Naglakad na ako papuntang canteen. Sa kasamaang palad ay may nakabunggo sa akin. Yung mga librong hawak niya ay nahulog. Mabilis ko siyang tinulungang damputin ang lahat ng iyon. Mahaba ang buhok niya at babae ang uniform niya kaya for sure babae itong nakabunggo sa akin. “Sorry po talaga. Hindi ko po sinasadya.” Pamilyar ang boses niya sa akin. Hindi niya inaangat ang kaniyang ulo kaya hindi ko makita at mapansin ang hitsura niya pero ang boses niya ay parang narinig ko na hindi ko lang matandaan kung saan at kaninong boses ko narinig ang ganiyang tono. Patuloy siya sa pag ayos ng kaniyang mga libro. “I’m sorry din hindi ko tinitingnan ang daan ko. Ayos ka lang?” Tanong ko sa kaniya. Natigilan siya sa naging tugon ko sa kaniya. Akala niya ba ay pagtataasan ko siya ng boses dah

