amin habang nakapila pa tayo rito.” “Gusto ni Ma’am na itutor ko si Dustin.” “What?” “Shh.” Mabilis akong sumenyas sa kanila na huwag maingay. “Grabe iba talaga kapag matalino. Nakakalamang sa aming mga bobo lang.” “Elle, hindi ka bobo okay?” “Kung hindi, bakit hindi ako ang pinili ni Ma’am na magtutor kay Dustin.” “Oo nga.” Sang ayon ni Prim. “E di bobo ka rin?” “Ha?” “Hindi ka rin napiling magtutor kay Dustin.” Hindi nagsalita si Prim. Wait, may something, nagkatinginan kaming dalawa ni Elle. “May sinabi ba sayo si Ma’am, Prim? Umamin ka sa amin.” Pagpapaamin ko kay Prim. Tumango siya. Mas lalong nagdrama sa amin si Elle. “Sinasabi ko na nga ba. Ako lang ang bobo dito. Ako lang ang hindi pinakiusapan ni Ma’am na magtutor ng sports player.” “Wait, sino ang sa iyo?” Tanong ko. “Si Zavier.” “Si Zavier? Iyong basketball player? Yung 6 footer? Yung MVP?” Tumango si Prim sa sunod sunod na tanong ni Elle sa kaniya. “Grabe kayooo! Ang susuwerte niyo! Mga crush ko pa ang napunta sa inyo. Hoy! Kayong dalawa. Subukan niyo lang landiin ang mga crush ko, magkakasubukan tayong tatlo!” “Turn mo na Elle.” “Ha? Sa tingin niyo tatawagin din ako ni Ma’am mamaya tapos malay natin no? Baka isa sa mga crush ko rin iyong ipatutor sa akin. Hihi.” “No.” Sumama ang tingin ni Elle kay Prim dahil sa pagsabi nito ng No sa kaniya. “I mean, turn mo na, ikaw na ang kukuha ng foods,” “Ay!” Napalingon si Elle sa nagbibigay ng foods sa amin and Prim was right. Since nauuna sa amin sa pila si Elle ay ito na pala ang mabibigyan ng pagkain pero hindi namin nanotice since nag uusap usap kaming tatlo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD