“Ma! Papasok na ako baka ma-late na ako kapag hinintay ko pa ‘yang adobo! Huhu! Next time na lang ako magbabaon! Hehe!” Mabilis akong humalik kay Mama sa pisngi niya. “Anak naman hintayin mo na ‘to malapit nang maluto!” “Ma kanina mo pa sinabing malapit na maluto pero hanggang ngayon pinalalambot mo pa rin ang baboy!” “E kasi ang tigas pa rin. Ayoko namang ipakain sa inyo ito nina Elle at Prim na matigas.” “Kaya nga next time na lang po ako magbabaon. Don’t worry, I’ll tell them na nagluto ka para sa amin ngunit hindi nga lang umabot sa oras. Still, ma appreciate pa rin nila iyon. Thank you Ma!” Hinalikan ko ulit si Mama ng mabilis sa pisngi niya. Si Papa maagang pumasok sa trabaho niya. Nakakatuwa nga dahil maaga nang pumapasok si Papa. Dati kasi panay ang late niya sa trabaho,

