Chapter 23 "Sobrang saya mo ngayon, ah," nakangiwing komento ng kaibigan ni Colleen na si Yuriko. Magkasabay sila ngayong papasok sa eskuwelahan. "Care to share?" nakataas ang kilay na tanong nito. Napangiti siya lalo nang maalala ang magandang balitang nasagap niya. "She's in the hospital," bulong niya upang hindi marinig ng ibang dumadaan ang pinag-uusapan nila. Kumunot ang noo ng kaibigan. "Who?" maarte nitong tanong habang inaayos ang buhok. "Sino pa ba? Ang girlfriend ng baby ko," nakangiwi niyang usal. Napaayos ito ng tayo at napahinto sa paglalakad. Nagugulat siyang lumingon dito dahil hindi niya inaasahan ang reaksyong makukuha sa kaibigan. "Did you try to murder someone, Colleen?" nahihintakutan nitong tanong habang nanlalaki ang mga mata. Titig na titig sa kanya ang kaibig

