Part 13

1878 Words

MADILIM na nang magising si d**k. Tanging ang liwanag na nagmumula sa labas ng bintana ang nagsisilbing tanglaw niya. Tila nagpoprotesta pa ang mga kalamnan niya nang bumangon siya. Wala siyang ideya kung ano na ang oras. Masyado nang tahimik ang paligid. Nang dumungaw siya sa bintana, halos mangilan-ngilan na lamang ang tao sa Centro, kung saan kanina lamang ay puno iyon ng mga lokal at turista.     Lampas pa lang ng alas otso ng gabi ayon sa suot niyang relo. Subalit sa lugar na iyon, tila kay lalim na ng gabi. Mabilis siyang naghilamos at nagpasyang lumabas. Mas malamig ang dampi ng hangin sa balat niya. Sinundan niya ang direksyon ng dalawang turista na nauuna sa kanyang maglakad. Hindi siya pamilyar sa lugar na iyon subalit hindi siya nag-alalang maligaw. At tama nga ang palagay niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD