The Thirty First Star "Ianuae Magicae" Sinambit ko ang mahiwagang salita na nangangahulugan na teleport. Isa sa mga kakayahan na kailangan kong gamitan noon ng spatium at tempore para mapagana. Nagsimulang maging dominant ang kulay pink at puting awra sa akin katawan at pinalibutan kaming dalawa ni Eugene. Sa isang iglap ay nagliwanag ang lahat at ilang sandali lang ay narating na namin ang bahay ni Dr. Mav. Matapos mawala ang liwanag na bumabalot sa aming dalawa ni Eugene ay agad niyang napansin na wala na kami sa kweba. "Woaah, ang galing!" panimula niyang sabi. "Paano mo nagawa yun?" "Isa 'yun sa mga komplikado kong kakayahan noon bago pa ako maging bounded," pagsagot ko sa kanya. "Ang pinagkaiba lang ay less effort ang paggamit ko ngayon," pagtuloy ko pa. "Nice! So madali na p

