Kapansinpansin ang kakaibang katahimikan sa City of Stars kung nasaan ako ngayon. Sa pagkakaalala ko ay puno ang lugar na 'to ng iba't-ibang nilalang na naninirahan dito. Ang creepy lang dahil mistulang isang ghost town ang dati ay masayang syudad. Dahil na rin sa nararamdamang kaba ay binilisan ko na lang ang paggalaw patungo sa palasyo. Sinubukan ko ring tawagin si Foxy upang samahan ako ngunit wala akong nakukuhang sagot mula sa kanya. Pati ang kapangyarihan ko ay hindi ko rin magamit sa lugar na 'to. Madali kong napasok ang palasyo dahil tulad ng sa labas ay wala ring kahit sino ang nandito kaya walang nagbabantay. "Paano kung wala din si ina dito?" tanong ko sa aking sarili habang naglalakad papunta sa bulwagan. Nasa gitna ako ng paglalakad ng biglang nagliwanag ang daang aking n

