Chapter 12 "How's your school, Nico," matabang na tanong ng kanyang ina isang hapunan. Umuwi siya sa kanila dahil gusto siyang makita ng kanyang ina. Hindi na kasi siya umuuwi simula nang magpalit siya ng kanyang kurso. Hindi sila magkasundo ng kanyang ina. Malamig ito kung makitungo sa kanya. Ang mga kilay nito ay palaging nakataas na animo'y naghahamon ng away. Mukha itong palaging galit kung titingnan. Hindi rin ito gaanong tumatawa. Isang himala kapag nakita mo itong ngumiti o kaya ay tumawa man lang. Kapag hindi nasunod ang gusto nito ay galit na ito kaagad kaya naman kinakabahan siya ngayon habang kaharap ang ina. "I'm good," nanginginig niyang sagot. "There's hesitation in your voice, Nico," pabalang nitong komento. Hindi man lang ito nakatingin sa kanya. Nakatuon ang paningin n

