Natulala ako at namanhid ang buo kong katawan sa nasaksihan. Ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas na pintig ng puso ko dahil sa halo-halong emosyon. Ni hindi ko naituon ang pansin ko sa lakas ng hiyawan at tili ng mga tao. Pansin ko rin ang ibang napatingin sa puwesto ko dahil alam naman nila kung gaano kami ka-attach ni Dustin these past few months. Mas lalo ngang naintriga ang lahat sa amin dahil halos araw araw kami na ni Dustin ang magkasama sa school tapos mangyayari itong ganito rito. Pumayag si Dustin na magpahalik sa babae na iyan! Anong nasa isip niya at nakuha niyang gawin ito sa akin? Wala naman akong ginawang mali sa kaniya ngayong gabi! Siya nga ang hindi namamansin diyan. Trixie is kissing Dustin in front of me, in front of everyone. Wala akong ibang nagawa kun’

