“OMG! Akala ko talaga ay taxi ‘yong susundo sa atin. May pagkasiraulo din iyang kapatid mo Ja sabihin ba naman sa ating Taxi ‘yong susundo!” Lagpas langit ang kasiyahan ni Elle noong makitang mamahaling sasakyan ang nasa labas ng bahay namin. Akala pa nga niya ay si Dustin ang sumundo sa amin. Iyon pala driver lang nila sa bahay. Umindayog pa ng upo si Elle kaya nagtawanan kaming tatlo nina Prim. Talagang pinagkasiya namin ang sarili namin dito sa likod. Malaki naman ang sasakyan. May sarili pa nga kaming maliit na tv dito. Pwede pa kaming manood ng movie at mag soundtrip. Nakasarado naman ‘yong bintana para marinig kami doon sa driver seat. “At saka sabi naman ni Kuyang Driver, gawin lang natin kung ano ang gusto natin, ‘di ba?” “Oo nga! Let’s do it!” Pati si Prim ay sumang ayon

