Nandito ako sa waiting shed naghihintay kay Dustin. Mayroon kaming session na gaganapin. What I mean sa session ay tutorial. Since hindi na nakapasok si Dustin sa lahat ng subject namin kanina dahil sa practice niya with the baseball team ay kailangan kong irecap ang lahat ng iyon sa kaniya for an hour.
Ngayon ay nandito ako sa waiting shed naghihintay sa akin. Hindi naman umuulan pero dito lang namin napagkasunduan magkita. Ito rin kasi ang pinakamalapit na pwesto sa pinagpapractice-an nila.
Dumating si Dustin na basa pa ang buhok at halatang kagagaling lang sa practice. Siguro naman naglinis na siya ng katawan at hindi amoy pawis. Ayoko pa naman sa lahat ang mga taong pawis na pawis at nangangamoy pawis. Hindi sa pagiging maarte, siyempre kailangan mo rin kasing maging malinis kaya kailangan ayusin ang sarili.
Mabuti na lang mabango pa rin itong si Dustin kahit pa galing siyang practice. Well, para saan pa ang bansag sa kaniyang babaero kung magiging mabaho siya, ‘di ba? Kailangan niyang maging mabango all the time para maging presentable siya sa mga babae.
“Hey.”
“Ha?”
“Are you okay?”
Tumango. “Yes. I’m okay. So saan tayo mag-re-recap ng class?” Tanong ko agad sa kaniya.
Nagkibit balikat siya. “You choose. Kasi kung ako papapiliin mo malamang sa condo ko kita dadalhin.” Kinindatan pa ako ng animal na ito.
Akala niya nakalimutan ko na ang pang babastos niya sa kaibigan ko? At ngayon parang may balak pa siyang molestiyahin ako sa condo niya.
“Doon na lang tayo sa coffee shop. Pwede doon-“
“Bawal tumambay doon nang hindi bumibili ng coffee nila. Itetreat mo ba ako? If yes, then tara doon na lang tayo mag-recap ng class.” He smirked.
Talagang inuubos nitong lalaking ito ang pasensya ko.
“Alam mo, ang dami mong pera, mayaman kayo pero ang kuripot mo. Ganiyan ka ba sa mga babae mo?” Hindi ko na napigilan sabihin sa kaniya.
“Bakit, babae ba kita?”
“Ha?”
“All right. So now I have a new girl.”
“Ano?”
“You’re my girl. Let’s go, ako na. Libre kita ng kape.”
“Teka lilinawin ko lang. Tutor mo ako.”
“Whatever you say.” He smiled.
Hindi ako madadala ng smile na iyan. Never.
Iniwas ko agad ang tingin ko at sumunod lang sa kaniya. Nangunguna kasi siyang maglakad papunta roon sa coffee shop.
Napatingin tuloy ako sa kabuuan niya.
Naka-short siya ngayon at t-shirt na white. Napakasimple lang ng pormahan niya pero malakas ang dating niya. Sana lahat marunong magdala ng sinusuot na damit.
So umupo na ako at tinanong niya naman ako ng gusto kong kape. Sa totoo lang wala akong idea kung ano ang meron dito.
Hindi naman kasi ako mahilig magkape.
“Is this your first time?” tanong niya pa sa akin. Ang yabang.
“Yes.” Sagot ko na lang sa tanong niya.
“Wow. That’s great. Do you have any idea what to order?”
Umiling ako sa tanong niya.
“I can suggest. Hm. What do you like? Chocolate or Strawberry?”
Napakunot noo ako sa kaniyang tanong, anong connect non dito sa coffee shop na ito ‘di ba?
“Mas mahilig ako sa chocolate. Di ko gusto ang strawberry, e,”
“I see. Try this chocolate tuesday, you will like it.” Ayan na naman ang smile niya.
Nako, kung si Elle ang nandito ngayon sa kalagayan ko malamang ay natunaw na iyong babae na ‘yon. Masuwerte na lang talaga at hindi si Elle ang nilagay sa kalagayan ko dahil kung oo, natatakot ako baka bumigay agad iyon dito sa maharot na lalaking ito.
Nag order na siya ng kape namin at inayos ko na ang lahat ng notes ko para mabilisang idiscuss sa kaniya ang mga pinag-aralan namin kanina.
Kung hindi niya lang ako tinulungan sa exam, malamang ay tinaggihan ko itong pagtutor sa kaniya. Pasalamat talaga siya at siya ang sumagot sa test paper ko non. Hindi pa nga pala ako nakakapagpasalamat sa kaniya.
I started talking and telling him everything about what we have discussed earlier.
Dumating ‘yong order namin, we both drink it and then we continued. Nakikinig lang siya sa akin hanggang sa matapos akong mag-discuss sa kaniya.
Tuwang tuwa ako kasi makakauwi na ako ngayon, medyo dumidilim na rin kasi kaya kailangan ko na rin talaga umuwi sa bahay.
“By the way, Dustin, thank you nga pala sa pagsagot ng test paper ko.”
“May tanong ako.”
“Ano ‘yon? May hindi ka ba naintindihan? Feel free to ask question, sasagutin ko iyan hangga’t kaya ko.” Since good mood ako ngayon, kakausapin ko siya ng matino. Ngumiti pa nga ako kahit medyo kabado dahil seryoso ang hitsura niya habang nakatingin sa akin.
“Bobo ka ba?”
“Ha?”
“Paano ka nakakakuha ng mataas na grades? Hindi ko gets.”
Napailang kurap pa ako sa sinabi niya sa akin. Di ako makapaniwalang masasabi niya sa akin ang mga bagay na ‘yon. Tama ba ang dinig ko.
“Tinanong mo ba ako kung bobo ba ako?”
He proudly nodded. “Yes. Bingi ka rin ba?”
“You’re rude.”
“I know. I’m just being honest. Kasi lahat ng sinabi mo sa akin ay mali. Hindi accurate yung information na ibinigay mo sa akin doon sa nakalagay sa book. Are you sure na nakinig ka sa prof?”
“Siyempre. Tama lahat ang sinabi ko sa iyo.”
Tapos ayon na inisa isa niya na ang mga nasabi kong mali sa kaniya and he got a point. I think… he was right at ako ang mali. Nako po. Sabi ko na e, kaya ayoko mag tutor. Proud na proud pa ako kanina sa kaniya habang nag eexplain, iyon pala nag ramble ramble na iyong idea sa utak ko at sa mga sinasabi ko sa kaniya.
“I’m sorry.”
“You owe me because of that.” He smirked.
“Alam mo…. matalino ka naman. Hindi mo kailangan ng tutor na bobong katulad ko. Bukas sasabihin ko kay Ma’am na hindi na lang ako ang magtuturo sa iyo. Sorry ulit. And thank you sa chocolate tuesday. Bye.”
Tumayo na ako at hindi ko na siya pinansin. Diretso ang lakad ko palabas ng coffee shop. Nakakahiya! Bakit ba kasi nakalimutan ko ang mga iyon? At talagang mga importanteng bagay pa ang nakalimutan ko at naihalo ko pa sa ibang topic.
Hindi ko alam kung may mukha pa ba akong maipapakita kay Dustin bukas sa school.
Pag-uwi ko sa bahay ay sinalubong ako nina Mama at Papa. Kinamusta lang nila ako sa maghapon ko tapos kumain na kami at bumalik na ako sa kwarto ko.
Noong kukunin ko na ang cellphone ko sa bag ay hindi ko na iyon makita. Nako, baka naiwan ko pa roon sa coffee shop. Kaya naman naisipan kong bumalik.
Siyempre sobra na ang kaba ko kasi cellphone ko iyon, bagong bili sa akin nina Papa tapos mawawala lang ng ganoon. Pagbalik ko sa coffee shop ay wala naman akong nakitang phone doon sa pinagpuwestuhan namin ni Dustin.
Nalungkot ako. Halos mapaiyak ako, sa pagkakatanda ko ay dito ko lang talaga iyon binitiwan noong magsimula akong magturo kay Dustin.
Ay, tama! Baka na kay Dustin ang phone ko. Kaso gabi na at hindi ko alam kung saan nakatira si Dustin, baka ipagpabukas ko na lang talaga ang paghahanap sa cellphone ko.
Sana talaga ay na kay Dustin lang iyon.
Bumalik ako sa bahay at nagkulong na lang sa kwarto ko. Iniisip ko pa rin ngayon kung kumusta na kaya si Kyle.
Naiisip niya rin ba ako ngayon? Hindi ba siya nanghihinayang sa relasyon naming dalawa? Eto na naman ako at umiiyak. Sinabi ko sa sarili ko noon na hindi ako iiyak ng dahil lang sa lalaki.
Iyon dapat ang ginagawa ko ngayon pero bakit heto at nalulungkot ako? Nakakainis. Naiinis ako sa sarili ko dahil labis akong nasasaktan ngayon dahil sa break up naming dalawa ni Kyle.
Ni hindi man lang siya nag dalawang isip makipaghiwalay sa akin.
Nakakatawa naman. Napakatanga ko. Hindi ko man lang napansin na nawawalan na pala siya ng interest sa akin. Masyado akong nag focus sa positive side. Akala ko ay okay pa kami. Akala ko mahal pa rin niya ako. Iyon pala ay hindi na. Lahat ng iyon ay nasa isip ko na lang at ako na lang ang nag aassume.
Nakatulog akong umiiyak dahil sa masamang nangyari sa relasyon naming dalawa ni Kyle. Dapat talaga hindi ko na siya isipin at alisin ko na dapat siya sa isip ko. Dahil wala na naman akong magagawa pa . we are broke up at wala na akong magagawa pa kun’di ang umiyak na lang at tanggapin ang paghihiwalay naming dalawa.
Ayaw ko namang puntahan pa si Kyle para magmakaawa sa kaniyang wag akong iwan. Kung saan masaya si Kyle doon na lang din ako. Kung mas masaya siya kay Coreen ay masaya na rin ako para sa kanila.
Ganoon naman dapat. Kung saan masaya ang mahal mo ay suportahan mo siya roon at maging masaya ka na lang din para sa kaniya.
Masakit man pero kailangang tanggapin para makapag move forward ka at maka move on sa kaniya.
Acceptance is the best cure to the broken hearted person.
*
Habang naglalakad ako papuntang entrance ng school namin ay nakita kong maraming nagkukumpulang mga babae at pusong babae. Ano na naman kayang meron dito? Sa hinuha ko ay may transferee o ‘di kaya grupo ng mga kalalakihang guwapo o mga baskteball players ang pinagkakaguluhan nila.
Natatawa na lang ako sa mga kababaihan dito sa amin. Talagang pinagkakaguluhan nila ang mga lalaki, e, tao lang din naman ang mga iyon. Nakikita at nahahawakan. Maiintindihan ko pa sana kung mga God and goddess ang mga iyon.
“Janine!”
Nagulat ako dahil biglang may humigit sa braso ko. Sina Elle at Prim.
“Nakakagulat naman kayo. Bakit nandito pa kayo? Ayaw niyo pang pumasok sa loob? Don’t tell me isasama mo na naman kanina Elle sa pagbili ng merch niyang mga prince charming ninyo.”
“Ano ka ba, hindi sa ganon!”
“E ano?”
“Nandito si Kyle. Sa entrance ng school.” Diretsahang sabi sa akin ni Prim. “Ganoon dapat Elle hindi yung kung saan saan mo pa dinadala iyong usapan.”
Hindi siya pinansin ni Elle, sumimangot lang ito saglit tapos kilig namang bumalimg sa akin at niyugyog ako. “Hinihintay ka niya for sure!”
“Ako? Hinihintay niya? Para saan? Ilang linggo na kaming walang relasyon ni Kyle. Nakalimutan mo na ba?”
“O, bakit galit ka? Feeling ko lang naman!”
“Nako magtigil ka diyan sa feeling mo. Hindi ako natutuwa. Tara na pumasok. Hayaan na lang natin siya kung nandoon siya sa entrance. Baka may iba pa siyang pinunta rito, baka hindi talaga siya nagsadya para sa akin.”
“Ay nagkakalimutan tayo. Magkuwento kayo kung anong nangyari sa pagiging tutor ninyo kahapon.”
Namewang sa harap namin ni Prim si Elle. Umiwas ng tingin si Prim at tila ba nagbasa na lang sa kaniyang libro.
“Hoy Prim wag mo ako madaan diyan sa libro mo baka sunugin ko iyan. Magkuwento ka sa akin, ano ang nangyari sa pagtuturo mo diyan kay Zavier my loves.”
Hindi agad sumagot si Prim. Kaya naman nainis si Elle at sinigawan na siya. Natawa ako sa kanilang dalawa. Ang kulit talaga ni Elle hindi siya tumitigil hangga’t hindi siya sinasagot ni Prim sa mga binibitiwan niyang tanong dito. Mabuti na lang at mahaba ang pasensya ni Prim at nasasabayan niya ang kakulitan ni Elle.
“He’s a genius. I think he doesn’t need a tutor. Kayang kaya niya mag self study,” ani Prim.
Kuminang naman ang mga mata ni Elle at tila ba napaulanan iyon ng mga puso. Ang rupok ni Elle! Hahaha!
“Ano pa? Tell me more about him!” Napatili na si Elle habang excited na naghihintay sa mga sagot sa kaniya ni Prim.
Ako naman ay hinanda ko na rin ang sarili ko sa mga itatanong sa akin ni Elle, hinanda ko na ang mga isasagot ko sa kaniya.
Nako, si Dustin, pa-fall iyon. Sa actions niya palang sa akin kahapon, siguro kung marupok ako at kung supermodel naman ako tapos sexy at hot malamang ay inuwi na ako non sa condo niya at ginapang na ako.
Mabuti na lang dahil hindi ako pasok sa standards niya kaya naman malaki pa rin ang pasasalamat ko dahil ganito lang ako, hindi ako sobrang ganda at sexy na talagang matitipuhan niya sa ilang araw pa lang naming pag uusap.
“O, tapos na si Prim, Janine, ikaw naman ngayon ang kukuyugin namin. So kumusta ang experience with Dustin?” Kinikilig na tanong ni Elle.
Hinampas siya sa braso ni Prim ng mahina. “Ayusin mo ang tanong mo sa kaniya baka may ibang makarinig. Alam mo naman mga estudyanteng tulad natin ngayon. Uso ang tsismis sa school baka kung mapaano ang kaibigan natin.”
So iyon habang kinukwento ko ang ‘experience’ ko with Dustin kahapon ay tuwang tuwa si Elle dahil hindi niya raw akalain na masasabihan ako ng ganoon ni Dustin. Oo, kinuwento ko talaga kung gano kasama ang ugali ng Dustin na iyon. Para naman magising sa katotohanan itong si Elle, para mawala na ang feelings niya sa aroganteng Dustin na yon.
At totoo ang sinabi ko kay Dustin kahapon, sasabihin ko talaga kay Ma’am na hindi naman na kailangan pa ni Dustin ng tutor dahil kaya niya naman mag self study. Ayoko na masabihan ng bobo ulit, ‘no. Alam ko namang kasalanan ko pero sana sinabi niya sa akin ng maayos kahapon, matatanggap ko naman iyon.
Hindi ‘yung tatanungin niya ako kung bobo ba ako. Sino bang matinong tao ang magtatanong niyon ‘di ba? At sinong tao ang matutuwa kapag nakatanggap ka ng tanong na ganoon?
“Sige nga sabihin mo sa akin kung gaano kabait iyang Dustin ninyo. Jusko, napakasama ng ugali niyan. Magising ka Elle hangga’t maaga pa. Gwapo lang pero walang manners.”
Hindi ko na napigilan kung ano anong masasakit na salita na ang binitiwan kong salita sa kanila about kay Dustin. Lahat naman iyon ay totoo kaya hindi ako guilty sa mga sinasabi ko.
Walang preno ang bibig ko habang nagkukuwento.
“Janine, maghunos dili ka maraming makakarinig sa iyo. Gusto mo bang ma-bash at ma-bully ng mga Dustinatics?” tanong sa akin ni Prim.
Playing safe talaga itong si Prim sa lahat ng bagay. Kailangan safe siya sa bawat kilos at pananalitang gagawin niya. Talagang pinag iisipan niyang mabuti ang bawat action niya sa isang bigay which is makes me wants to be proud of her. At talagang hinahangaan ko si Prim sa bagay na iyon.
of course humahanga din naman ako kay Elle sa pagiging kalog niya at happy lang lagi. Kahit may problema kasi iyan ay dinadaan lang sa ngiti at pagpapatawa sa amin. Kaya kung may problema man kaming tatlo, pag nagseshare na kami sa bawat isa at nakisali na sa usapan si Elle ay wala na, magtatawanan na lang kaming tatlo at makakalimutan na namin ang mga problema namin.
Habang naglalakad kami ay nagtatawanan kami nina Prim at Elle, ilan pang sandali ay malapit na kami siyempre sa entrance ng school.
Nakita ko na si Kyle at sa tingin ko ay napansin niy na rin ako dahil umayos siya ng tayo ng mapansin niya ako .
“Tara guys, diretso lang.”
“Wag mong pansinin ‘yan Janine. Hayaan mo lang iyang si Kyle.”
“Wag nga kayong makulit diyan. Ang kulit ninyo sinabi ng hindi ako ang pinunta ni Kyle. At saka may pinagsamahan naman kaming dalawa, I should say hi, right? Hindi naman kailangang hindi kami magpansinang dalawa.”
“Hi.”
At ito na nga si Kyle sa harap naming tatlo.
Mabuti nga ilan na lang ang tao dito sa harap ng school namin. Hindi na kami makikita ng marami. Kaso malamang ay mababalita rin agad ito sa buong eskuwela namin kung magtatagal kaming kausapin ni Kyle.
Kasi we are just nobody, tapos si Kyle ay isang sikat na basketball player sa kabilang university. Kaya nga maraming babae kanina, dahil sa kaniya.
“Hello.” I smiled back. “Kumusta ka? Ano kasi. Malelate na kami sa first subject kaya kailangan na naming umalis. Nice to meet you again.”
“Wait lang.” Hinawakan niya ako sa isang braso ko.
“Oh, teka lang, hindi mo na puwedeng kausapin ang best friend namin.” Ani Elle.
“At hindi ka na pwedeng makipagbalikan pa sa kaniya.” Ani Prim.
“Tumigil nga kayong dalawa,” mahina kong bulong sa kanilang dalawa pero hindi nila ako inintindi at pinansin.
sila ang humarap sa kay Kyle.
“Pagkatapos mong lokohin si Janine, ang lakas ng loob mong pumunta dito sa harap ng school namin? Bakit, hihingi ka ng sorry sa friend namin dahil mas pinagpalit mo siya sa mas maganda sa kaniya?” Medyo tumaas na boses ni Elle kay Kyle.
“Elle. Mas maganda pa rin naman si Janine kaysa sa Coreen niya ngayon.” Bulong naman ni Prim.
“Ay mas maganda ba ang kaibigan natin?” Tanong naman ni Elle kay Prim.
Napahawak na lang ako sa sentido ko. Ito talgang dalawang ito ay ayaw patatalo at ayaw tumahimik.
“Prim, Elle, huwag kayong maingay, kasi baka may makarinig sa inyong dalawa.”
“Ay oo nga pala secret lang ‘yong relationship nilang dalawa. Meaning walang nakakaalam, right?” Bulong ni Elle kay Prim.
“Guys, stop. Nag aassume lang kayo, e, hindi maganda iyan. Huwag naman kayong maging masama kay Kyle.”
Umiling si Prim sa sinabi ko pati na rin si Elle. Talagang hindi sila boto kay Kyle. Una palang galaga ay hindi na talaga sila boto sa kay Kyle, noong nanliligaw pa lang noon sa akin si Kyle ay sinabi na nila iyon sa akin.
“Ang sama mo.” Sabi ni Prim kay Kyle. “Hindi deserve ni Janine ang itago siya sa lahat ng tao kung talagang mahal mo siya. And now, you’re here? Bakit? Gusto mong makipagbalikan sa kaibigan namin? Do you think papayag pa kaming hayaan mo siyang lokohin mo lang? Umasa ka Kyle. Di porket mayaman at pogi ka ay boboto na lang kami sa ‘yo.”
Napatulala kaming dalawa ni Elle kay Prim dahil ito na yata ang pinakamahaba niyang sinabi at nakakatuwa iyon. It means she has an improvement to express herself. Nakakatuwa.
Mayamaya ay biglang natahimik si Prim at hindi na natapos ang kaniyang sinasabi. Iyon pala ay paparating si Zavier.
Kaya pala natahimik si Prim ay dahil dumating si Zavier at bigla siyang napatiklop ang bibig.
“Listen, I just want to fix my relationship with your friend. And Janine, please let us talk. Let’s fix this. Handa na akong ipaalam sa lahat na ikaw ang girlfriend ko. Just please, come back to me.”
Hindi agad ako nakapagsalita sa narinig ko.
Totoo nga pala talaga na ako ang sinadya rito ni Kyle.
“Wag mong pagbigyan yan, Janine.”
“Wag ka nang makipagbalikan diyan.” Ani naman ni Elle tapos masamang tumingin kay Kyle at akmang susuntukin. “Alis! Akala mo kung sinong gwapo to. Cheater naman.”
“I’m sorry. I’m really sorry.”
Daig pa ni Prim at Elle si ako e. Parang sila pa ‘yong naging girlfriend ni Kyle at tila ba parang sila ang niloko. At ito namang si Kyle ay todo ang paghingi ng sorry sa kanila.