The Thirty Fourth Star Naiwan kami ni Eugene dito sa balkunahe habang pinag-iisipan ang mga maaaring maganap kinabukasan. Sa totoo lang ay hindi naman talaga ako nababahala sa mga magaganap bukas lalo na at binigyan ako ng garantiya ng aking ina na siya na ang bahala bukas. Hindi ko lang pinakita yung confidence ko kanina dahil kitang kita sa mukha ni papa na masyado siyang seryoso at dinidibdib ang mga nangyayari. Buti na lamang ay isa akong mabait na estudyante ng Saint Morning Academy dahil kung hindi, baka inatake na siya sa puso. Pansin ko rin na sobrang tahimik din ng isang tao dito na katabi ko. Tulad ng tatay niya ay mukhang dinidibdib niya rin 'yung mga maaaring maganap bukas. "Hoy!" pagtawag ko sa atensyon niyang lumilipad na patungong kalawakan. Napatingin naman siya sa a

