Chapter 29 Lumipas ang limang buwan at maayos na ang pakiramdam ni Zawi. Hindi na rin siya masyadong nahihirapan sa kanyang pagbubuntis. Sa lahat ng panahon ay nasa kanya ang atensyon ng binatang si Drake. Ito ang nagsilbing kanyang kapareha. Ito ang palagi niyang kasama kapag pupunta siya sa ospital para sa kanyang buwanang check-up. The guy was very supportive kahit pa hindi ito ang ama nang dinadala niya. Lubos siyang nagpapasalamat dito dahil hindi siya nito pinabayaan. Kahit pa may pasok ang binata ay sinasamahan siya nito sa mga lakad niya. Lagi rin itong may dalang mga pagkain kapag dadalaw ito sa kanya. Ito ang nagsilbing katuwang niya sa lahat ng bagay. "Salamat," nakangiting usal niya nang abutan siya nito ng hinog na mangga. Katatapos lang nilang magpa-ultrasound at naghihin

