Chapter 24 Ilang araw ang nakalipas ay nagtataka si Zawi sa inaasta ng kanyang nobyo. Ibang-iba ang pagtrato ng binata sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang nangyari at kung ano ang ginawa niya upang magkaganoon ang binata. Maayos naman sila. Wala silang pinag-awayan. Wala rin siyang maisip na dahilan upang hindi siya nito pansinin. Kinausap niya ang kaibigang si Lou upang tanungin ito. "Wala naman akong sinabi sa kanya noong nagkita kami sa unit mo," sagot ng kaibigan. Nanlumo siya dahil wala na talaga siyang maisip na dahilan. "Hindi ba kayo nag-away? Nagkasagutan?" nagtatakang tanong ng kaibigan. Umiling si Zawi. "Hindi nga, eh. Nagtataka na rin ako kasi ang cold niya," nalulungkot na aniya. "Kahit sa school ay hindi niya ako pinapansin," usal ng dalaga. "Baka naman ay may hindi k

