Wala naman kaming masyadong ginawa ni Eugene nung niyaya niya akong umalis, naglakad lakad lang kami sa buong campus at tinignan ang ginagawa ng iba't ibang mga blocks. Sa totoo lang ay hindi ko alam ang gagawin ko dahil itong lokong to, hayagan kung magpaka PDA. Hawak hawak niya kasi yung kamay ko, yung tipong hawak magsyota kaya napapatingin talaga sa amin yung mga tao.
Ang kainis pa eh yung mga nasusuyang tingin nung ibang babae sa akin na akala mo naman eh magaganda, mukha namang pangcarnival ang mukha.
Tapos may mga grupo pa kung makatili akala mo kasali sa orchestra sa sobrang lakas. Dumaan lang si Eugene eh akala mo naman may isang artista silang nakita.
"I love you Eugene!! Kyaaaaah!" dinig ko pang sigaw ng isang bakla na nung tinignan ko ay biglang nagbago ang awra. Beast mode ang butanding, ang sama ng tingin sa akin. At dahil likas sa akin ang maging mabuting estudyante ng Saint Morning Academy, binelatan ko ito at pinakita pa yung kamay namin ni Eugene na magkahawak.
Habang naglalakad sa hallway ay nakasalubong namin si Greg. Yung titig niya sa amin ay parang gulat na gulat. Noong natauhan na ito ay napangiti pa ang demonyo.
"Kaya pala bigla kang nananapak bro, hindi mo naman kasi sinabi na iniirog mo itong si Jiro." sambit nito sa amin.
"Sira ka kasi bro, masyado kang nagiging bayolente kapag nakikita mo si Dave, pero tiklop ka pa rin naman sa kanya." sagot naman sa kanya ni Eugene.
"Ganon talaga eh, alam mo naman na kakaiba yung bibwit na iyon." sagot pa nito.
"Ano na ba kasing status niyong dalawa? Nako bro, huwag kang totorpe torpe, balita ko may gusto daw manligaw sa kanya galing sa ibang school." sabi nito Eugene na ikinanuot naman ng noo ni Greg. Naramdam ko rin na pinisil ni Eugene ang kamay ko kaya alam kong humihingi siya ng backup.
"Teka nga." pagpapatigil ko sa usapan ng dalawa. Ayan na naman, I need to act innocent para kunwari may amnesia.
"Sino ba siya Eugene? Bakit kilala niya si Dave? Manliligaw ba yan ng kaibigan ko? Akala ko yung manliligaw ni Dave eh galing sa kabilang school?" tanong ko kay Eugene. Mukhang hindi niya ineexpect yung ganoong pagsagot ko. Mukhang nakalimutan ata niya na may amnesia ako.
"A-a eh, Jiro, siya si Greg, bestfriend ko. Nabanggit ko na siya sayo noong isang araw." sagot sa akin ni Eugene.
"Hoy Eugene, bakit parang hindi ata ako kilala niyang jowa mo?" nagtatakang tanong ni Greg sa boyfriend ko.
"Ipaliwanag ko na lang next time, basta kasalanan mo kung bakit nawala alaala niya." sagot naman ni Eugene sa kanya.
"Pero totoo ba talagang may manliligaw si Dave galing sa ibang school?" tanong nito sa amin.
"Yun ba? Actually ay ilang beses nang dumalaw yun sa bahay para bisitahin si Dave." sagot ko naman, mukha kasing kailangan pa namin tong tulungan para umamin na kay Dave na bansot.
"Tsk, yun bibwit na yun may manliligaw? Posible ba yun?" tanong nito na parang hindi pa rin makapaniwala.
Nakita ko namang bigla itong binatukan ni Eugene. "Kung ikaw nga nafall kay Dave tapos hindi ka maniniwala, bahala ka dyan, basta ako masaya na kasi kasama ko na si Jiro." sabi nito at hinalikan yung kamay kong hawak hawak niya.
"Arrrgghhh!! Humanda siya sa akin, bakit hindi niya sinasabi na may manliligaw siyang iba." sabi nito at lumakad na palayo sa amin.
"Hindi ba mapapahamak yung kaibigan ko?" tanong ko sa lalaking ngayon ay tawa na nang tawa.
"Huwag kang mag-alala, takot lang nun na masaktan yung kaibigan mo. Simula ata nung Valentines day eh hindi na niya sinira ang araw ni Dave." sabi niya akin.
Maya maya pa naramdaman ko nang kumakalam ang sikmura ko kaya nagpacute na naman ako sa kasama ko.
"Prinsipe ko." pagtawag ko sa kanya.
Agad namang lumingon sa akin at todo ngiti pa, tuwang tuwa kasi kapag tinatawag ko siyang prinsipe ko.
"Bakit prinsipe ko?" tanong nito sa akin.
"Gutom na ko." parang bata kong sagot sa kanya na lalo naman niyang kinangiti.
"Nako, gutom na ang baby ko, need nang pakainin." sabi nito sa akin. "Tara kain na tayo." pagyaya niya sa akin.
At dahil feeling bata ako ngayon, at trip ko din mag PDA.
"Pasanin mo ako prinsipe ko." sabi ko sa kanya with halong pagpapacute. Alam kong hindi to makakahindi kasi sa ilang araw na pagsasama namin eh alam ko na kahinaan niya.
Tama naman ako dahil agad itong tumalikod at yumuko ng kaunti.
"Sakay na mahal kong prinsipe." sabi nito sa akin na agad ko naman sinunod.
Yeepeeee!!! Eugene, ikaw na talaga, kaya mahal na mahal kita eh.
-----
Pumunta kami sa cafeteria sa school para hindi na kami lumabas, kaunti lang naman ang tao ngayon kasi mukhang nagpaorder na lang ng pagkain yung mga estudyante na naghahanda para sa mga boots nila para sa foundation week.
"Anong gusto mong kainin?" tanong sa akin ni Eugene noong naibaba niya ako.
"Rice lang at friend chicken, samahan mo na rin ng dalawang extra rice, tapos kapag may carbonara pakibilhan na rin ako pero kapag wala ok na ako sa spaghetti, tapos sa drink tall na pineapple juice na lang." sabi ko sa kanya.
Napangiti naman siya at ginulo ang buhok tyaka lumapit sa akin at humalik sa pisngi ko.
"Antakaw talaga ng prinsipe ko, buti na lang ay hindi ka tumataba." sabi nito sa akin. "Bili lang ako ah, wait mo muna ako." at umalis para bumili ng pagkain.
"Well well, look who's here." rinig kong sambit ng isang boses sa aking harapan. Nakatangin kasi ako sa direksyon ni Eugene.
Tinignan ko naman ito ngunit dapat ata ay hindi na dahil naasiwa lang ako sa akin nakita. Yung baklang butanding na masamang makatingin kasi sa akin ay nasa harapan ko ngayon.
"I smell something malansa!" maarteng sabi naman ng kasama niyang kamukha ni Barney sa katawan, godzilla sa mukha.
"So true, tapos na hahatching ako, para kasing may paminta sa paligid." sabi pa nung isa na akala mo eh voodoo doll dahil sa mukha niyang tinusok ata ng maraming karayom.
Pero dahil mabait akong estudyante ng Saint Morning Academy, hindi ko sila pinansin. Ang eepal, akala mo naman may mga ganda eh mukhang 'The Curse Three' nga ata ang pangalan ng grupo nila.
"Hoy ikaw!" pagtawag sa atensyon ko ni butanding. Tinignan ko naman ito at tinuro ang aking sarili para kunwari ay inosenteng tignan pero sa totoo lang ay gusto ko nang sundutin ang kaharap ko para mabutas at pumutok na lang.
"Oo ikaw nga! How dare you hold the hand of my dear Eugene." mataray na tanong sa akin nito. Akala naman niya sa kanya yung asawa ko.
"So true, so akala mo ikinaganda mo yan? Desperada, for sure ginayuma mo lang siya!" sabat naman ni voodoo doll na bungi bungi din pala ang ngipin.
Magsasalita pa sana si fusion ni Barney at Godzilla nang sumabat na ako dahil ayaw ko sa lahat yung inaaway ako dahil lamang naiingit sila sa akin.
Pero bago pa man ako makasabat ay may isang galit nang boses mula sa aking likuran ang nagsalita.
"How dare you three come near to my prince and insult him as if you look better that him!? Did you all even brushed your teeth before talking him? Your breath stinks and even if I am still far, I can already smell how nasty it is." nakakanosebleed na litanya ni Eugene sa tatlong pangit na gumugulo sa akin.
"OMG!! Eugene!!!" tila kinilig na sambit ng tatlo nang makita ang asawa ka.
"Can you please stay away from us for a while? Hindi niyo ba nakikitang kakain kami? Tyaka bakit niyo ba nilalapitan ang asawa ko? Alis alis." pagtataboy ni Eugene sa mga asungot.
Bakit kasi dumating ka kaagad Eugene, edi sana ako ang sumasagot sagot sa mga pangit na to.
Mukhang natauhan naman ang tatlo dahil dali dali ring lumisan sa harapan namin.
"Til next time papa Eugene." malanding pahabol ni butanding.
Talagang sinasagad ako ng pangit na to eh, tigas din ng mukha eh, tignan natin kung alin ang mas matigas, yung mukha niya or yung sahig?
Bago pa tuluyang makalayo yung tatlo ay itinapat ko ang kaliwang kamay ko sa kanila mula sa ilalim ng mesa, yung hindi nakikita ni Eugene.
Spatium (Space)
Pagcast ko at ginamit ang aking awra para makontrol ang espasyo at magsilbing extension ng aking katawan. Agad kong idinikit ang awra ko sa binti ni butanding at hinila ito para sure na plakda siya dadapa sa sahig.
Then boom!!
Successful ang naging plano at nadapa nga siya at sakto mukha sa sahig. Agad naman napatingin sa kanya lahat ng mga nasa cafeteria at biglang nagtawanan, pati na rin yung mga side kicks niyang kinacareer ang pagkocosplay kahit malayo pa ang halloween.
"Instant karma." rinig kong sabi ni Eugene at sinubuan ako ng kanin at ulam. "Ayan, kumaen ka nga muna." dagdag pa niya.
Tinignan ko naman muna yung butangding na ngayon ay nakatayo na. Feeling Miriam Quiambao ang trip dahil kunware ay may poise pa ring lumabas sa cafeteria.
"Kakain ka o ikaw ang kakain ko?" rinig ko nang sambit ni Eugene kaya napatingin ako dito.
"Ano!?" naninindak kong tanong sa kanya.
Effective din naman kasi tiklop agad ang prinsipe ko.
"Sabi ko kain na tayo prinsipe ko, nabili ko na lahat ng gusto mo oh tapos pareho pa tayo." tugon naman niya agad sa akin at naging sweet na.
Well? What do you expect from Eugene? Halos langgamin na kami sa kasweetan niya habang kumakaen kami ng lunch.
----
Hapon na nang ihatid ako ni Eugene sa mga kaklase ko para daw makatulong siya sa mga kaklase niya. Nagtext daw kasi sa kanya si Greg at mukhang beast mode daw dahil inaatupag nito ang pakikipaglandian sa akin.
Paglapit ko naman sa mga kaibigan ko ay mukhang badtrip si Dave. Busangot kasi ang mukha nito.
"Anyare sa tyanak?" tanong ko sa mga kaibigan ko.
Pero hilbis na makatanggap ng matinong sagot eh yung warka namilosopo.
"Something na hindi mo malalaman dahil inatupag mo ang paglandi." sabi nito with matching irap pa.
"Huwag ka ngang gumanyan Mio, para kang sinasapian!" reklamo ko sa kanya.
"Well?" paghingi ko ng sagot kay Dave na tyanak.
"Kasi daw yung first kiss niya may nagnakaw." sabat ni Jules the bisugo, the one and only.
"Ay oh?" gulat kong reaksyon dahil alam na alam ko na konserbatibo itong si Dave at pinakaiingatan niya talaga yung first kiss niya. "Sino naman yung salarin?" tanong ko pa.
"Si... si... si ano..." halos hindi makasalita si Dave pero mukhang may ideya na ako kung sino ang nagnakaw ng unang halik ng kaibigan ko.
"Sa reaksyon mo mukhang kilala ko na." sabi ko sa kanya na agad niya namang ikinamula. Kilala ko rin kasi tong kaibigan ko, alam kong may hidden desire din ito sa nambubully sa kanya.
"Aaaaaahhhhh!!!" sigaw nito kaya nagsitinginan sa kanya ang mga kaklase namin, pati si mam Mylla mukhang nagulantang.
"Anong nangyayari dito?" tanong sa amin ni madam Mylla nang makalapit ito.
"Wala po mam, nagtatanggal lang ng stress tong si Dave kaya sumisigaw." pagpapalusot namin.
"Ganun ba?" tanong nito sa amin.
Tinanguan naman namin siya bilang sagot pero...
"EDI SISIGAW NA RIN AKO NANG MAWALA STRESS KO!!!" pagsigaw din ni madam Mylla at tyaka tumawa. "Peace mga bata." sabi niya at umalis.
"Pagbabayaran niya ito." rinig kong sabi ni Dave.
"Sino? si madam Mylla?" slow na tanong ni Mio.
Binatukan naman siya ni Jules. "Sira, lumilipad ba utak mo?" tanong nito sa kanya.
"Walang pakpak ang utak ko duh?" pagsagot naman sa kanya ni Mio.
"Kailangan niyang panagutan ito!" rinig ulit namin na sinabi ni Dave.
Oopss, mukhang may malalagot bukas neto, pero sure naman ako na maganda ang kalalabasan nito dahil base sa kwento ni Greg sa akin. Patay na patay daw talaga si Greg kay Dave. Kinuwento din sa akin ni Eugene na pasikretong nagkikita ang dalawa, akalain mo yun di ba? May ganun na palang nagaganap pero hindi namin alam.
"Jiro! I need your help para dito!" sabi sa akin ni Dave.
On that point, alam ko na ang gusto niyang iparating...
Dave needs Eugene's help with this matter.