Napalunok siya. Hindi niya napaghandaan ang simpleng physical contact na iyon. Mas hindi niya napaghandaan ang pamilyar na pakiramdam na nabuhay sa simpleng pagdadaiti nilang iyon. He was so close. Humahagod sa mukha niya ang hanging bunga ng pagsasalita nito. Luminga siya at ipinako sa iba ang tingin. “Walang-wala sa hinagap ko na magkakaroon ng usapang ganito sa pagitan natin dalawa,” sabi niya at pasimpleng gumawa ng distansya palayo dito. “Ako man. Pero eto na tayong dalawa. Why can’t you just say yes, Honey?” “Madaling sabihin iyon. Pero, d**k, wala naman tayong relasyon para magpakasal,” giit niya. “Kapag nagpakasal tayo, magiging mag-asawa na tayo. At alam mong hindi iyon basta relasyon lang. Come on, Honey. Just say yes.” Bumalik ang tingin niya dito.

