The Twelfth Star

2015 Words
Pauwi na kami ngayon ni Eugene at kinakabahan ako dahil paniguradong beast mode ang mga barkada ko. For sure alam nilang kasama ko si Eugene dahil nag iwan naman ako ng note sa kama ko bago umalis, ayun nga lang ay walang signal pinuntahan namin kaya noon makarating kami sa lugar na may signal, biglaang nagsulputan lahat ng mga messages nila para sa akin. Noong una ay mga nagtatanong kung nasaan ako at bakit hindi nila ako matawagan hanggang sa maging hate messages at curses na nila ang narereceive. "Nandito na tayo." sambit ni Eugene nang marating namin bahay namin. Bukas ang mga ilaw kaya alam kong gising pa ang mga halimaw sa loob. "E-euge, p-pwede mo ba akong samahan sa loob?" tanong ko sa kasama kong ubod ng gwapo. "Bakit? May problema ba?" tanong nito sa akin at hinubad na ang aking helmet, hinubad na din niya yung sa akin. Ang sweet di ba? "A-ano kasi, may mga halimaw sa loob, paniguradong lalapain nila ako." sagot ko sa kanya na ikinatawa naman niya. "Oh siya sige, kailangan ko rin namang protektahan ang prinsipe ko sa mga gustong manakit sa kanya." sambit nito at ginulo ang aking buhok. Agad ko namang binuksan yung gate para maipasok yung motor niya. Alangan naman kasing iwan namin ito sa tapat ng bahay, baka kasi mapaginteresan, mukha pa namang mamahalin. "Anong klaseng halimaw ba ang mga naghihintay sa atin?" tanong nito sa akin at halatang sinasakyan yung trip ko. "Isang bisugo, isang warka, at isang tyanak." sagot ko sa kanya. Kung naririnig lang ako ng mga kaibigan ko ay tiyak na kanina pa nila ako nasaktan dahil sa kalokohan ko. "Sige mahal ko, ako ang bahala sa kanila." sagot naman nito at lumapit sa akin para bigyan ako ng halik sa noo. Dahan dahan kong isinuksok ang susi sa may knob ng pinto at unti-unting ipinihit. Parang nasa horror movie lang na dahan dahan ang paggalaw upang hindi makagawa ng ingay. Pagpasok ko sa loob ay agad ko ring pinasunod si Eugene na abala sa pagtingin tingin sa paligid. "Nasaan ba yung mga kaibigan mo?" tanong nito sa akin kaya hinawakan ko ang kamay niya. "Baka nasa kwarto na ang mga iyon, tara na, dito ka na rin matulog dahil hindi ako papayag na magbyahe ka pa ng mag-isa ng ganitong oras." sabi ko rito na agad naman nitong ikinangiti. "Tatanggi pa ba ako eh ikaw na ang nag-aya, actually kanina ko pa gustong magpaalam sayo na dito ako matutulog." tugon naman niya sa akin. "Sus, hindi mo na kailangan na magpaalam, welcome na welcome ka dito kahit anong oras, may susi ka rin naman na." sabi ko sa kanya at pinisil pa ang pisngi niya. Ang cute kasi ng boyfriend kong halatang nagpapacute talaga. "At saan ka sa tingin mo pupunta?" dinig ko sabi ng isang boses sa sala. Napadaan kasi kami dito ni Eugene dahil ito lang ang tanging daan papunta sa hagdan. "Ow, at mukhang may kasama pa ang ating mahal na prinsipe sa kanyang pag-uwi." sabi pa nung isang nakaupo pa sa sofa na parang isang reyna eh mukha namang warka. "Ipakilala mo kaya sa amin ng pormal yan nang makilatis hindi yang didiretso kayo agad sa kwarto, para ano? Nako nako hindi ata pwede yan." sabi naman nung bisugo na nakatayo sa gilid ng reyna nilang warka. "Hi guys?" nag aalinlangan kong pagbati doon sa tatlong akala mong pamilya ng mga engkanto. "Anong hi hi ka dyan, saan ka galing ah? Alam mo bang alalang alala kami sayo! Hindi ka man lang nagpaalam!" daing ni Mio dahil nga sa aking nagawang pagtakas. Beast mode na talaga siya, umuusok na kasi ang kanyang ilong. "Tapos ngayon malalaman namin na yang si Eugene ang kasama mo! Eh may history pa yan ng panghaharass sayo!" gatong naman ni Dave na hindi mo mawari kung galit eh natatae lang. "Tapos ngayon you'll act na parang wala kang nagawang kasalanan!" sabat pa ni Jules bisugo na akala niya kinagwapo niya. "Guys, wala namang masamang nangyari kay Jiro, naiuwi ko siya ng buo at buhay." kalmadong sagot ni Eugene. "Hoy ikaw, kung akala mong..." hirit sana ni Mio nang nakita kong pinagkunotan ito ng noo ni Eugene, yung tipong pinagbabantaan niya si Mio na 'sige ituloy mo, baka malintikan ka sa akin'. Natahimik naman na yung tatlong mukhang nasindak sila ng knight with flawless body ko. "K-kumaen na ba kayo? May pagkain dyan nagluto kami kanina para pagdating ni Jiro eh makakain na siya, alam naming gutumin yang timawa na yan eh." sambit ni Mio na nag iba na yung tono, yung pinaghalong takot at taray. "Hoy warka sinong timawa?" tanong ko sa kanya. Feeling matapang ako ngayon, nandito kasi si baby ko Eugene, pero for sure lagot ako pagkauwi neto, for sure aambunin ako ng mga kaibigan kong mesa-engkanto. "Si Dave! Si Dave yung tiwana, halata naman sa height hindi ba?" pagsagot nito sa agad. Agad din naman siyang binatukan ni Dave dahil sa pang-aalaska at pangdadamay nito sa kanya. "Kumaen na ba kayo?" tanong ko sa mga ito at sabay sabay naman silang sumagot ng... "Hinda pa!" Kaya beast mode ang mga to, gutom na pala. "Galit?" tanong ko naman. "Hindi hindi, gutom lang." sagot naman ni Dave. "Tara na nga at kumaen na tayo." pagyaya ko sa kanila at hinila na si Eugene. Buti na lang talaga eh takot sila dito sa baby ko kung hindi eh baka kaming dalawa ang nabulyawan ng mga ito. Ako na ang nagprepare ng mga gagamitin sa pagkain pero itong si Eugene eh mapilit na tulungan ako kaya wala na akong nagawa. Tapos ang gusto pa ay isang pinggan na lang daw ang gamitin namin para daw tipid sa hugasin. Lokong to, gusto pa ata magpaka PDA sa harap ng mga kaibigan ko. "So, what up with you guys?" mapanuring tanong ni Mio sa amin ni Eugene. Ito na kasi kami at nagsimula nang kumaen, tapos sakto pa na iisang plano lang ang gamit namin ni Eugene kaya obvious talaga na something is happening sa aming dalawa. Sasagot na sana ako nang hinawakan ni Eugene ang kamay ko, intertwined pa nga eh tapos itinaas niya ito at ipinakita sa mga kaibigan ko ito. "We're in a relationship." plain na sagot niya, mukhang hindi pa siya sanay sa presensya ng mga kaibigan kong bano. Napaubo naman silang lahat, synchronized talaga eh no? Mukha bang hindi katanggap tanggap na kami na? "Anong gayuma ang pinainom sayo ni Jiro?" agad na reaksyon ng kaibigan kong warka. "Ginayuma talaga? Hindi ba pwedeng he's in love with me?" sagot ko naman sa kanya. "Pero hindi ba unfair yun Jiro? Hindi ba't wala kang maalala?" sabat naman ni Dave liit na halos lumubog na sa lamesa dahil sa liit. "Well I don't care if he can't remember me, kung bigla mang bumalik alaala niya, I'll just make him fall in love with me." sagot naman ni Eugene na kinangiti ko. Talagang hinalikan pa niya yung kamay ko. "Huwag nga kayong OA, nandyan na yan at sila, suportahan na lang natin, tyaka ikaw Eugene, huwag kang mag-alala kung bumalik ang alaala ng tukmol na yan, panigurado akong mas matutuwa pa yan dahil obsessed na obsessed yan sayo." pagputol ni Jules sa sagutan naming tatlo. Napangiti na naman itong katabi ko, iniisip ata niyang patay na patay ako sa kanya. (Deny ka pa eh totoo naman) "By the way Eugene, welcome to the group." sabi nito kay Eugene at nakipagfist bump. "Thanks." pagpapasalamat sa kanya ni Eugene and the rest of the night is history. ---- Kinabukasan ay maagang umalis si Eugene para umuwi sa kanila. Ito namang mga kaibigan ko eh halos puro tanong sa akin kung anong nangyari at bakit bigla na lang naging ganoon agad kami ni Eugene in a short period of time. Ito naman si ako, syempre magkukwento pero syempre medyo ingat sa mga details at mag eexplain dahil baka malaman nila na wala talaga akong amnesia. Nandito kami ngayon sa school, need pa rin kasi namin pumasok kahit tapos na exam dahil sa nalalapit na foundation week. Buti na lamang ay ako ang candidate sa pageant kung hindi ako kasama ako sa mga nagpapakahirap ngayon sa pagbuo ng gagawin naming booth. Sabi kasi ni mam Mylla ay huwag daw akong magpapagod para hindi mabawasan ang kagwapuhan ko, oh diba? Super supportive ang ina ng aming block. Habang nakaupo ako sa isang bench malapit sa mga kaklase ko na kung anu ano ang ginagawa ay nakaramdam ako ng yumakap sa likod ko. "Kumusta ang prinsipe ko?" tanong sa akin ng lalaking tinitibok ng puso ko. "Ito namimiss yung prinsipe ko." sagot ko sa kanya eh isinandal ang ulo ko sa kanya. "Nandito na ako kaya wag ka na malumbay. Kumain ka na ba?" tanong nito sa akin. "Hindi pa nga eh, hinihintay ko lang ang mga kaibigan ko na matapos sa ginagawa nila." sagot ko sa kanya. "Ganun ba? Basta sabay tayong kakain ah." sabi nito sa akin. "At anong sa tingin niyo ang ginagawa niyo!?" tanong sa amin ni Mam Mylla nang makita kami ni na PDA malapit sa kanila. "Enjoying each other's company." kaswal na sagot ni Eugene sa homeroom teacher namin na naningkit na. "Hoy Eugene, baka naman palusot mo lang yan, baka nag-sspy ka lang sa kung anong pakulo ang gagawin namin." sambit ni madam Mylla sa kasama ko. Bakit parang kaswal lang sa kanila ang ganitong klaseng pag-uusap? Hindi ba dapat kahit papaano ay may formality. "Hay nako ate, huwag ka ngang panira ng moment, bumalik ka doon sa mga estudyante mo at gabayan sila hindi yang umieksena ka sa amin ni Jiro." sabi ni Eugene na kinagulat ko. Huwaaat! Magkapatid si mam Mylla at Eugene!?? Ngayon ko lang to nalaman. Agad namang pinalo ni madam Mylla ang braso ni Eugene kaya napaaray yung lalaking to. "Sira ka talaga, ang ingay mo!!" asik nito kay Eugene at bumaling sa akin. "Ah Jiro, hindi ba close tayo? Sana ay wala nang makaalam ng nalaman mo ah. Sikretong malupet natin to." sabi nito sa akin. "Sus ang OA naman kasi ng gurang na to, bakit kailangan pang isikreto na anak ka ng isa sa mga benefactor ng school na ito." sabat ni Eugene sa kanya. "Para walang plastic na sipsip ang lumapit sa akin tyaka gusto ko ng tahimik na environment no." sagot niya sa kapatid niya. "Gusto mo ng tahimik na environment pero ikaw ang ingay ingay mo!" pambabara naman ni Eugene sa ate niya. "Letse!! Lumayas ka dito! Hindi mo ba nakikitang busy kami dito?" pagpapalayas ni ate Mylla kay Eugene. "Kayo lang naman ang busy at hindi ang mahal ko, kaya chooo! Nakakaabala ka." pagtataboy ni Eugene sa ate niya. "Aba't ginawa mo pa talaga akong aso ah." sabi ni mam Mylla at halatang susugurin na ang kapatid niya pero agad namang natigilan ng magsalita ulit si Eugene. "Isang ulirang guro, nanakit ng isang estudyante dahil lamang sa inaakalang kumpetisyon para sa foundation week." sabi ni Eugene na para talagang news reporter habang sinasambit ang bawat salita. "Grrrr!! Humanda ka sa akin pagkauwi sa bahay!" pagbabanta ni madam Mylla. "How you wish na magawa mo yan. FYI ate, hindi ako sa bahay titira hanggang matapos ang foundation week." sabi agad ni Eugene sa ate niya. "And where do you think you're going to stay?" pagtataray ni madam Mylla. "Syempre sa bahay ng mahal ko." agad na sagot ni Eugene tyaka ako mas niyakap ng mahigpit. "Hays!! Nako Jiro mag-ingat ka dyan sa kapatid ko ah. Manyak yan! Kapag makita mo yung...." sambit ni madam pero hindi na niya naituloy nang biglang dinamba ni Eugene at tinakpan ang bibig nito. "Ate pumunta ka na sa mga estudyante mo ha, isasama ko muna itong si Jiro sa labas. Huwag ka nang maingay, masakit sa tenga boses mo eh." sabi ni Eugene sa ate niyang nagpupumiglas sa kanya. "Tara na Jiro, bye ate! Good luck sa foundation week." sabi ni Eugene at agad akong hinila palayo sa aking block adviser. Ano kaya yung sasabihin sana ni madam Mylla about kay Eugene?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD