The Thirty Third Star Nagising ako mula sa liwanag na nanggagaling sa bintana malapit sa aking kama. Yung kasabay kong natulog ay mahimbing pa rin na nananatiling nakayakap sa akin. Bigla kong naalala na nanaginip na naman ako, muling nagpakita si ina sa aking panaginip. "Huwag kang matakot magpakilala, ako ang bahala sayo," sabi niya sa akin bago tuluyang maglaho. Ang gulo din ng ina kong 'yun eh, hilbis na sabihin na lang ng diretso ay may pagkapabitin din siya. Tumingin ako sa aking katabi, hilbis na bumangon ay iniayos ko ang aking higa at ninamnam ang pagkakataon na 'to habang magkayakap kami ni Eugene. Hinaplos ko ang kanyang mukha nilalandas ang aking daliri mula sa kanyang sintido, pisngi hanggang umabot 'to sa kanyang baba. "Bakit ang gwapo mo?" bulong na tanong ko sa kanya

