#TheSecondHusband CHAPTER 57 Nasa unit na ako, nandito din si Gray na tinutulungan akong mag-ayos ng mga gamit ko. “Naibigay mo na ba ang mga pasalubong natin kay Mama at Papa?” tanong ni Gray. Tiningnan ko siya. “Hanep... Mama at Papa talaga?” tanong ko. Napangiti siya. “Sa pagiging mag-asawa rin naman tayo hahantong kaya ngayon pa lang, sinasanay ko na ang sarili ko na tawagin sila sa ganung tawag.” Sabi niya. Napangiti na lamang ako sa sinabi niya. “So ano nga, naibigay mo na ba sa kanila?” tanong niya. Napatango ako. “Salamat daw.” Sabi ko. “Sa susunod... Sama natin sila sa bakasyon natin.” Sabi niya. “Ok.” Sagot ko na lamang. “Oo nga pala... Gusto ko sanang magtayo ng negosyo... Ano kayang maganda?” tanong niya.

