#TheSecondHusband CHAPTER 55 Huling araw na namin dito sa Baguio kaya naman sinulit na din namin. Namasyal pa kami sa ibang lugar pero iniwasan naming mapunta sa mga lugar na may mga nakatayong haunted structures, baka kasi mangyari na naman sa amin ‘yung nangyari kahapon. Kasabay ng pamamasyal ay sinusulit na rin naming damhin ang sarap ng simoy ng hangin. Siguradong mamimiss namin itong dalawa. “Iba talaga ang hangin dito... Bukod sa ang lamig, halatang malinis.” Sabi sa akin ni Gray habang sabay kaming naglalakad dito sa pasyalan. “Oo nga e... Siguradong nakakamiss ito dahil wala ito sa syudad.” Sabi ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad, kung saan-saan pa kami nakakarating pero alam pa naman namin ang daan pauwi. “Oo nga pala... Na-check mo na ba ‘yu

