Chapter 5
Nakaupo si Zawi sa isang puno ng niyog na natumba. Inilibot niya ang paningin. Nasa dalampasigan siya. "Wow!" namamanghang bulalas niya dahil sa magandang tanawing kanyang nakikita.
"Do you like it?"
Napabaling siya sa nagsalita. "N-Nico!" utal niyang sigaw dahil sa gulat. "Bakit ka nandito?" tanong niya sa binata.
"Huh? First anniversary natin, Babe. Nakalimutan mo?" may bahid nang pagtatampo ang boses nito nang itanong iyon.
Napalunok siya. First anniversary. Kailan pa? Kailan pa niya naging nobyo ang binata? "Sorry! Hehe! Nakalimutan ko," pag-amin niya.
"Hehehe! It's fine," anito. Naupo ito sa tabi niya at niyakap siya nang mahigpit. Biglang bumigat ang kanyang paghinga dahil sa magkadikit nilang balat. Unti-unti ay lumalapit ang mukha nito sa kanya habang siya ay hindi maintindihan kung ano ang nangyayayari. Nang maglapat ang kanilang mga labi ay pakiramdam niya ay totoong-totoo ito.
Nananaginip ba ako? Mainit. Totoo talaga.
Kaagad siyang napabalikwas nang bangon nang mapagtantong inupuan na naman siya ng kanyang pusa sa mukha. "Dee!" malakas na saway niya rito.
"Meow!" walang ganang sagot ng pusa na animo ay pinagtatawanan siya nito.
"Tsk! Akala ko pa naman totoo na!"
"Meow!"
Malakas siyang tumawa dahil sa nangyari. Panaginip lang pala. "B'wisit! Hahahaha!" Pumailanlang sa buong kuwarto ang kanyang halakhak. Kaagad siyang naligo at nagbihis. Nang matapos ay nagpunta siya sa kusina para magluto ng agahan. Nagluto siya ng bacon at hotdog. Iyon lang kasi ang laman ng kanyang mini-refrigerator. Kailangan na naman niyang mag-imbak nang makakain kapag dumating ang sahod niya.
"Mamaya ay magtatrabaho na naman pala ako," walang gana niyang usal sa sarili. Kung hindi lang talaga niya kailangan ng pera ay titigil na siyang magtrabaho. Kaso ay wala naman siyang ibang maaasahan kundi ang sarili lang rin niya.
Kaagad siyang pumasok sa eskuwelahan nang matapos siyang kumain. Nasa quadrangle pa lang siya ay may nasagap na siyang chismis.
"Nalaman ko lang naman na may sugar daddy 'yon," anang babaeng nakaupo malapit sa isang puno. May nagkukumpulang mga estudyante roon.
"Talaga? Sayang, maganda sana," sagot ng isa pa.
"Kaya siguro nursing ang kinuhang kurso, 'no?"
"Of course!"
Binagalan niya ang paglalakad ngunit dahil hindi na nasundan ay ipinagwalang bahala na lang niya iyon. Hindi naman niya kilala ang pinag-uusapan ng mga ito at wala siyang pakialam. Ngunit hindi pa man siya nakakalagpas sa panibagong kumpol ng mga estudyante ay narinig na niya ang pangalan ng kaibigan. Doon nagpanting ang kanyang tainga.
"That's typical of Lou," anang mga maaarteng Nursing student. Kaklase pa talaga ng mga ito ang pinag-uusapan.
Natigil siya sa paglalakad at pasimpleng tiningnan ang cellphone. Kinalikot niya iyon na animo'y may hinahanap.
"She's a w***e!"
"Yes! A slut!"
"I hate her! She ruined my family!"
Doon mas lalong dinamba nang kaba ang dibdib niya. Paano nagawa ng kaibigan niya 'yon? That's not her! Naghuhuramentado ang puso niya ngunit pinilit niya 'yong kumalma.
"Pero hindi ba't matagal nang hiwalay ang parents mo?"
"Y-yeah."
"Then it's not her fault."
"But I still hate her!"
Hindi na niya tinapos ang pakikinig at dumiretso na sa kanyang klase. Mamaya na niya kakausapin ang kaibigan. Wala naman siyang pakialam kung ano ang gusto nitong gawin sa buhay. Hindi niya ito pakikialaman sa kung ano ang mga desisyon nito. She will respect her every decisions and plans.
Mataman siyang nakinig sa kanilang profesor. Iwinaglit niya muna sa kanyang isipan ang kanyang kaibigan dahil alam niyang mawawalan siya nang pokus sa inaaral kapag sumasagi ito sa kanyang isipan. Mamaya na niya ito kakausapin. Kailangan niya munang unahin ang pag-aaral bago ang chismis.
"Thank you, class!"
Kaagad na nagsipagtayuan ang mga kaklase ni Zawi. Maging siya ay mabilis ring tumayo pagkatapos na iligpit ang kanyang mga notebooks. Alam niyang busy ngayon si Lou. Padadalhan na lang niya ito ng mensahe at sa cafeteria niya ito hihintayin.
"Pabili po ng Mac & Cheese isa." Inabot niya sa ale ang bayad at naghanap ng bakanteng upuan. Dahan-dahan niyang kinain ang binili. Ninanamnam ang lasa niyon dahil ayaw niyang makalimutan niya iyon nang mabilis. Susulitin niya ang fifteen pesos na binayad niya para doon.
Napapikit siya nang mataman nang dumaloy sa kanyang lalamunan ang manamis-namis na lasa ng Mac & Cheese. Pakiramdam niya ay nasa langit na siya kapag nakabili ng pagkain na hindi niya masyado nabibili. Isa na iyong achievement para sa kanya dahil isang patunay lang iyon na nakakaraos siya sa isang araw. Kailangan niya kasing mag-ipon ng pera para sa kanyang kinabukasan kaya siya nagtatrabaho sa gabi.
"Hi!" nakangiting bati sa kanya ni Lou. Inilapag nito sa mesa ang bitbit na nagkakapalang libro. Galing yata ito sa library. "What's up?"
"May nasagap akong chika," panimula niya. Ngumiti ito sa kanya.
"Care to share?" intriga rin nito.
Nagkibit-balikat siya. "May narinig akong chismis kanina. May pinag-uusapan ang mga nursing students." Ayaw niyang sabihin kung ano ang nalaman niya. Gusto niyang ito mismo ang umamin.
"Well, hayaan mo sila. Ganiyan naman ang mga 'yan. Wala nang ginawa kundi ang pagchismisan ang buhay ng iba," mataray nitong saad kaya siya tumawa nang mahina.
"Oo na!"
"Chismosa!" pang-aasar pa nito sa kanya. Sabay silang natawa.
Tumahimik siya at tinapos na ang kinakain. Tinitigan niya ang kaibigan. Sigurado naman siyang chismis lang ang lahat ng iyon. Kung hindi naman siya sinasaktan o binu-bully, sigurado siyang makakaya ng kaibigan ang anumang dagok ng buhay.
"Uy!" Siniko siya nito. Nakayuko kasi siya at panay ang basa niya sa blog na nabasa sa sss. Tungkol iyon sa kanyang kaibigan.
"B-bakit?" nagugulat niyang baling rito. Tinaasan siya nito ng kilay. Ininguso nito ang kanyang likuran kaya naman ay walang pag-aalinlangan siyang bumaling doon.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang mamataan ang binata. Nakapila ito. Nakapamulsa ang dalawang kamay habang nakatingin sa menu na nakasulat sa itaas. Panay ang pag-iling nito bago hinarap ang tindera. Umawang ang labi ni Zawi nang basain ng binata ang labi nito at ngumiti sa tindera.
"Naglaway ka naman," nakangiwing panunukso sa kanya ng kaibigan na animo ay sukang-suka ito sa hitsura niya. Natawa siya nang bahagya.
"Tigilan mo ako!" banta niya rito.
Inirapan siya nito. "Baka gusto mong tawagin ko siya?" panghahamon nito sa kanya.
Kaagad na nanlaki ang butas ng kanyang ilong. "Subukan mo!" nahihintakutan niyang sambit habang nanlalaki ang mga mata. "Tigilan mo ako, Lou!" pigil ang hiningang sambit niya.
Bumungisngis lang ito saka ininom ang biniling ice tea. "Convince me," hamon nito. Inirapan niya ito.
"Whatever!" aniya bago itinuloy ang pagkain. Ramdam niya ang paninindig ng kanyang balahibo sa batok. Someone is staring at her back. Ramdam niya iyon.
Pati ang kaibigan ay natigilan ngunit kaagad ring nakabawi. Siya lang talaga itong mukhang naestatwa at hindi makagalaw. "He's staring, babe." Palihim na kumuha ng libro si Lou sa harap niya.
"R-ramdam ko," utal niyang wika.
"Sana lahat tinititigan," walang kahiya-hiyang saad ng bruhilda niyang kaibigan habang nakangisi nang nakakaloko sa kanya.
Pinanlakihan niya ito ng mata na animo'y matatakot ito sa kanya. "Hindi ako natatakot sa mata mo, Zawi." Sinadya nitong sabihin iyon nang malakas. Para siyang binuhusan nang malamig na tubig nang huminto sa tabi niya ang binata. Narinig nito ang sinabi ng kaibigan. Mabilis siyang yumuko at nagtulog-tulugan. Naririnig pa niya ang mahihinang tawa ng kaibigan. Malilintikan talaga ito sa kanya.
"Wala na," pagbibigay alam nito sa kanya. Umayos siya kaagad ng upo at inayos ang buhok na bahagyang nagulo.
"Hindi niya narinig ang pangalan mo, 'no! Ambisyosa ka! May nag-text lang sa kanya, gaga!"
"Edi--" Tumaas ang kilay ng kaharap halatang nang-aasar. "Shing," namumula ang mukhang aniya.
"Nakakahiya! Umasa pa naman akong marinig niya 'yon!"
"Ako rin," sagot nito. "Eh, ang kaso, bingi ang crush mo, eh."
"Hahaha!"
"Gaga!"
Nagbangayan lang sila hanggang sa dumating ang oras ng klase. Nag-inat ng katawan si Zawi nang matapos ang kanyang panghapong klase. Ramdam niya ang pamamanhid ng kanyang puwit. Hinampas-hampas niya iyon bago inayos ang mga gamit.
Kaagad siyang nagpaalam kay Lou nang magkasalubong sila sa lobby kanina. Galing ito sa laboratory dahil nag-dissect sila ng palaka kanina. Nang makauwi ay humilata siya sa kama. Pagod niyang pinagtatanggal ang kanyang sapatos at uniporme. Panibagong gabi, panibagong gabi na naman ang kanyang sasalubungin.
"Dee, maiiwan na naman kita. Umayos ka, ah? Huwag ka pasaway. Huwag kang pagala-gala sa labas. Baka naman niyan masaktan ka pa," pangangaral niya sa alagang pusa na nakatunghay sa kanya habang abala siya sa pag-aayos ng sarili.
Bago siya lumabas ng kuwarto ay nilagyan niya muna ng pagkain at tubig ang bowl nito. "Huwag kang gumala, ah! Hintayin mo ang pag-uwi ko dahil magdadala ako ng pasalubong para sa 'yo." Hinimas niya ang ulo nito at pinagmasdan habang kumakain. Ilang sandali lang ay nasa biyahe na siya.
Panibagong hamon na naman ang kanyang susuungin ngayong gabi. Sana lang ay makayanan niya. Nang makababa ay kaagad siyang pumasok sa maingay na club. Dumiretso siya sa locker area at kaagad na nagpalit ng damit sa comfort room sa sulok ng hallway. Inayos niya ang buhok at isinuot ang wig na kakulay ng kanyang buhok. Pinagmasdan niya ang sarili. Ngumiti siya nang pilit.
"Makakayanan mo 'to, Zawi. Magtiis ka lang. Malapit na tayong makapagtapos," pagpapagaan niya sa sariling kalooban na nawawalan na rin ng pag-asang makabangon. Nag-iisa na lang siya. Iniwan pa siya ng itinuring ng pamilya. Ano pa nga ba ang aasahan niya sa mga iyon. Hindi naman niya kadugo ang mga taong 'yon.
"Muntik ka nang ma-late, ah," anas ng katrabaho niyang naiinggit sa kanya. Hindi niya ito sinagot. Napansin niya itong umismid sa harap ng salamin.
Ipinagpatuloy niya ang pagtatrabaho sa gabing iyon nang walang problema. Masaya ang manager niya dahil sa maayos siyang magtrabaho. Wala siya masyadong nakakaaway dahil nakikipagsabayan siya sa mga costumer. Kaya naman nang uwian na ay binigyan siya nang malaking tip ng kanyang amo. Nakangiti siyang umuwi at pagkatapos maglinis ng katawan ay natulog siya kaagad.