Chapter 28 Bumalik na sa normal ang buhay ni Nico. Simula nang maghiwalay sila ni Zawi ay hindi na niya nakikita ang dalaga. Hindi rin naman niya ito hinahanap. Wala na siyang pakialam dito. Hindi rin siya nagtatanong sa mga kakilala ng dalaga dahil ayaw niyang magkaroon na naman ng issue. Baka mapagalitan na naman siya ng kanyang mga magulang. Hindi pa rin niya nakakausap ang mga ito dahil hindi siya pinapansin ng kanyang ama. "Hi!" nakangiting bati sa kanya ng dalagang si Colleen. Ilang linggo na rin silang palaging nagsasamang dalawa. Mas marami ang umaayon sa desisyon nilang magkabalikan. Kahit sa mga teammates niya ay gusto ng mga ito ang dalaga para sa kanya. Ang pinsan niyang si Ridge lang talaga ang tutol sa kanilang dalawa. Wala naman siyang nararamdaman para sa dalaga. Nasan

