Chapter 19 Nagtataka na si Nico dahil matagal nang nanatili sa loob ang nobyang si Zawi. Hindi naman niya ito matawagan dahil naubusan siya ng load. Tahimik siyang naghintay at kanina pa siya nakayuko nang mapansin niyang may pumasok. Hindi naman niya nakita kung sino iyon pero bigla siyang kinabahan at hindi niya alam kung bakit. Tiningnan niya ang kanyang relos na suot. Malapit na ang oras at kailangan na nilang umalis. Nagpa-reserve kasi siya sa isang sikat na restaurant at wala pa ang nobya. Nag-aalala na siya kaya naman umayos siya nang tayo. Sakto namang lumabas ang isang babae at hindi niya aakalaing si Colleen iyon. "Oh!" nagugulat pa nitong sambit. "I didn't expect to see you here," anito saka lumapit sa kanya. Kaagad siya nitong sinunggaban ng halik. Mabilis lamang iyon kaya h

