Chapter 22 Naging magaan ang pakiramdam ni Nico nang makauwi siya galing sa apartment ng nobya niyang si Zawi. Sabay silang kumain at nagkuwentuhan din sila pagkatapos. Kahit paano ay hindi naging mahirap ang sitwasyon sa pagitan nilang dalawa. Akala niya kasi ay galit ang dalaga ngunit maayos naman itong makipag-usap sa kanya. Naalala niya ang ginawang pakikipagtalo ng ex-girlfriend niyang si Colleen. Hindi niya kilala ang lalaki at hindi niya pa ito nakikita. Napaisip naman siya sa sinabi ng pinsan niyang si Ridge na may kahalikan ang dalaga noong bago pa lamang silang naghiwalay. Umiling siya habang inaalala ang muntikan na niyang gawin/ kanina. Naiinis siya sa sarili but he was just concerned about Colleen. Kahit papaano ay may pinagsamahan naman sipang dalawa at natural lang na mak

