Chapter 21 Hindi mapakali si Zawi habang nasa kalagitnaan na nang pinapanood. Pinagpapawisan siya. Malakas naman ang aircon ngunit pakiramdam niya ay ang init-init ng paligid. Sobrang tahimik na animo'y nagri-ritwal ang mga nanonood. Kaagad siyang napakapit nang mahigpit sa hawakan ng upuan. Nanginig ang kanyang kalamnan nang isinandal ng binata ang braso nito sa kanyang upuan at dumikit iyon sa kanyang leeg. She was stiff while sitting next to her boyfriend. Ngunit ang binata ay kaswal lang naman kung kumilos at napahiya siya sa naisip na baka gusto siya nitong halikan. Hinawakan nito ang kanyang ulo at isinandal iyon sa braso ng binata. The movie was steamy and hot. Medyo maingay ang ibang nanonood dahil may kantiyawan na nagaganap. Hindi nakaligtas sa kanyang pandinig ang isang ungo

