Hindi ko alam kung sa'n ako pupunta kaya napagpas'yahan kong umuwi. "Bayad mo po, Ma'am." Ay, oo nga pala, 'di pa ako nakakapagbayad ng pamasahe kay manong tricycle driver. "Ito po, Manong, pasensya na po." inabot ko kay Manong bente pesos. Nginitian lang ako at pinaandar na ang tricycle paalis. Dapat pala nagpahatid na ako hanggang looban. Malayo-layo pala ang bahay namin. Nagsimula na akong maglakad. "Nakaka-awa na Rina." wika ko sa gitna ng paglalakad. Humugot ako ng malalim na hininga. "Nakaka-awa talaga." Lahat ng meron ako gusto n'ya ring makuha. Akala n'ya 'di ko napapansin? Simula bata kami nahahalata ko na. Nagbubulag-bulagan lang ako dahil naaawa ako sa kan'ya. Hindi n'ya kasi kasama ang magulang n'ya at halos walang gustong makipag-kaibigan sa kan'ya. Napakasama tala

