Chapter 6
"Bili muna ako," baling na saad ni Nico sa pinsang si Ridge. May baon itong snacks kaya hindi na ito sasama sa kanyang bumili sa cafeteria.
"Sige," anito.
Mabilis siyang naglakad palabas at binaybay ang daan papuntang cafeteria. Nakatingin lang siya sa cellphone dahil may binabasa siyang text mula sa ex niyang si Colleen. "She missed me after fooling me. Tsk!" nakangisi niyang sambit bago ibinulsa ang cellphone. Napatingin siya sa paligid nang makapasok. Marami ng tao dahil ganitong oras ang break ng mga estudyante sa lower years.
Nakapamulsa siyang pumila sa paborito niyang Mac & Cheese stall. Binasa niya ang menu sa ibabaw habang nakikinig sa usapan ng nasa unahan niya. Napansin niya ang pagbungisngis ng isa sa estudyante sa kanyang likuran. Ramdam niyang sa kanya ito nakatingin kaya bumaling sa roon. Kaagad na nag-iwas ng tingin ang babae habang panay naman ang pagngiti nito sa kaharap na babae.
Pinakatitigan niya ang likuran ng babaeng nakatalikod sa kanya. May naalala siya.
Zawi
"Eto po ang bayad. Salamat." Nakangiti niyang iniabot sa tindera ang pera. Kaagad suyang tumalikod at akmang magyuloy-tuloy na sa paglalakad nang makatanggap siya ng text mula kay Ridge. Napahinto siya nang marinig ang pangalan ng babae. Nagpalinga-linga siya sa paligid ngunit mukhang nagkamali lang siya nang dinig kaya binasa niya ang text ng pinsan. Pinagmamadali na siya nito dahil nagugutom na ito kahihintay sa kanya.
Mabilis siyang naglakad pabalik sa room nila dahil may isang oras pa sila roon para sa sunod nilang klase. Doon sabay silang kumain ni Ridge. Panay ang pagtingin nito sa kanya nang nakakaloko. Hindi niya malaman kung nang-aasar ba ito o sadyang may iniisip lang itong hindi maganda tungkol sa kanya.
"Ano'ng itinitingin-tingin mo riyan?" nagtatakang tanong niya rito.
Umiling-iling ito saka titingin na naman sa kanya. "Ano ba, Ridge?" naiinis na niyang tanong rito. Ibinaba nito ang hawak na pagkain.
"I'm just wondering. Hindi ka man lang nasaktan sa paghihiwalay ninyo ni Colleen," anito habang seryosong-seryosong nakatitig sa kanya. "Are you even inlove with her?" naniniguradong tanong nito sa kanya.
Natigilan siya. Kinapa niya ang sariling dibdib habang iniisip ang tanong nito. Ilang araw pa lang silang hiwalay ng nobya. Hindi man lang siya umiyak kagaya ng ibang hiniwalayan ng jowa. Isang araw lang siyang lugmok at pagod pero pagkatapos ay naging maayos na ulit siya.
"I don't know," hindi siguradong sagot niya rito. Bumuntonghininga siya saka umayos ng upo. "Hindi ko talaga alam."
"Hmm. Baka hindi ka talaga inlove doon, dre. Kasi naman, nakakaumay at nakakapagod ang kaartehan no'n," anito na halatang nagrereklamo.
"Hindi ko napapansin, eh," pag-amin niya. "Siguro naging bulag ako sa isiping mahal ko siya. Baka nasanay lang ako sa presensya niya pero hindi ko siya minahal. But that's absurd. Maybe I felt a little love for her?" patanong niyang ani sa sarili.
Tumango-tango ang kaharap. "Maybe," pagsang-ayon nito.
Mabilis dumaan ang oras. Gusto niya nabg makilala ang dalaga kaya naman naisipan niyang tumambay sa lobby. Gusto niyang makita ito habang wala pang klase. Nagtanong-tanong na rin siya sa iba at bigo siya.
"Hinintay mo pa ako?" tanong ng pinsan niya nang makalabas ito. May ginawa pa kasi ito sa loob ng faculty room dahil may iniutos ang prof nila kanina.
"Ah, hehe. Oo!" naguguluhang sagot ni Nico dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin.
"Oh?" nakataas ang kilay na tanong nito. "Bakit parang hindi ka sigurado?" dagdag nitong tanong.
"Hahaha! Let's go," aniya saka nauna nang maglakad upang maiwasan ang mga tanong ng pinsan. Mabibilis at malalaki ang kanyang mga hakbang.
"Hoy! Masyado ka namang nagmamadali!" saway nito sa kanya kaya huminto siya at nilingon ito. "Nawawala ang angas ko dahil sa 'yo!" nakangusong sambit nito.
Natawa siya. "Sus!"
Parang may tumunog na maliit na bell sa kanyang isip kaya huminto siya sa kanyang kotse at hinarap ang pinsan. "Mauna ka na!" malakas niyang sabi.
Nagtataka siya nitong nilingon. "Huh?"
"May gagawin pa ako!" aniya at mabilis na sumakay ng sasakyan at nagmaneho paalis.
Nahagip pa niya itong nakatanaw sa kanya sa kanyang rearview mirror na nagtataka sa inasta niya. Binabay niya ang pamilyar na daan hanggang sa makarating siya sa dalampasigan. Iginala niya anh paningin bago bumaba sa sasakyan. Wala ibang tao roon maliban sa mga naglalarong mga bata kasama ng kanilang mga magulang. Ang iba naman ay nag-uusap nang masinsinan.
Naglakad siya sa papalapit at huminto. Tumingala siya. Maaliwalas ang langit. Dahil hapon na ay naisipan niyang magliwaliw muna nagbabakasaling makita niya ang dalaga roon. Isang oras din ang iginugol niya sa dalampasigan ngunit walang nagpakitang Zawi sa kanya. Nanlulumo siyang naglakad pabalik sa sasakyan. Nag-aagaw na ang liwanag at gabi. Nakapamulsa siya habang nakayuko. Pinagsisipa niya ang madadaanan malilit na bato at parang batang nagmamaktol. Malakas siyang bumuntonghininga na animo'y luging-lugi.
"Ano'ng ginagawa mo?"
Napatuwid siya ng tayo nang marinig ang boses na iyon. Nag-angat siya ng tingin at napalunok siya nang mabungaran ang nagtatakang tingin ng dalaga. Bigla siyang nahiya sa kanyang hitsura kaya naman wala sa sarili niyang inayos ang buhok.
"Ayos ka lang? Ano ba ang ginagawa mo rito?" tanong nito sa kanya bago iginala ang paningin. "Gabi na."
"I was waiting for you," pag-amin niya kahit nakaramdam siya nang kaunting hiya sa sarili.
Napansin niyang natigilan ang kaharap. Kumunot ang noo nito. Nagtataka sa sinabi niya. "Ano? At bakit?" tanong nito pabalik.
Hindi siya kaagad makasagot. Iginala niya ang paningin, nagbabakasaling makahanap ng sagot. Ibinalik niya ang paningin sa dalaga na kunot pa rin ang noo. "Ah---" aniya. "Kasi---"
"Kasi ano?" masungit nitong tanong.
"Kasi g-gusto ko lang! Gusto ko lang! Bakit? May problema ba!" malakas niyang sambit. Napaatras ito sa biglaan niyang pagsigaw habang mukhang natatawa sa kanya.
"Sigurado ka ba?" naniniguradong tanong nito habang nakataas ang kilay at may ngisi sa labi na animo ay aliw na aliw ito sa kanya. "Baka naman iba na 'yan," dagdag pa nito kaya naman napaisip siya sa sinabi nito.
"I-I don't know," aniya.
"Oh siya. Umuwi ka na at magtatrabaho pa ako," pagtataboy nito sa kanya.
"Ano ang trabaho mo?" naiintriga niyang tanong.
Bigla itong sumeryoso bago sumagot. "Wala ka na do'n," seryoso nitong saad bago tumalikod at naglakad paalis.
Matagal bago siya nakapag-react. Mabilis siyang sumunod sa dalaga. "Wait!" malakas na pagtawag niya rito.
Lumingon ito sa kanya. "Bakit na naman?" kunot-noo nitong tanong. Halatang naiinis nasa kanya.
"C-Can I have your number?" nauutal niyang tanong rito.
Lumapit ito sa kanya saka inilahad ang kanyang kamay. Kaagad naman niya iyong tinanggap at nakipag-shake hands siya rito. Bumagsak ang bibig nito dahil sa ginawa niya. "Ano ba ang ginagawa mo?" nagtatakang tanong ng dalaga habang nakatingin sa kamay nilang magkahawak.
"Ah, shake hands?" patanong niya sahot habang iniisip na nababaliw ang dalaga.
"Tsk! Akala ko ba gusto mo ng number ko? Cellphone mo ang hinihingi ko!"
Mabilis na nabitawan ni Nico ang kamay ni Zawi. "S-Sorry," napapahiyang aniya.
"Hahaha!" anito habang umiiling.
Kinuha nito ang cellphone niya saka nagtipa doon. "Oh! Huwag mo ako masyadong abalahin," anito sa kanya saka mabilis na naglakad papalayo.
Naiwan siyang nakatayo roon at nakanganga. Naguguluhan, nalilito, at nagtataka. "Did I just---." Malakas siyang bumuntonghininga at sumuntok sa ere na animo'y nananalo siya ng lotto. "I got her number!" hiyaw niya nang malakas bago naglakad papalapit sa kanyang sasakyan. Sumakay siya roon at nagmaneho pabalik sa kanyang condo.
Nakangiti niyang pinagmasdan ang kanyang cellphone habang nakaupo sa kanyang kama. Hindi na niya binuksan ang ilaw. Kapag gusto niya itong makita ay alam na niya kung saan ito pupuntahan. Kaagad siyang bumangon at naghanap nang makakain. Nagutom siya bigla at dahil tinatamad naman siyang lumabas ay nagluto na lang siya ng pancit canton. May tirang tinapay pa naman siya. Bukas na lang siya maggo-grocery.
Hindi pa man siya nakakakain ay tumunog na ang kanyang cellphone. Nakangiti at mabilis niya itong tiningnan kung sino ang tumatawag ngunit kaagad napalis ang kanyang ngiti nang makita ang pangalan ng kanyang ina.
I'm doomed.
Nanginginig niya iyong sinagot. Sa kanyang ina talaga siya nakakaramdam nang takot. Masyado itong perfectionist. Masyado itong bossy hindi kagaya ng kanyang ama na suportado lahat ng gusto niya. Taliwas na taliwas sa kanyang ina.
"What did you do, Nicholas!"
Kaagad niyang nailayo ang kanyang cellphone sa kanyang tainga dahil sa lakas nang pagkakasigaw na iyon ng kanyang ina. Hindi siya kaagad nakasagot.
"M-Mom," nanginginig na aniya. "I did what's best for me," he added.
"What's best for you?" hindi makapaniwala nitong tanong. "I know what's best for you, Nicholas! Huwag kang matigas ang ulo!"
"Pero, Mom! Hindi ako masaya sa desisyon ninyo! Hindi ko gusto ang mga pinapagawa ninyo sa 'kin! I am not happy! Please naman, Mom! Isipin ninyo naman ang kapakanan ko! Puro kayo desisyon sa buhay ko hindi ninyo man lang ako tinatanong kung ano ang gusto ko!" nanlulumong aniya. Sa wakas, nasabi niya rin ang mga saloobin niya.
Tumahimik ang nasa kabilang linya. "I did what's best for you. Tandaan mo 'yan," her mom said.
"No you didn't! Sinisira lang ninyo ang buhay ko," matapang niyang sagot.
Hindi pa man siya nakakapagpaalam ay nakababa na kaagad ang tawag. Alam niya. Galit ang kanyang ina sa kanya. Alam niya ring sinasabon na ngayon ang kanyang daddy dahil sa pagtulong sa kanya.
"Poor me," he sighed.
"Bawi na lang tayo. Gagalingan ko para naman maging proud sila sa akin," pagpapanatag niya sa sarili.
Nag-text siya sa kanyang pinsan at sinabi rito ang nangyari. His cousin comforted him. At least alam niyang may karamay siya. Mapait siyang ngumiti habang kinakain ang kanina pa malamig na pancit canton. Tamad na tamad niya iyong inikot sa hawak na tinidor bago isinubo. Pero kahit ganoon ay nagpasalamat pa rin siya sa Panginoon. He is still blessed. Iyon ang nasa kanyang isipan.
Kaagad siyang naligo at humiga pagkatapos habang hawak ang cellphone sa kanang kamay. Tinitigan niya ang pangalan ni Zawi sa kanyang contacts. Ilang minuto na rin ang lumipas ay hindi niya pa rin magawang tawagan ito. Natatakot siya baka maabala niya ito.
"What should I say?" he doubtly asked himself. "Tsk!" Umikot siya at nagpasyang padalhan na lang ito ng mensahe.
Hi! I'm Nicholas Val Montefalco. I just want to be friends with you.
Nang makita niyang na-send na ay naghintay siya ng reply. Ngunit umabot na ng isang oras ay wala pa rin. Naiinis na siya at inaantok na rin. "Ano ba ang ginagawa niya? Hindi man lang makapag-reply!" reklamo niyang singhal. Nagbasa muna siya ng notes. Naglaro sa cellphone ngunit wala pa ring reply mula sa dalaga. Nagpaikot-ikot pa muna siya hanggang sa makaramdam siya nang antok. Hanggang sa hindi niya na namalayang nakatulog na siya.