“FROM NOW on, you will call me Mama,” masuyong sabi ni Raquel sa kanya. Niyakap siya nito at tinapik pa sa pisngi. “Magiging isang pamilya na tayo, Honey. Huwag ka nang mag-isip pa ng kung anu-ano.” “Thank you po, M-mama,” may pagkailang na sabi niya. Sumulyap siya kay Rick. Blangko ang ekspresyon nito. Pero nang magtama ang mga mata nila ay bahagya itong tumango. “Kaisa-isang lalaki si d**k sa mga anak ko,” seryosong sabi nito. “Ibig sabihin, minsan lang kami mamamanhikan. Ayokong mapahiya sa mga magiging balae namin. Kung sa Linggo ang pamamanhikan, kailangan na naming maghanda ni Raquel. May kakaiba bang tradisyon sa inyo para sa pamamanhikan, Honey?” “Wala naman po akong alam na tradisyon. Siguro po iyong makausap ninyo ang mga magulang ko ay sapa

