MAILAP ang antok sa kay d**k. Alam niya, hindi iyon dahil sa naidlip na siya kanina. Si Vera Mae pa rin ang laman ng isip niya. Kahit saan niya ibaling ang tingin niya o kahit pumikit pa siya ay mukha ni Vera Mae ang nakikita niya. It was the same when he first saw her over a year ago. Tinamaan siya ng matinding pag-ibig. Hindi siya mapakali. Kahit saan niya ibaling ang atensyon niya, si Vera Mae ang pumapasok sa isip niya. Ang kaibahan nga lang ay ang bigat na tila nakadagan ngayon sa kanyang dibdib. Napalunok siya. At hindi niya maikakaila ang p*******t ng lalamunan dahil sa pinipigil na emosyon. Minsan pa ay nilabanan niya ang sarili na huwag umiyak. Pumikit siya nang mariin at pinilit ang sarili na matulog na lang. BULAG NA lang si d**k kung hindi niya makikita si B

