Chapter 27 "I'm so happy!" bulalas ni Colleen nang makarating sa bahay ng kaibigan. Hindi siya makapaniwalang umaayon sa kanya ang panahon. Zawi and Nico broke up. Maayos na ang relasyon niya sa binata lalo pa at wala nang hahadlang sa kanila upang magkabalikan sila. "At bakit?" mataray na tanong ni Yuriko sa kanya. "Mukhang masayang-masaya ka nga," ismid nitong usal. Kahit kailan talaga ay kontrabida ang kaibigan niya. Kapag masaya siya ay binabara lang siya nito. "Well, Nico and I made love last night," nakangiting kuwento ni Colleen. Kaagad na nanlaki ang mga mata ng kaibigan. Mabilis itong humarap sa kanya nang maayos. Binitawan nito ang binabasang libro at seryoso itong tumingin sa kanya. "W-What?" hindi makapaniwala ni Yuriko sa kanya. "Are you serious?" naninigurado pa nitong t

